CHAPTER 16

35.4K 531 6
                                    

This is for you again:)))

Hope you'll like it!

And welcome to wattpad.

==========

JHOY'S SIDE 




Lunch time na ako nung magising. Kasi naman eh! Wag na! Oo na! Ako na yung assuming! 

Matapos kung pagbabaan ng tawag si Mhor kaninang madaling araw, halos inabot pa ako nang dalawang oras bago tuluyang nakatulog ulit. Buti nalang at maaga umalis sina mommy at daddy kaya hindi ako napagising kay Manang Claudia.  

Alam naman kasi dito sa bahay na hindi talaga ako early riser pag-weekends kaya hinahayaan na lang nila ako. Si mommy nga ang human alarm clock ko eh! 

Pero mabalik tayo sa nangyari lang kanina.  

T_T 

Wala na talaga akong mukhang maihaharap kay Mhor nito. Di bale na nga, weekends naman eh, kaya for sure Monday na kami magkikita nun, by that time, limot niya na yung nangyari. 

..TOK..TOK..TOK.. 

"Iha, gising ka na ba? Papasok ako ha?" -ay si Manang Claudia pala. Siguro gigisingin na talaga ako nito kasi lunch time na at dahil nga hindi pa ako nakapag-breakfast. Si Manang Claudia pala ang nanny ko noon pero nong lumaki na ako, binago ko na ang pagtawag sa kanya. Nahihiya na kasi ako sa kanya eh, ang laki-laki ko na tapos nanny pa din ang tawag ko. 

"Opo Manang. Pasok po kayo." -sigaw ko kay Manang para marinig niya ako. 

"Gising ka na pala. Hala! Bumaba ka na don para makakain ka na. Hindi ka na naman nakakain ng agahan." -bungad ni Manang sa akin habang papalapit sa akin at inumpisahang ayusin yung kama ko. 

"Manang, ako na po." -pigil ko sa kanya. Kahit nag-iisa lang akong anak ng parents ko, hindi nila ako pinalaki na spoiled. Tinuruan ako ni Mommy ng mga gawaing bahay, and I'm proud of it. Kasi, kaya kung tumayo sa sarili kung mga paa kung ako lang mag-isa ang maiiwan sa bahay namin. 

"Ano ka ba, noon ko pa naman din ginagawa to'' -sabi ni Manang habang unti-unting inaayos yung comforter ko. Agad ko namang binawi yung comforter at sinumulang ayusin na lang ang kama ko. Pero di pa rin nagpaawat si Manang, tumulong pa rin. 

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon