CHAPTER 27

29.4K 510 40
                                    

This chapter is for you:)))

Sana magustuhan mo.

How I wish alam ko yung real account mo sa fb.HAHAHAHAHA

In short, gusto kong makita yung face mo:))))

==========

THIRD PERSON POV 





Naging balisa si Mhor matapos makatanggap ng isang text sa di inahasaang tao. Hindi niya alam ang gagawin kung mag-re-reply ba sa text na iyon o hayaan na lang. Pero sa loob-loob niya may nakapa siyang kasiyahan sa text na natanggap niya. 

Ang laman ng text na iyon ay nagsasabing miss na miss na niya si Mhor at nagsisisi siya sa naging desisyon sa pag-iwan nito.  

Limang minuto nang tiningnan ni Mhor ang cellphone niya nang may natanggap na naman siyang text pero hindi na ito galing sa na unang nagpadala sa kanya kanina. Galing ito sa Jhoy. Nagtatanong si Jhoy kung matutuloy yung lakad nila. 

Saka pa lang din nag-sink-in kay Mhor na may lakad pala sila ni Jhoy ngayon. Nakalimutan niya pala dahil nagulo na yung sistema niya sa text na ipinadala ni Hillary. 

Oo! Kay Hilllary galing ang text na iyon.  

Makaraan pa nang ilang sandali ay napagdesisyunan ni Mhor na tawagan si Hillary. Gusto niyang malaman kung totoo ba yung text na pinadala sa kanya. Kung para ba talaga sa kanya yung text na iyon kahit halatang-halata naman talaga na para sa kanya. 

Gusto niya lang talagang marinig mismo sa bibig ni Hillary ang laman ng ti-next niya. Gusto niyang marinig ang boses nito dahil aminin man niya o hindi na miss niya din si Hillary. 

Lingid sa kaalaman ni Mhor, na may isang babae na naghihintay sa kanya sa magiging tagpuan sana nila. Ginaw na ginaw na si Jhoy sa kakahintay kay Mhor, pero halos isang oras na ang nakakaraan ay hindi pa din niya nakikita ni anino man lang ni Mhor. 

Hindi din nag-reply si Mhor sa text na ipinadala niya. Tawag siya ng tawag kanina pero palaging busy tone naman yung naririnig niya. Kinakabahan na siya. Baka kasi kung napaano na si Mhor o di kaya may nangyari na sa kanyang masama. 

Pero kahit na ganun, handa pa ding maghintay si Jhoy dun hanggang sa dumating si Mhor. Alam niyang dadating si Mhor. Hindi ugali ni Mhor ang mang-indian ng isang lakad.  

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon