CHAPTER 46

25.1K 410 13
                                    

Thank you for always liking my story:))))

Keep safe:)

============

JHOY'S SIDE 




Habang papaakyat ako sa hagdanan, hindi ko mapigilan ang kabahan. Kakausapin na kaya ako ni Mhor? Baka naman paalisin niya lang din ako kasi ayaw niya pa din akong kausapin. Ayoko! Mag-uusap kami sa ayaw at sa gusto niya. Bahala siya. 

Paglapit ko sa pintuan ng kwarto niya, inataki na naman ako nang sobrang kaba. Pero andito na ako. Kaya ko to.  

Kakatok na sana ako nang may narinig akong kausap ni Mhor. Kahit ayaw kong mag-eavesdropping ay talagang na-curious ako kung sino ang kausap ni Mhor. Akala ko ba ayaw niyang magpadisturbo?  

Linapit ko yung isang tenga ko sa pinto at nakiramdam at nakinig sa boses ni Mhor. 

"I'm okay." -rinig kong sabi ni Mhor. Naghihintay sana ako sa kasama niya na magsalita ulit pero nagtaka ako nung si Mhor ulit yung nagsalita. 

"What do you want?" -sabi nito na mahahalata ang pagka-bored sa boses nito. I don't think may kasama siya sa loob. Mukhang may kausap siya sa cellphone niya. 

Eh sino naman? Mas naging curious ako sa magiging takbo ng pag-uusap nila.

"Hillary I get it." -narinig kong sabi ni Mhor. 

0_0 




What? Si Hillary? Si Hillary yung kausap niya? 

Kailan pa sila nagsimulang mag-usap ulit? May communication na ulit sila? Bakit hindi ko man lang alam to.  

Bigla nalang ako nakaramdam ng kirot sa puso ko. Huwag naman sana. Ayoko! Please. Hindi naman siguro ako niloloko ni Mhor.  

Book 1: I Am A Selfish Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon