Dumaan ang isang linggo simula sinunod ko ang lahat ng sinabi sakin ni cllover. At simula non bumalik ang aking lakas. Excited naman ako na palapit ng palapit ang araw nang pinag-hihintay ko 'yon ang makita ko ulit si gio.
Nandito naman kami ni Quinn sa mall dahil dumiretso kami pagkatapos ng photoshoot ko. Namili naman ako nang sandals na susuotin ko. At bumili na din ako nang make-up.
"para saan ba 'yan jess?" taka nitong sabi sakin
"kilala mo ba ang family dela ruel?"
"oo naman nu" ngiting sabi nito
"may gaganapin kasi silang isang malaking party at invited ang family ko"
"really? sana all" sabay irap niya, na tawa naman ako
"kaya nga kailangan ko maging maayos dahil puro malalaking tao ang makakasama ko"
"sila mommy at daddy lang pupunta"
"hindi kasi makakapunta sila dad at mom lalo nasa ibang bansa ito. kaya kami lang ni kuya jello"
"hay, sana maka-punta din kami ni ate" wika ng dalaga
"may tanong ako quinn" napa-tingin naman ito sakin
"may gusto ba ang ate mo kay cllover?" curious ko tanong. dahil tuwing mag-kikita kami ni quinzey lagi niya ako sinasabihan tungkol sa binata.
bigla naman tumawa ng malakas si quinn, kaya dali ko tinakpan ang kaniyang bunganga dahil marami na tumitingin samin. "bakit kaba tumatawa bigla diyan?"
"hahaha bakit nag seselos kaba kay ate?" wika nito. habang pinupunasan niya ang gilid ng kaniyang mata.
"h-hindi nu"
"we di nga? hahaha wag ka mag-alala kahit sumasali 'yon sa mga pagent hindi 'yun nakaka-gusto sa lalaki"
"huh? what do you mean?"
"nbsb kasi si ate. dahil takot yan sa mga lalaki"
"p-pero kinausap niya ako about kay cllover"
"huh? ano daw sabi?"
"layuan ko daw si cllover"
"hahaha ok lang yan wag mo na lang 'yun pansinin. minsan hindi ko alam kung alien ba si ate quinzey"
"baliw" yun na lang ang sinabi ko at nag patuloy na ulit kami bumili. nang matapos ay nag pasundo lang ako kay kuya jello.
Nang makarating ako sa unit ay inayos ko na ang aking gagamitin sa araw na 'yon kailangan maging maganda ako lalo mag kikita kami.
kinabukasan ganon pa din ang routine ko, gigising ako nang umaga upang mag-gym at pagkatapos nun ay mag hahanda ng babaunan namin. minsan sinasama ko na din si cllover dahil siya ang trainor ko sa pag-diet.
Nang makarating kami sa school ay nag paalam na ako kay kuya jello. at pumasok na ako sa room nakita ko naman doon si joana ang president namin.
"jess pwede ba ako mag pakisuyo sayo?"
"sure"
"paki bigay naman ito kay sir lavinn. nasa engineer building kasi siya ngayon, hindi ko naman maibigay dahil hindi pa ako tapos sa assignment ko"
"sure ok lang sakin" kinuha ko naman 'yun at pumunta na sa engineering building
Sanay naman ako na pinag-titinginan ng studyante dito dahil isa ako sa kapatid sa pinaka hinahangaan nila. kumatok naman ako sa opisina ni sir lavinn bago ako pumasok.
"good morning sir. ito na po yung mga quiz namin kahapon"
"ay sige lapag mo lang diyan ms. fernandez" inilagay ko naman doon sa tabi ng table ni sir. at lumabas na ako.
BINABASA MO ANG
Mr. heartless (COMPLETED)
General FictionJessie Fernandez the popular girl and she from wealth family. but one day she need to get married. the person, she first love. Gio loyd Manuel the heartless guy