18

228 6 0
                                    

Lumipas ang tatlong buwan na nagising ako sa pagka-coma ay hindi na ako lumalabas ng bahay at lagi na lang ako natutulala dahil sa nangyari sa buhay ko. maraming tanong sakin kung bakit kailangan ko pa mabuhay kung kinuha naman nila ang meron ako.

hanggang ngayon parang kahapon lang nung nawala ang sanggol na iniingatan ko tuwing iniisip ko na na wala ang aking anak ay umiiyak ako. hindi ko lubos isipin na hindi ko pa nga nakikita ang anak ko kinuha niya agad.

nandito ako tumira sa Sweden kung saan naka tira ang magulang ni mommy, walang nakakaalam kung nasaan ako kahit ang sarili kong magulang ay hindi nila alam kung nasaan ako. Simula na declare ako na comma ay kinuha ako ni kuya jello upang dalhin sa lola at lolo ko.

"apo? halika na at kumain kana?" wika ni momsie, hindi naman ako nag salita habang ang aking paningin ay nasa malayo at ang aking kamay ay nasa tiyan ko.

"sa tingin mo ba magugustuhan ng anak mo ang nangyayari sayo?" tinignan ko naman ito at umiling. "then kumain ka apo,kailangan mo ibalik ang lakas ng katawan mo wag mo sanayin ang sarili mo sa ganyan"

Nag simula naman ulit tumulo ang aking luha kaya niyakap ako ni momsie "h-hindi ko maitindihan momsie bakit sakin pa ito nangyayari?"

"baka may dahilan siya apo"

"p-pero wala naman ako ginawa ng masama, hindi ko pa nasisilayan ang anak ko kinuha niya agad!"galit na sabi ko

"shh tahan na apo" niyakap lang ako ni momsie hanggang naging ok ako "mag pakalakas ka apo para pag nag simula ka ulit kaya mo na lumaban kung ano ibibigay niyang pag-subok. tandaan mo walang pag subok na hindi natatalo kung matatag ka"

"b-but i-i'm scared to loving again momsie"

"wag mo muna isipin yan apo, wag ka mag aalala mag bubukas din yang puso mo pero ngayon kailangan mo muna ipahinga ang puso mo ok?" tumango naman ako. bumaba naman kami at nakita ko doon si popsie at kuya jello.

Siguro kailangan ko na ulit mag umpisa ng bagong buhay.

"popsie! kuya jello" niyakap ko naman ang mga ito

"maayos na ba ang pinaka maganda kong apo?" wika ng matanda

"i-i'm ok popsie, i'm sorry kung naging pabigat ako at hindi nakinig sa inyo"

"shh ayos lang, sige na at kumain na tayo" nang nasa harap kami ng hapag ay katabi ko si kuya jello habang kaharap namin ang matanda.

"what your plan baby?" tanong sakin ni kuya jello

"i want to continue modeling kuya"

"really? about your study?"

"h-hindi ko pa alam kuya siguro home study na lang ako"

"ok" tipid nitong sabi. nang matapos kami kumain ay umakyat ako sa may terrace ng bahay nila momsie at popsie. simula nag karoon ng asawa si mommy ay hindi na daw ito bumalik sa kanila, kahit paramdam ay hindi din ginawa.

nabalitaan na lang nila na nganak si mommy kaya tinawagan ni daddy ang magulang ni mom upang pumunta sa pilipinas. habang lumalaki sila kuya jericho at kuya jollo ay lagi tinatakas ni daddy upang makita lang nila mommsie at popsie.

hindi ko alam kung bakit ayaw bumalik ni mom sa kanila at ayaw niya ipakita kami kila momsie at popsie tinatanong ko naman sila pero ayaw nila pangunahan ang nanay ko.

naka-tingin lang ako sa langit habang tinitignan ang pagka-bilog ng buwan sobrang ganda akala mo ay malapit lang sayo dahil sobrang laki.

"kamusta na?" ngumiti naman ako nang tumabi sakin si kuya jello

Mr. heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon