11

145 4 0
                                    

"Masakit?" napa-angat ako nang si quinzey lang ang nakita ko sa lamesa namin.

"huh?" ngumisi naman ito at tumingin sa pwesto nila gio

"hindi mo ba alam ang asawa mo lagi nandito?" wika nito habang may nakakalokong ngiti sa labi niya.

"i don't have a mood"

"sinasabi ko lang sayo jess bakasakali mag bukas yang isip mo"

"ngayon lang siya nandito at may trabaho siya"

"hahaha trabaho? really? ganyan ka kabulag sa asawa mo?"

inis ko naman ito tinignan "pwede ba kung wala ka magandang sasabihin manahimik ka na lang"

umiiling naman ito habang nandoon ang ngisi niya sa labi " i know hindi mo ito first time na pumunta dito jess. tanungin mo mga bartender o waitress kung totoo ba ang sinasabi ko sayo"

hindi naman ako maka pag salita dahil nandoon ang kaba saking dibdib lumapit naman ito sakin at bumulong " don't be blind jess masasaktan ka lang"

Pagka-sabi niya nun ay umalis na ito, tinignan ko ang binata pero wala na sila doon tumingin naman ako kung saan siya dati naka-pwesto. Mag-katabi sila nung sarah habang ang kamay ng binata ay nasa balikat ng babae.

masakit makita ang asawa mo may kasamang babae, bakit ganito kahit nasasaktan na ako hindi ko pa din kaya iwanan siya.

hindi niya ako makikita dahil nasa tago masyado ang pwesto namin, hindi ko alam kung nasaan sila quinn at quinzey. tumawag naman ako ng isang waitress upang mag tanong sa kanya.

"yes mam?"

"lagi ba nandito yon?" sabay turo ko sa lalaki

"ah oo mam lagi nga po kasama niya si mam sarah"

"kilala nyo din yung babae?" takang tanong ko

"opo mam artista yan lagi ko nga po pinapanuod ang movie niya, baka nga po si sir gio 'yung lalaki na lagi lumalabas sa condo ni mam"

parang may kumirot sa puso ko nang malaman ko lahat 'yon ibig sabihin totoo nga na lagi siya nandito kung wala naman sya dito nasa unit siya nang babae.

"o-ok thank you" ngumiti lang ito at umalis na

paano pa siya nakakauwi sakin kung may kinakasama pa siyang iba?. wala ako ginawa kundi uminom lang ng uminom habang naka-tingin sa kanila. hindi ko alam kung nararamdaman niya ba ang tingin ko

"mukang nag papakalasing ka ah?" wika ni quinn habang kakarating lang nila ni quinzey, sa dalawa lang ako nag sabi na may asawa na ako.

"nakita niya ang asawa nya na may kasamang iba"

"shut up!"

"bakit mo pa kasi pinakasalan ha?" inis na sabi ni quinn "pwede ka naman tumanggi sa pasya ng magulang mo jess. hindi habang buhay ay lagi mo sila susundin"

"tanga nga kasi"

"tumigil ka nga diyan ate hindi ka nakakatulong" sabay irap ni quinn

"masama ba mag mahal?"

"hindi naman masama jess, pero niloloko kana nga niya wala siyang pakialam na mag asawa kayo dahil hindi ka naman niya mahal"

"bakit mahirap ba ako mahalin?" naiiyak kong sabi

"hindi ka mahirap mahalin jess. sadyang wala lang nararamdaman sayo ang taong patuloy mong minamahal" wika ni quinzey. masakit mag salita si quinzey kesa kay quinn dahil sinasabi talaga ni quinzey ang totoo

"p-pero pwede naman turuan ang puso diba?"

"bakit hindi mo subukan?"

"ate!"

Mr. heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon