25

221 9 0
                                    

Nang makarating ako sa sasakyan ko ay dumiretso ako sa bake shop ko dahil nag hihintay sakin doon sila cllover at quinzey lalo kakauwi lang nito. "so nag kita na pala kayo?"

"Noong nakaraan pa sila nag kita" wika naman ng lalaki habang ang paningin ay nasa loptop nito. napa simangot naman ako dahil tuwing mag tatanong si quinzey sakin si cllover ang sumasagot.

"masaya ka naman nang makita mo?"

"anong masaya? galit ako sa kaniya"

"iba ang sinasabi ng isip sa puso jess" napa buntong hininga naman ako dahil alam ko hindi ako makakapag sinungaling sa dalawang ito.

"fine, ang totoo niyan noong nakita ko ulit siya ay na galit ako sobra na ayaw ko siya makita, pero simula nung binigyan niya ako ng mga bulaklak at sunod sunod ang pagkikita namin nawawala 'yon"

"edi ano pa ang iniisip mo kung mahal mo pa siya?"

"natatakot ako, natatakot ako na mangyari ulit 'yon sakin" naka-yuko kong sabi

"nasa sayo yan jess, tandaan mo kasal ka kay gio kaya isa kang manuel"  ang mga papel ko sa sweden ay fernandez ang dinadala ko pero pag dumating dito sa pilipinas ay manuel ang dala ko. kaya sa pag tayo ng bake shop ko ay kailangan ang manuel ang dala kong apelyedo kaya mas lalo ako mahihirapan.

maya't-maya naman bigla na lang tumunog ang aking phone at naka lagay doon ay unknown number. kaya pinatayan ko dahil baka isa lang 'yun sa mga nanloloko pero tumunog ulit 'yun na paulit ulit kaya sinagot ko naman

"hello?"

"how many times i called you but you ignored my calls!"  napa-layo naman ako ng phone ko dahil sa lakas ng boses nito.

"aba malay ko ba na may hambog na tumatawag" inis kong sabi

"meet me at six pm in my unit" at sinabi naman nito kung nasaan

"wag mo ako utos utusan gio"

"i'm your boss" na tawa naman ako sa sinabi nito

"really gio? nag papatawa kaba talaga?"

"fine, kung ayaw mo hindi kita tutulungan" napa-pikit naman ako habang nag pipigil ng galit

"fine i will go"

"good jess" pinatay ko naman na, sinabi ko naman sa kanila kung paano ako mag sisimula, kaya tinulungan nila ako upang maka hanap na din ng supplier ng gagamitin ko. nang bandang alas singko ng hapon ay pumunta na ako sa unit ng lalaki.

Nang nasa harap na ako ng pintuan nito ay huminga muna ako nang malalim bago pindutin ang doorbell nito. nakaka-isa pa lang ako ay bigla naman na ito bumukas lumaki naman ang mata ko ng makita ko itong naka topless.

"come in?"

"bakit ka naka-ganyan?" namumulang sabi ko

"what? papasok kaba o tititigan mo lang ang katawan ko"

"pakyou!" usal ko dito bago pumasok, inilibot ko naman ang aking paningin sa loob ng unit ng lalaki white and gray ang tema ng kanyang unit at sobrang linis pa. umupo naman ako habang hinihintay ko ito.

maya't-maya naman nakita ko ito lumabas, naka sando lang ito ng itim habang naka pantulog na pants at naka salamin . napatulala naman ako dahil kahit hindi naman ito naka porma ang lakas pa din ng appeal niya

"i know i'm handsome jess"

"tss, feelingero ka din"

"nag sasabi lang ako ng totoo, btw what do you want to eat?"

"i'm not hungry"

"matatagalan tayo jess kailangan mo kumain"

"kahit ano"

Mr. heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon