10

184 6 0
                                    

Kinaumagahan pag-mulat ng aking mata ay wala na ito sa tabi ko, "bakit ang aga naman pumasok nun?"

Umiling na lang ako at nag ayos na dahil baka mamaya dumating na si ate anne. nag suot lang ako ng purple na bulaklakin na dress na hanggang tuhod lang. 

"goodmorning" bati ni ate anne

"goodmorning ate anne"

"btw nandoon na pala si sir brandon" tumango lang ako nang makarating ako ay inasikaso na agad kami.

ngayon ay mag eensayo kami paano mag lakad lalo na darating na ang fashion show ngayong buwan. kaya sobrang excited ko doon

" ok everyone! kailangan natin mag ensayo dahil sa darating na fashion show at ang mga design na gagamitin natin ay sa LSU student. pupunta sila dito mamaya upang sukatan kayo ok!"

"ok!"

"so let's get started!"

Pagka-sabi nila noon ay pumunta kami sa backstage  pang sampo ako sa pila ang aming suot ay pang casual na damit. ang una ay 3inch. na pinasuot samin na takong hanggang mag 6inch ang iba ay muntikan na madapa at ang iba naman ay natuluyan na.

marami naman humanga sakin dahil hindi man lang daw ako nagka-mali, nginitian ko naman sila hanggang tanghali ay ganon ang ginawa namin. kaya sumasakit na ang paa ko

"ito oh nag order ako nang lunch natin" sabay lapag ni ate anne 

"tss magkakamali naman 'yan" narinig ko naman na sabi ng isang model

"oo nga akala mo kung sino ang yabang yabang naman"

"don't mind them darling inggit lang mga yan sayo" wika naman ng manager ko. ngumiti lang ako at hindi pinansin. hindi ako nag papaapekto dahil alam ko kahit saan ka lumugar nandyan ang mga taong maiingit  sayo at marami pang sasabihin about sayo.

Nang dumating na ang taga LSU student ay pinakilala na kung sino ang designer namin. "so Ms. Rhiannon ang magiging model mo ay si ms. jessie"

Lumapit ang isang babae sakin maikli ang kaniyang buhok na hanggang balikat lang. lumaki ang aking mata nang makilala ko na ito.

"OHMYGOSH!" bulong tili ko kinindatan naman ako nito

"long time no see jess"

"k-kailan kapa umuwi?" tumayo naman ako ng tuwid

"noong isang buwan pa"

"really i-ibig sabihin sa LSU ka ulit nag-aral?"

"yup"

"but you graduate from laguna right?"

"hmm, gusto ko pa gumaling bilang isang fashion designer kaya lumuwas ako dito sa maynila" hindi na ako nag tanong. dahil halata naman sa kanya na ayaw niya iopen ang usapan.

Ate rhian siya ang kauna-unahan kong idolo pag dating sa model lalo sa mga design nito. sikat lang ito sa new york kaya nag taka ako na hindi siya kilala sa ibang bansa.

natapos ang aming sukatan at bukas uumpisahan niya na ito. pumunta naman ako sa Starbucks dahil mag kikita kami ngayon ni quinn.

Nang makarating ako sa mall ay nag salamin lang ako at nag sumbrero upang hindi ako makilala. ang ibang store ay nakikita ko ang aking itsura sa H&M, Penshoop , oxygen, CK at maraming iba.

nang makarating ako nakita ko naman agad si quinn may kasama ito pero hindi ko kilala kasi naka-talikod silang dalawa.

"hai quinn" bati ko, nakita ko naman ang paglaki nito ng mata

Mr. heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon