Kabanata 1

60 11 1
                                    

"Kilala mo ba si HGQ?" tanong sakin ni Summer.

"Ha?Sino'yon?" balik kong tanong sa kaniya.

"Si Hugot Queen,yung sikat sa tiktok na nahugot or nag aadvice pero nakablack lang yung background niya." paliwanag nito sakin.

"Ah..Hindi eh.Bakit?" sagot ko sa kaniya.

"Alam mo yung mga contents niya may laman talaga as in tagos na tagos sa puso ko." sabay hawak sa dibdib nito. Napatawa lang ako sa kaniya.

Buti nalang at hindi na ulit siya nagkwento tungkol doon sa sinasabi niya HGQ. Pumasok na kami sa classroom namin at umupo.

"Grabe no? Sikat na sikat talaga si Hugot Queen." sabi nanaman ni Summer.

Tiningnan ko siya at umiling. "Magaganda ba content niya?" tanong ko.

"Aba'y oo! Panoodin mo kasi." sabi nito."Hindi ko nga alam kung may pinag-dadaanan ba siya or ganoon lang talaga mindset niya." manghang sabi ni Summer.

"Baka sa mga nakikita niya lang kaya siguro ganoon na siya." sabi ko at kumain ng hawak kong candy.

Mabuti nalang at dumating na rin si Miss Gamban at natahimik na rin itong si Summer. Mabilis lang rin natapos ang klase,Ang ibang teacher din ay mabilis na tinapos ang klase kaya napagdesisyonan namin na tumambay muna.

Nakaupo lamang kami ni Summer sa gilid malapit sa stage ng plaza dahil malapit lang naman ang school namin doon.

"Aki tingnan mo yon.Pogi no?" turo ni Summer sa lalaking naka ibang uniform na nakatayo malapit sa nagtitinda ng fishball.

"Samahan mo'ko bibili ako ng fishball." higit niya sakin kaya.

Nauna siyang kumuha ng fishball dahil nakuha rin yung lalaking tinuro niya.

"Aki oh ikaw naman. Diba nagugutom ka?" sabi nito sakin at pinandilatan ako ng mata.

Ako nanaman ang ipapain nito. Sabi ko na eh.

"Kuya crush ka daw po nitong kasama ko." sabi ni Summer na ikinagulat ko habang nakuha ng kikiam kaya natapob yung sauce na isasalin ko dapat sa baso ko.

Kinurot ko agad si Summer sa tagiliran ng konti."Nakakahiya ka Summer." sabi ko kaya napatingin ako sa lalaking tinuro nito sakin at nakatingin din siya samin at nag-ismid lang.

Wow! Pogi yarn? Umirap ako sa kawalan at saka kumain ng binili ko. Feeling nung lalaking yon eh!

"Ang pogi niya no? Ang bango pa!" sabi ni Summer sabay kain ng fishball.

"Ang pangit ng ugali." sabi ko kaya napatingin si Summer.

"Bakit? Kilala mo ba yon?" tanong nito sakin at humarap pa.

"Hindi.Nasesense ko lang!" sagot ko at uminom ng softdrinks.

"Hindi naman siguro!Deadma lang sis!" hindi talaga nagpapatalo to.

Mabuti nalang at tumahimik na rin siya. Nag-aantay kami ng jeep pauwi.Iba yung way ni Summer sa way ko pero palagi ko siya pinapauna sumakay dahil bihira lang ang jeep na dumaan dito sa plaza pa way sa kanila kaysa sa way ko na maraming nakaabang na jeep.

Nakatayo lang ako dito at nagmamasid ng may tumabi sakin na familiar na pabango.

Nag-aabang rin siya ng jeep dito sa tabi ko. Ilang metro lang ang layo nito sakin kaya alam na alam ko ang pabangong naamoy ko ngayon sa naamoy ko kanina.

Dahan-dahan akong tumingin at siya nga. Yung kaninang lalaki na tinuro sakin ni Summer.

"Miss wala pabang nadaan na jeep pa-canlubang?" casual na tanong nito sakin.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon