Kabanata 11

4 2 0
                                    

"Sabi ko na nga e, Mahuhulog ka din!" sabi ni Summer habang nakuha ng chips sa ref ko.

Narito kami sa condo ko ngayon dahil nag-aya si Desiree ng chill.

Sabi nila chill lang pero yung dalang alak, Isang cuervo at isang Mojitos! Scam diba.

"E'di nag kiss na kayo?" kunot-noo kong tiningnan si Samantha. "Ano ba yan! Ang hina!" dagdag niya ng makita niya yung reaksyon ko.

"Wala pa ngang isang buwan beh, Isang linggo palang sila." kaya hinampas ko si Summer ng throw-pillow.

"Bakit hindi mo siya i-invite dito?"

"Wala siya sa unit. Nasa Mommy niya siya." sagot ko at saka tumayo papuntang kitchen para kumuha ng red cups

Nag-inuman lang kami at saka nanood ng movie sa netflix. Horror raw ang panoorin namin kaya naman irit ng irit ang mga ito. Medyo nagkakaroon na rin sila ng tama at napagdesisyunan na romance movie naman ang panoodin. Nanood kami ng The fours sisters and the wedding.

Nung una asar na asar sila gawa nung sa mommy ni Princess na si Mrs. Bayag at ngayon iyak na sila ng iyak dahil sa pag confess ni Toni Gonzaga sa mama niya. Miski ako ay napaluha din sa pinapanood namin.

"What the fuck! 12 na pala!" sigaw ni Summer.

"Anong meron? Sanay ka naman nauwi ng ganitong oras ah!?" nagtatakang sabi ni Samantha.

"Ah oo nga pala..." at saka bumalik sa katinuan pero sa itsura niya ay hindi siya mapakali.

Nang biglang may nagdoorbell sa unit.  Kaya ako na ang tumayo at pinagbuksan ito.

Lalaki siya at nakasuot na corporate attire. Naka coat na black at white polo sa loob naka slacks na black at black shoes na hindi ko alam kung ano ang brand basta maganda at makintab pa.

"Where's summer?" kalmadong sabi niya.

"She's here. Come in!" aya ko at tinuro kung nasaan si Summer.

"Summer may naghahanap--"

"Let's go." biglang sabi ni Summer doon sa lalaking naghahanap sa kaniya. "Bye girls." paalam nito at saka umalis ng unit.

Kaming tatlo ay nagtataka kung sino yon. Kaya habang nagliligpit kami eh siya ang pinag-uusapan namin.

"Hindi ko rin alam e, Kapag magtatanong ako sa kaniya sabi niya driver niya lang daw yon." sabi ko habang nagpinupunasan ang coffee table.

"Eh di'ba! Ayon rin yung sumundo sa kaniya nung nag club tayo?" Samantha said.

"Oo nga ata, Siguro?" sabi ko at saka tinapon ang mga kalat sa trashcan.

Umuwi na rin sila kaya ako nalang mag-isa. Nagshower muna ako nag palit ng pajama. Ready na akong humiga dahil pinatay ko na yung ilaw ng biglang may nagdoorbell sa unit ko. Sumilip ako sa peephole ng makita si Simmone na nakatayo at hinintay ang pagbukas ang pinto ko.

Lumawak ang ngiti niya ng makita ako at saka niyakap ao ng mahigpit.

"I miss you." bungad niya.

Bungad niya sakin kaya niyakap ko na rin siya.

"Akala ko ba bukas kapa uuwi?" tanong ko ng makarating kami sa Sala.

Tumayo ako at kumuha ng pagkain tsaka drinks.

"Hindi ko kaya." sabi niya mula sa Sala. Nung makuha ko na yung food and drinks ay bumalik na ulit ako sa sala.

"Ang alin?" tanong ko at sinalinan siya ng juice.

"Mawalay sayo." simpleng sabi niya.

Ako rin naman eh. Pero kailangan niya yon dahil isang taon nalang at graduate na siya. Makakapasok na siya sa Med School. Mahirap sayangin yung pinaghirapan na halos makamit na niya tapos ng dahil lang sakin magkakaganyan siya.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon