Kabanata 18

5 1 1
                                    

"Pero feeling ko anak yon ni Doc Francisco,kahawig niya." rinig kong sabi ng isang nurse dito sa coffee room. Hindi nila alam na nandito ako kaya nakikinig lang ako sa kanila.

"Eh,hindi! Single na single si Doc no!" pagdedepensa naman nung isang nurse.

Pumunta ako sa gitna nilang dalawa at nakikinig lang rin.

"Anong nangyari?" biglang sagot ko at humarap sa kanilang dalawa.

"Doc!" nagulat na sabi nila ng makita ako.

"Ano ba yang pinag-uusapan niyo?" tanong ko habang hinahalo ang kapeng tinimpla ko.

"Wala Doc." sagot nung unang nurse kanina.

"Si Doc Francisco ho kasi, Nakita namin kagabi. May dalang bata rito sa Hospital may kinuha ata sa office niya. Nagmamadali sila eh " pagkukwento sakin kaya umupo ako.

"Ilang taon na yung bata?" tanong ko bago sumimsim sa kape ko.

"Medyo bata pa Doc e, Mga 7 ganon!" sagot nila sakin.

7 years old? Nasundan ba ulit? Wow! Tapos single? Hindi proud na daddy!

"Wala siyang asawa? Pero may anak siya?" tanong ko ulit sa kanila at tumango lang sila.

Naguguluhan ako. Sa 15 years na nawala ako, Dapat 15 years old na rin ang anak niya. Pero bakit mukhang 7 years old daw? Tapos single pa siya? Nagpapa-impress ba siya?

Nakatingin lang ako sa bintana habang nasimsim ng kape ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Simmone. Natahimik ang dalawang nurse na nag-uusap rito at hindi alam kung paano lalabas ng room na to.

"Una na po kami,Doc Gomez. Tsaka Doc Francisco." sabi nila sabay labas agad ng Coffee Room.

Lalabas na rin sana ako ng bigla niyang hinatak yung braso ko. Buti at hindi natuluan ang damit ko dahil puting-puti ito.

"What?" sabi ko at saka humarap sa kaniya.

"Yung kagabi--" pinutol ko rin kung ano yung sasabihin niya.

"It's okay." sabi ko at saka lumabas.

Naglakad na ako papunta sa office ko. At saka sinandal ang ulo ko sa upuan. Mabuti at walang masyading trabaho ngayon kaya nakauwi rin ako ng maaga. Gusto ko nalang sana muna magpahinga ng biglang nagsidatingan sila Summer,Desiree at Samantha sa condo ko. Foodtrip lang daw! Kaya pinagbigyan ko dahil may mga trabaho rin ang mga ito kaya hindi kami mag-iinom. Mag hahanap nalang kami ng schedule na maluwag-luwag para makapag-inom.

"Edi nagkita na kayo? What did he say?" Summer asked me while biting on her pizza.

"Yeah, Wala naman. About work lang ganon." sabi ko. Kaya tumingin ito sakin.

Nag-uusap lang naman kami kapag tungkol sa work. Kapag alam kong medyo personal na, umiiwas na ako.

"I mean,hindi niyo napag-uusapan yung past? Yung something whatever ganon?" tanong niya ulit.

Napairap ako dahil may gusto silang marinig na sagot. Pero sorry! Hindi pa ako ready sa ganyan.

"Para saan pa? Okay na yon." sagot ko at saka kumain ng Garlic bread.

"Alam kong may mga tanong kapa rin sa isip mo pero natatakot kalang malaman yung totoo." sagot ni Desiree at tumingin sakin ng seryoso. "Hindi mo malalaman ang sagot,kung hindi ka mag-tatanong." dagdag pa nito.

She's right. Pero hanggang kailan pa ba? Natatakot pa rin ako sa lahat. I need to take some time bago ako magkaroon ng lakas ng loob. Pero bakit sa sitwasyon na ito,e parang ako pa yung agrabyado? Feel ko lang ha!

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon