Kabanata 7

9 4 1
                                    

"Ano sasama kaba samin?" tanong sakin ng pinsan ko.

Umuwi ako ng Laguna dahil sembreak namin. Kaya naman isang linggo ako rito. Nakahiga lang ako habang ang pinsan ko eh nakahiga rin  at nakaharap sakin pinipilit na sumama sa Tagaytay.

"Ayoko nga. Gusto ko sulitin yung isang linggo ko rito sa bahay." sabi ko sabay takip ng kumot.

"Ano kaba! Mas maeenjoy mo don! Libre yon!" nakasigaw na sabi nito.

"Sino manlilibre sayo?" tinanggal ko yung kumot na pagkakataklob at napaupo.

"Basta." sabi nito at umalis na sa kama ko.

"1:00 pm alis natin. Ako na nag adjus at mabagal ka kumilos." sabi nito sabay alis na sa kwarto ko.

Napahiga ulit ako at nagtakip ng unan. Nag-ayos na ako ng gamit para sa staycation namin. Sa Tagaytay raw at 3days and 2nights lang kami. Nagpaalam ako kay Mama at pumayag na raw ito agad. Alam niya pala iyon siguro sinabi na ni Maxine.

"Tara na andyan na yung sundo!" pagkasabi ni Maxine ay hinila ko na agad ang Maleta na dala ko. Maliit lang naman yon pero kasya na doon yung mga gagamitin ko.

Nang maisakay ko na ang maleta ko sa  compartment ay sumakay na rin ako.

"Aki,This is ken--"

"Akina?"

"Ken?"

"Kilala niyo na isa't-isa?" naguguluhang tanong ni Maxine.

"Ah oo, Sa party ni Summer." sabi ko. " Btw ikaw pala boyfriend nitong pinsan ko,Kailan pa?" tanong ko.

"Actually magto-two year na ngayon dahil anniversary namin..." kinikilig na sabi ni Maxine.

Sa totoo lang hindi ko pa naman nakakasama si Ken pero ang socialize niya,I mean mahilig siyang makisama kahit hindi niya kakilala. Kung hindi mo siya kilala iisipin mo babaero siya.

"Tara na." sabi nito nasa likod lang ako. So ang eksena is parang ako ang ipagdadrive nila.

"So sinama niyo ko para may taga-picture?" pabirong sabi ko.

"Hindi Aki,Actually may susunod na kaibigan ni Ken." sabi ni Maxine. Tumango lang ako dahil wala ako sa mood.

Traffic pa pataas sa Tagaytay kaya naman hinilig ko yung ulo ko malapit sa bintana. Buti at nagdala ako ng kumot at nilagay ko yung eye mask ko. Pag-gising ko asa Ayala Serin na kami umorder lang si Maxine ng donuts. At umandar na rin. Hindi na ako nakatulog dahil medyo malapit na rin naman.

"Natatanaw ko na!" sigaw na sabi ni Maxine.

Nang tumingin ako sa bandang kaliwa ko doon ko makikita ang Taal Lake. Grabe! Ilang beses na ako nakapunta sa tagaytay pero hindi pa rin ako nagsasawa sa view na makita ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa Twin Lakes kaya naman bumaba na ako sa kotse at hinigit ang maleta ko. Nagsuot na rin ako ng shades at saka pumasok sa entrance. Sumunod naman ako sa dalawa dahil sila ang nagpabook. Kaya naman naupo ako sa may lobby at hinihintay sila. Nilibot ko ang paningin ko dahil sobrang ganda. Nilabas ko agad ang cellphone ko at nag ig story na.

Pagkastory ko may nagreply agad.

@itsmesummer wow! i love that place!

at may isa pa.

@samanthadizon ayos ah! big time!

Tiningnan ko lang iyon dahil nag-aya na agad si Maxine na pumunta sa Room namin. Sumakay pa kami ng elevator dahil taas pa ang amin. Pagkalabas namin sa elevator ay natanaw ko agad ang swimming pool sa ground.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon