Kabanata 14

9 2 2
                                    

"Grabe ang tagal mo bago bumalik ah!" bungad sakin ni Friella.

"Ha? Ah,eh kasi kumain pa kami." sabi ko.

Totoo naman eh,kumain naman kami!

"Sino yon?" usisa niya sakin at tumabi pa sakin. "Based on my research,he's from Canada. And his name is Yoshiro Kai Gomez-Smith. He's also 20 years old."

"Eh nai-research mo na pala eh ano pa sasabihin ko sayo?" inis na sabi ko.

"What's your relationship to him?" nakataas ang kilay na tanong nito sakin.

"Hindi ba obvious?" sabi ko. Ano ba yan! Nagagaya na ko kay Yoshi.

"Na ano?"

"Pinsan ko siya. Nabanggit mo na nga yung Gomez, hindi mo pa nagets!" sabi ko at uminom ng tubig.

Inaalala ko yung kanina...

Yung babae...

Si Simmone...

"Bakit siya narito?" tanong ulit sakin ni Friella.

"Dito raw siya mag-aaral. Oh ito itext mo nalang siya." binigay ko yung calling card ni Yoshi dahil nga ipakilala ko raw siya kay Friella.

"S-sakin?" hindi makapaniwalang sabi nito sakin. "Bakit?" umirap ako at kinuha ulit yung calling card.

"Edi wag." itatago ko na sana ulit sa bag ko ng hablutin niya yon at tinago na sa bulsa niya.

"Goodluck!" sabi ko sabay labas ng booth.

Medyo mainit sa loob kahit malaki na yung electricfan namin. At malapit na rin kami magsara dahil nga magpe-prepare pa para sa concert.

"Guys let's pack up na!" bungad samin ng Class President namin.

Excited na ang lahat sa concert pero ako? Parang ayoko nalang umattend. Gusto ko nalang umuwi. Gusto ko nalang humiga.

"Manonood kaba mamaya Akina?" tanong ni Reinor sakin,Yung President samin.

"Ah..Eh-"

"Tara na, Umattend kana." request ni Kassandra,habang naglalagay ng mga ginamit naming design sa black bag.

"Minsan lang yon rito." sabi rin ni Friella.

"Oo na.." inis na sabi ko at tumulong na rin sa pag tanggal ng decorations.

Mabuti nalang at malinis na rin yung booth namin kaya bumalik na kami sa classroom ng makita ko sila Simmone sa gazebo at nakaupo roon.

"Una na kayo. Cr muna ko." pagpapaalam ko sa kanila kaya naman nauna na rin sila.

Papunta na ako sa cr ng biglang may humatak sa braso ko.

"Ini-iwasan mo ba ko?" malamig niyang tugon.

Inis ko siyang nilingon at sinampal bigla.

"Anong ine-expect mo sakin? Magtanga-tangahan? Magbulag-bulagan?" inis na sabi ko sa kaniya.

"Ano bang ginawa ko?" naguguluhang sabi niya at hinawakan ang kamay ko ngunit tinanggal ko rin agad yon.

"Hindi mo alam? Kung hindi pa kami mag Alabang ng pinsan ko!"

"So p-pinsan mo yon? Y-yung lalaki?" nauutal na sabi niya.

"Oo bakit? Anong akala mo sakin? Niloloko kita? Tangina! Simmone! Ikaw yung manloloko satin dalawa!" kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit ng mga salita na nang gagaling sakin.

"Simula ngayon...Huwag kanang lalapit sakin. Tapos na rin tayo." i cried when i say those hurtful words.

Umalis ako sa harapan at pumunta sa parking upang umuwi. Iyak lang ako ng iyak sa loob ng kotse ko dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi ito sapat at kailangan pa namin mag-usap pero hindi muna sa ngayon.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon