"Where's Doctor Francisco?" tanong ko sa Nurse Station.
"Hindi pa po napasok eh." sagot nung nurse sakin kaya ngumiti lang ako.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at sinusubukang tawagan si Simmone.
Subscriber cannot be reach please try again later.
Inis akong bumalik sa office ko. Sinubukan ko ulit tawagan si Simmone pero ganon pa rin ang sinasabi ng operator.
To: Love
Where are you? It's already 12pm. Hindi ka papasok?
To: Love
Are you mad? Kahapon pa ako nagtatanong sayo.
To: Love
May problema ba tayo?
"Goodmorning Doc Gomez!" bungad sakin ng babaeng maikli ang buhok. Medyo maliit siya. At nakangiti.
"Goodmorning. You are?" tanong ko at binaba na yung cellphone ko.
"Maga-apply po sana ako." masayang bati nito sakin.
I forgot, Nagpa hiring nga pala ako ng assistant/secretary ko. Sabi sakin ni Kuya kailangan daw may secretary na ako para kapag daw wala ako may ibang nagawa ng ginagawa ko dahil nga aalis ako sa Sept 2. Which is sa isang linggo na. Hays!
May binigay siya saking folder at may resume sa loob.
"Mariah Valdez, 29 years old. Graduated at UST?" tanong ko.
"Yes Doc!" masaganang sagot nito.
I will hire this girl. Energetic siya. Ganito ang gusto ko.
"Okay. Start kana." sagot ko.
"Talaga po? Akala ko po mahirap itatanong niyo! Omg! Thankyou Doc!" masayang sabi nito kaya ngumiti ako.
Naging mabilis ang trabaho ko ng magkaroon ako ng secretary kaya mga 7pm palang ay tapos na ko.
"Saan ka nauwi?" tanong ko kay Mariah.
"Sa Roxas Blvd po." sagot nito habang nagwawalis ng office ko.
"Sige. Sabay kana sakin."
Tumango ito at tinapos lang ang dadakutin at lumabas na rin kami ng office.
Nakita namin sila Kassandra at Philip sa Nurse Station.
"Doc!" tawag sakin ni Philip.
"Sama kayo?" inunahan ko na sila dahil ang itatanong lang nila sakin kung uuwi na ako.
"Aba, Alam na ah!" natatawang sabi nito.
"Nasan si Simmone?" tanong ko sa kanila kaya napatingin yung dalawang nurse sakin. "Doc Francisco rather."
"Day off niya ngayon Doc. Miss mo na?" nag-init ang pisngi ko sa sinabi ni Philip kaya nagpaalam na agad ako na aalis na. Buti nalang at tumawag na si Yoshi.
[Im already here in entrance. Where the fuck are you!] sigaw sakin ng sagutin ko ang tawag
"Huwag ka ngang sumigaw! Palabas na." inis na sabi ko. Napatingin ako sa secretary ko na nakikinig at mukhang natatakot. "Sorry. Bwisit kasi tong pinsan ko eh." at pumunta na sa kotse kong nakaabang na sa entrance.
Sumakay na ako sa shotgun seat.
"Doc. Mag cocommute nalang ako may dadaanan pa po ako." sabi nung secretary ko kaya pinayagan ko na rin.
"Saan ka galing?" tanong ko kay Yoshi. Naka jacket pa rin siya. "Hoy!" sigaw ko at tinanggal yung earphone sa tenga niya.
"What?" inis na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Ako Nalang Sana [ON-GOING]
FanfictionAkina Gomez and Simmone Francisco meet each other for a reason. Simmone is a playboy in their university but when Akina started studying in University of Sto.Thomas ,Simmone change his life.