"Hay buhay! Unang sem palang parang pang 4th year na." sabi ni Kassandra habang nakamot sa ulo niya. "Nahihirapan ka din ba?" tanong nito sakin.
Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong niya. "Oo naman! Ano ko? Si Einstein?" pabirong sabi ko sakaniya.
"That's not what i mean..Uhmm..ARGHH shit!Lutang nako!" hindi niya matuloy-tuloy sinasabi niya dahil sa sobeang balisa niya dahil sa mga pinapagawa samin.
Sa totoo lang..Super stress na! Ilang linggo na kaming nag-aaral ng Nursing at parang gusto ko nalang mag shift ng course pero...Ayoko!
As in hindi ko na masingit sa schedule ko ang inom namin nila Summer dail nga sa course na kinuha ko. Magbebenefit din naman ako sa pinag-aaralan ko kaya okay lang yon. Kakayanin ko.
"Last 10minutes.."pag-papaalala samin ng Prof namin.
Narinig ko ang mga lalim ng hininga ng mga kaklase ko dahil sa hirap ng exam namin. Hindi naman kasi namin ito pwede basta-bastahin lang.
"Last 5minutes..." sabi ulit nito.
Buti nalang ako ay natapos ko na at inaantay nalang ang oras na ipapasa..Si Kassandra din naman ay tapos niya gusto niya pa ako pakopyahin pero sabi ko tapos nako.
"Hay salamat!Buti nalang at tapos na exam at makakauwi na! Grabe nagpuyat ako para lang magreview sa lintek na exam na yan." sabi ni Kassandra dahil naglalakad na kami papunta sa carpark. Nagpaalam na ako kay Kassandra ganun din naman siya dahil nandon na raw yung sundo niya.
Nagdadala lang ako ng sasakyan kapag may session kami nila Summer dahil susunduin kopa sila Samantha at Desiree sa condo nila dahil wala naman daw silang pasok ngayon. Sira raw ang kotse nila kaya nagpapasundo! Pero alam kong hindi totoo yon....Scammer tong mga to!
Nang makarating na ako sa condonila ay kinuha ko muna ang pamalit ko dahil baka hindi kami papasukin sa bar. Libre daw ni Summer kasi nakatapos siya sa exam at perfect daw siya. Simple lang diba? Pero yung gastos niya lagpas 5k,Makainom at makalalaki lang.
Pinag-bigyan kona rin naman since wala naman akong pasok bukas.
"Nakauniform kapa din?" reklamo ni Samantha.
"Aba oo!Baka kasi kakaawas ko lang no!? Mga palong-palo kayo ah!" inis na sabi ko at binaba ang paperbag na hawak ko.
"O wag ka mainis! Magpalit kana bilisan mo!" tulak nito sakin sa kwarto niya.
Hindi niya pa pinapatay aircon niya dahil baka daw lumagkit siya habang wala ako. At baka daw mainitan ako habang nagbibihis sabi niya.
Nagdala lang ako ng mom jeans at brallete na white matching small shoulder bag at heels na black. Naglagay lang ako ng light make up at lipstick na nude color. Saka ako lumabas.
"Palong-palo ka ah!" pagbabalik sakin ni Desiree sa sinabi ko kanina kaya inirapan ko sila.
"Kayo nga yon! Iinom ba tayo? O maghahanap ng lalaki?" asar ko sa kanila.
"Sino kaya satin?" sabi nito at saka sinara ang pinto ng Condo nila.
Pinaandar ko na yung kotse ko at nasa tabi ko si Samantha.
"Alam mo? Ikaw palang yung walang pinapakilala na jowa samin." sabi nito sakin habang namimili ng kanta sa iPod ko.
"Oo nga Aki! Bakit kaya hindi ka mag jowa..For the experience lang!" sabi nito at saka tumawa.
Sobrang babait talaga nila no?
"Mamaya nga ibubugaw kita sa mga taga Ateneo na makikita natin doon!" dagdag pa niya.

BINABASA MO ANG
Ako Nalang Sana [ON-GOING]
FanfictionAkina Gomez and Simmone Francisco meet each other for a reason. Simmone is a playboy in their university but when Akina started studying in University of Sto.Thomas ,Simmone change his life.