Kabanata 3

10 7 0
                                    

Isang linggo na ang nakaraan nung nagkaroon ng farewell party si Summer at isang linggo na rin nila akong inaasar sa ginawa ko.

Ito na yung araw na lilipat na ako sa Manila. Si Summer ay kinabukas agad lumipat matapos ng party.

"Bakit ang konti lang ng dadalahin mo!?" tanong ni Samantha sakin.

"May mga damit na ako don na binili ni Mama." sabi ko at nilagay na yung mga pang skin care ko sa pouch.

"Ilang taon kana dito?" tanong ni Desiree.

"2yrs na." sagot ko habang nag aayos pa din.

"Bakit hindi ka nalang bumalik doon kila Tita.I guess siya lang mag-isa doon?" sabi pa ulit ni Desiree.

Hindi ko alam kung ano ang point nila pero hindi ko na iniisip na umalis ulit dito. Simula nung umalis ako sa bahay ni Mama hindi ko na naisip na bumalik ulit. Kung dadalaw lang ayos lang.

"Ano Akina? Sasama ka sa Papa mo!?" galit na sabi ni Mama sakin habang nag-iimpake ng gamit.

Wala akong kibo non dahil balisa ako.

"Sumagot ka Akina!" sigaw ulit ni Mama.

"Opo." simple sabi ko at tumayo para kumuha ulit ng mga gamit sa cabinet ko.

"Once na umalis ka wala kanang ina." napatingin lang ako sa kaniya at saka binalik ang sarili sa pag-aayos.

Nang matapos na ako sa pag iimpake ko ay umalis na agad ako sa bahay at sumama kay Papa.

"Anak?Talagang sasama ka sakin?" tanong ni Daddy sakin.

"Oo." ayun lamang ang nasagot ko.

"Hoy Aki! Ang lalim ng iniisip mo ah?" sabi sakin ni Samantha at pinitik sa noo.

"Ha?" sabi ko lang.

"Itong mga picture frames--"

"Iiwan ko yan dito. Dadalhin ko lang yung picture frame nating apat." kinuha ko iyon at nilagay sa gilid ng maleta ko.Nang matapos na kami sa pag-iimpake ay kumain muna kami dahil sasabay na rin daw sila sakin sa Manila mamaya.

Isang linggo ang nakalipas simula nung lumipat na ako dito sa condo ko. Tinulungan pa din ako nila Samantha at Desiree sa pag aayos. Si summer daw ay dadaan dito para makita kami. Andito kasi ulit yung dalawa at halos araw-araw andito dahil may sinisilayan daw sila hindi ko na naman inalam kung sino yon.

"Ang ganda ng view dito kapag gabi Aki! Pero mas maganda yung view kapag itong kasunod mo na pinto eh nakadungaw din."

"Sino ba yung?--" nang biglang may nagdoorbell.

Pinagbuksan ko agad iyon at bumungad sakin si Summer na may dalawang alak at pulutan.

"Binyagan na ang bagong condo!" sabi nito at pumasok na bago tanggalin ang heels na suot niya.

Inayos ko na yung dala niya at hinain sa coffee table sa sala ko. Mojitos ang dala niya kaya naman chill lang. Naghiwa narin ako ng lemon at naglagay ng asin.

Paupo na sana ako ng biglang may nagdoorbell sa condo.

"Nag-invite pa ba kayo?" tanong ko sa kanila at umiling naman sila agad.

Kaya tiningnan ko yung hole sa pinto ko at si Mama pala yon.

Nag sign ako na itago ang alak kaya naman ginawa agad nila ito. Sabi pa ni Sam na "Sino yan?" at nagsalita din ako ng walang boses na si "Mama" . Binuksan ko agad yung pinto at binati si Mama.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon