Kabanata 19

5 1 1
                                    

"Just kidding!" sabi nito kaya umirap ako sa kaniya.

Kumuha ako sa Bicol Express niya ng kaunti at nag-try sa kanin ko. Ang anghang! Uminom agad ako ng softdrink para mawala pero nandoon parin ang anghang. Narinig ko namang tawa siya ng taea sa itsura ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Ang cute ah!" rinig kong sabi niya.

Feeling ko eh namumula na yung pisngi ko sa sinabi niya kasabay pa ng anghang.

"Namumula ka. Hindi naman ito ganoon kaanghang." sambit niya at hindi ko nalang ito pinansin.

Nagpatuloy lang akong kumain, Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita.

"Ang ganda ng place na to. Buti alam mo." pambasag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Oo. May waze eh." sabi niya. At nagpatuloy sa pagkain niya.

"Hindi kapa nakakapunta rito?" tanong ko kaya tumingin ito sakin.

"Hindi pa." seryosong sagot nito.

Kaya tumango-tango ako.

"Wala akong girlfriend." sabi niya ulit sakin.

"And?" mataray na sabi ko.

"Wala." nakangising sabi nito.

Natapos na rin kami kumain at pina serve na ni Simmone yung bucket. Binuksan niya yung dalawang Sanmig Light at binigay sakin yung isa.

"Thanks." sabi ko at kinuha iyon.

Umiinom lang kami at nagsimula na rin ang acoustic band nila. Ang gaganda ng boses. Pampakalma. Sumabay pa yung agos ng dagat. Nakatingin lang ako sa dagat habang may buwan sa taas. Ang sarap pagmasdan. Kaya napatingin ako kay Simmone. Na nakatingin rin sakin.

"What?" tanong ko.

"Wala. Ang ganda ng view oh, Picture-ran kita dali." sabi nito at nilabas ang iPhone niya.

"Ayoko." sagot ko.

"Huwag kana mahiya. Isesend ko rin sayo sa Airdrops. Anong akala mo? Idedelete ko rin to no!" natatawang sabi nito sakin kaya pumayag na rin ako.

Pinicture-ran niya ako ng nakaharap sa kaniya. Tapos naka sideview tapos naka pangalumbaba.

"Ganda ah!" puri sakin nito.

Parang may kumiliti sa tiyan ko kaya kinalma ko ang sarili ko. Grabe! Picture lang yon.

"Airdrops mo ah!" pagpapa-alala ko sa kaniya at tumango ito.

"Bakit wala kapa ring girlfriend?" tanong ko kaya binaba niya yung cellphone niya at tumingin sakin.

"Inaantay kita bumalik eh." seryosong sabi nito sakin.

May kung ano akong naramdaman doon. Hindi ko mapigilan ngumiti pero ayokong ipakita iyon sa kaniya kaya sumimsim ako sa bote ng alak upang matago ang ngiting gusto konang ingiti.

"Ikaw? Bakit wala kapang boyfriend?" tanong naman nito sakin.

"Wala. Focus muna sa work." sagot ko.

"Sabagay, ganoon rin naman ako,pero bumalik ka." sabi nito at tumingin lang sa view ng dagat. Kaya napakagat ako sa labi ko.

Ano ba to! May tama naba siya ng alak? Awit naman!

"You know Kirstein? Nung umalis ka agad dahil sa operasyon mo...Doon ko nalaman na hindi pala sakin yung dinadalang-bata ni Francheska." panimula nito kaya tumingin lang ako sa kaniya. " Ang saya ko non kasi mapapatunayan ko na sayo na hindi ako yung ama...Pero nung pumunta ako sa condo mo..Wala kana don..Haha." sabi nito sakin at ngumiti.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon