Kabanata 15

7 2 1
                                    

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at inaninag kung nasaan ako. May liwanag na tumama sa mga mata ko kaya't napapikit ulit ako.

Kinapa ko ang ulo ko at may malambot na tela na nakalagay doon.

"Gising kana!" nagpapanic na sabi ni Mama.

"Anong nangyari sakin?" tanong ko sa kaniya.

"Nurse! Gising na yung anak ko." sabi nito mula sa telepono. "Naaksidente ka anak." sabi nito. Inalala ko yung mga pangyayari.

Nasa bar kami,Umuwi ako dahil nandon si Simmone,Kinausap niya ko,Sumakay ako sa kotse ko ng lasing ako at.... Napakapit ako ulit sa ulo ko dahil sumakit.

Maya-maya ay, Dumating na rin yung doctor ko. May sinabi lang ito sa Mama ko pero ang tumatak sa isipan ko ay ang katagang sinabi niya na, Nagpahina ng loob ko.

'Malala ang pagkakatama ng ulo niya.'

Ayon lang ang natandaan ko. Kinagabihan ay dumalaw rin sila Summer sakin.

"Im sorry." sabi nito at hinawakan yung kamay ko.

"Hindi mo kasalanan." sabi ko dahil pakiramdam niya ay siya ang may kasalanan non. Kasalanan ko yon.

"Are you okay now?" nag-aalalang tanong ni Samatha.

"Isn't obvious?" mataray pa rin na tanong ko, Kaya inirapan niya ko at tumawa naman ako sa itsura niya.

"Sana maging successful yung operation ko,Kaso sa Amerika ako ooperahan. Masyadong malakas yung pagkakatama sa ulo ko."

Buti nga at nakakapagsalita pa rin ako pero hindi ko masyado maigalaw ang mga katawan ko pero normal lang yon siguro after two week magiging okay rin ako.

"So pass muna ako sa mga lakad hahaha." sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Malapit na mag end ng school year saka kapa nagkaganyan."

Oo nga pala, End na rin pala ng school. Isang buwan nalang rin,Ang bilis ng araw no? Dati, nag hihintay lang ako ng school kung saan ako makakapasa. Ngayon, mag sesecond year college na ko.

Hindi ko pa pala nasabi sa kanila na pagkatapos ng operasyon ko sa Amerika, Doon muna ako sa mga kamag-anak ko sa Sydney.

Nagpaorder sila ng pizza at wings dito kaya nagkakainan na kami. It's about time para sabihin na rin naman sa kanila.

"Uhm...Girls?" sabi ko kaya napatingin silang lahat sakin. Ngumiti ako sa kanila kaya mas lalo silang nagtaka. Agad na lumapit si Summer sakin.

"Don't tell me, May taning na buhay mo? Two months nalang ang taning ng buhay--" nang batukan ito ni Desiree. "Aray ko naman!" inis na umalis ito sa tabi ko at pumunta sa sofa para kumain nalang ulit.

"Ah...Kasi..Ano.." hindi ko masabi. Huminga ako ng malalim at saka ngumiti ulit. "Pagkatapos ng operasyon ko sa Amerika, Dederetso kaming Sydney. Doon muna ako for good." napatigil sila sa pagkain nila ng marinig nila yon sakin.

Oo, For goods na ako roon. Hindi ko rin alam kung kailan ako makakabalik. Pero ang alam ko roon ko na rin ipagpapatuloy ang pag-aaral kok. Babalik nalang siguro ako rito kapag okay na ang lahat.

Okay naba ang lahat ngayon?

Hindi ko pa nakakausap si Simmone. Alam niya ba na narito ako? Binisita niya ba ako? Bakit ko ba iniisip to? Okay lang naman sakin na huwag na siyang bumisita. Aalis na rin naman ako.

"Wala na akong kasama!" naiiyak na sabi ni Summer.

Paano paba ako aalis kung si Summer eh laging iiyak.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon