Kabanata 5

13 5 1
                                    

"What!" sigaw nilang tatlo.

Nasa isang restobar kami nagkita-kita dahil sa kwento ko. Gusto kong ikwento dahil wala rin naman akong ibang pag-sasabihan.

"E bakit naman niya ginawa yon?" tanong ni Desiree.

"Para ata makaiwas don sa babaeng kasama niya sa unit niya nung lumabas ako sa terrace para magpahangin tas nakita ko sila tas nagkiss---"

"Oh my god! Ang wild naman ni Simmone!" sabi ni Samantha.

"Fuckboy." simpleng sabi ko.

"Grabe ka naman Akina! Hindi mo pa nga kilala yung tao eh." depensa ni Summer.

Oo,Hindi ko pa nga kilala yung tao pero my feeling talaga ako eh! Madami na siyang napaiyak na babae.

"Okay." sabi ko at saka tinaas yung kamay ko para sabihing suko na ko.

Kahit madaming gawain ngayon ay mas pinili kong maging chill lamang. Ayoko na lalo ma stress at maisip yung mga bagay na hindi na dapat isipin.

Kinabukasan,Tumatawag sakin si Tita Ruth. Kinamusta niya ako dahil miss na raw ako ni Joy.

Wala kaming pasok ngayon. Kaya naman napagdesisyonan naming mag bar malapit lang sa UST.

Hindi ko na kasi makimkim sa sarili ko yung nangyari. Kaya sinabi ko na sa kanila.

"Atleast may first kiss kana." sabi ni Summer.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya."Anong atleast!? May first kiss nga ko hindi naman sa taong mahal ko!" padabog na sabi ko.

Natawa lang sila sakin dahil sa reaction ko. "Malay mo naman hindi lang ngayon pero siya talaga." halos madura ko yung iniinom kong alak sa sinabi ni Samantha.

"Kilabutan ka naman!" sabi ko at saka inabot yung alak sakanya.

Kaunti lang ang ininom namin at nagpasya na rin kaming umuwi. Mabuti naman at may kanya-kanya silang dala na kotse.

Nang nasa byahe nako papunta sa condo ko. Biglang may tumawag na Unknown number.

"Hello.."

"Ate Aki?" boses ni Joy.

Tiningnan ko ang orasan ko at 12:30am na. Bakit tumatawag pa sakin itong si Joy?

"Bakit baby--"

Nang biglang nawalan ng linya.

Hinayaan ko nalang at nung makauwi nako ay nagpark na ako at saka umakyat na papunta sa Unit ko.

Pagkabukas ko ng pinto ko may nakaupo na lalaki sa Couch ko. Nung narinig niyang bumukas ang pinto ay lumingon sya sakin.

"KUYA!!!!!" sigaw ko saba yakap sa kaniya.

"Yuck! Amoy-alak!" sabi nito at lumayo sakin.

Inamoy ko yung sarili ko at amoy nga kaya nagpalit muna ako bago lumabas ulit kay Kuya.

"Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka!" sabi ko sa kaniya at saka umupo sa tabi niya.

"May suprise bang sinasabi?" sabi nito kaya ngumuso lang ako.

"Tara kain tayo! Ang tagal mo umuwi gutom nako!" sabi nito at saka tumayo.

"Wait magpapalit lang ako!"

"Wag na! Okay na yan." sabi nito.

Kaya lumabas na kami saktong pagkabukas ko ng pinto dumaan si Simmone kaya napatingin ito samin. Hinawakan ko agad sa braso si Kuya.

Nagdrive thru lang kami sa Mcdo at saka umuwi na rin. Dito muna mag-sstay si Kuya ng 5days dahil sa conference meeting niya. Dapat raw ay kukuha siya ng condo pa,ngunit mapapamahal lang daw ito kasi tutulog lang naman siya sa condo tas aalis na rin. Kaya naisipan niya na sa condo ko nalang.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon