"Bakit mugto yang mata mo?" tanong sakin ni Simmone. Nakain kami sa isang restaurant na madalas naming kainan.
"Haha,wala. Nanood kasi ako ng k-drama kagabi,kaya habang walang patient tinatapos ko." pagsisinungaling ko bago kinain yung steak na hiniwa ko.
Ang hirap magsinungaling.
Ang hirap pigilin.
Gustong-gusto ko na sumabog dahil sa inis at lungkot.
"May nakausap na akong organizer, Sila na bahala sa catering,and design. May Pre-Nup rin daw.. Saan mo ba gusto? Tagaytay? O Manila?" excited niyang sabi.
Nakakatuwa,dahil si Simmone,desidido na pakasalan ako. Samantalang yung lola niya,tutol. Part rin siya ng buhay ni Simmone kaya kailangan makasundo ko siya.
"Hmm,hindi pa ako nakakapag-decide. Pero ikaw? Saan mo ba gusto? Parang maganda siguro doon sa pinuntahan natin dati ni Kassandra, Remember?" tanong ko.
Dahil sa pagkakataon na ito,kailangan ko lang maging positibo. Tuloy pa rin ang plano. At kailangan ko rin umisip kung paano ako magugustuhan ng lola niya.
"Oo! Maganda nga roon! Sa Twin...Ano nga ba yon?"
"Twin-lakes..." sabi ko sabay irap. Tumawa naman siya sa ginawa ko.
"I can't wait to hug you tight when we fell asleep. Hindi na ako makapag-hintay na ikaw ang bubungad kapag uuwi ako galing trabaho.."
"Paano? Eh same Hospital tayo.." pabiro ko sa kaniya. Nag pout siya sakin. At nag-isip.
"Edi,kakausapin ko si Bayaw.." natatawang sabi niya. Kaya pati ako ay tumawa rin.
Masayang natapos ang dinner namin,gaya ng routine,hinatid niya ako sa unit. Papasok na sana ako ng unit ko ng hawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako roon bago tumingin sa kaniya. Nakangiti ito sakin,
"Can't wait to get married with you! Iloveyou so much my wifey!" bahagyang namula ang pisngi ko.
Oo matagal na kami. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko.
Ngumiti ako at agad na hinalikan sa labi. Damang-dama ko na sabik na sabik siya kagaya ko. Halos ilang minuto rin ang itinagal neto ng biglang may umubo sa likuran ko.
"You two better go inside..." pang-asar ni Yoshiro samin.
Napatawa kami ni Simmone sa sinabi ni Yoshi.
"Go inside. Iloveyou always! Goodnight!" pagkasabi non ay pumasok na ako. At baka hindi kopa mapigilan sarili ko at dalhin ko siya sa kwarto. Charot!
-
Wala kaming pasok parehas at day-off namin. Kaya sinimulan na namin ayusin ang mga kailangan sa kasal. Yung simbahan kung saan kami ikakasal pinuntahan rin namin. Sa silang cavite kami ikakasal. Dahil maganda ang church,San Antonio De Padua ang pangala ng church. Sakto nga dahil pagpunta namin may ikakasal roon. Kaya babalik kami kung kailan namin mapag-dedesisyunan ang araw ng kasal. It's Already November.
"Anong date ba gusto mo,Love?" tanong nito sakin habang nasa kotse kami. Imemeet namin ang organizer na nasa Skyranch para sa food tasting ng pagkain. Ngayon araw iyon.
"Mas maganda siguro kung June,para maganda. Naniniwala kasi ako sa pamahiin eh. Kapag june daw,mas titibay ang pagsasama." sabi ko.
"Well,then June." sagot niya.
Ang mga lalaki talaga,kung anong desisyon ng babae ganon na rin sa kanila. Hindi man lang mag-iisip basta kung ano ang sabihin,yun na rin ang kanila.
Nakarating na rin kami sa SkyRanch at tinext ko na yung organizer nameet namin Online.
"Mr and Mrs Francisco.." bungad samin nung lalaking organizer.
BINABASA MO ANG
Ako Nalang Sana [ON-GOING]
FanficAkina Gomez and Simmone Francisco meet each other for a reason. Simmone is a playboy in their university but when Akina started studying in University of Sto.Thomas ,Simmone change his life.