We already finalized fo our wedding. Nagbigay na rin kami ng invitations sa mga abay,ninong at ninang. I also invited our relatives, Dahil nga si mama nag-invite. Yung mineet namin last month sa Laguna,invited din. Sila Dari na pinsan ni Simmone kasama rin. I also found out that she's a teacher. For now, she's teaching in Grade2. Pero, nag-aaral pa ulit siya ng Masteral para makapag-turo na siya sa Highschool.
Kaunting araw nalang at ikakasal na kami. Everything went clear. Also my schedules! Hindi ko nga alam kung ang Hospital ay pansamantalang isasara o bukas pa rin , dahil some of the doctors are invited too. May ibang ninong at ninang rin kami sa Doctors.
Kikitain ko ngayon si Joy dahil isa siya sa mga abay ko. Doon nalang rin ang meet-up malapit sa pinag-tatrabahuhan niya. Para hindi na siya babyahe. Hindi pa rin siya makalipat sakin dahil this June rin pala ang end mg contract niya doon at tatapusin nalang niya.
Nang makarating na ako sa isang cafe na malapit sa convenience store, umupo na ako at saka tinext si Joy na narito na ako. Pinagawan ko na rin siya ng gown. Mayroon na ring magme-make-up sa kaniya. Everything for her is fine. At once na lumipat ito sakin. Kahit ano ang gusto niya,bibilhin ko. Kung gusto niya mag-doctor,i-eenrolled ko agad siya.
Mahirap kaya yung pinipilit mo yung sarili mo sa isang kurso, pero siguro nama ay nagustuhan na ito si Joy,pero hindi mo ramdam yung saya niya.
"Sorry,ate! Nag-hintay kaba ng matagal?" bungad ni Joy sakin at umupo.
Umiling ako. "Kakarating ko lang rin..." ngumiti ito sakin.
"Nag-leave na ako for your wedding ate, sasabay naba ako sayo?" i nodded. "Okay."
Nilabas ko na rin yung invitation at binigay sa kaniya. Nakasulat roon kung sinu-sino ang invited.
"I wish mom can come..." she looked at me. "But it's okay.. It's your wedding day..Not mine." may tumulong luha sa mata niya at agad niya itong pinunasan.
"Bumisita kana ba?" tanong ko,umiling siya. "Bakit?"
"Hindi ko alam,ate. Hiyang-hiya ako,after what she did to your family, in dad's heirs..."her voice broke.. "Ilang buwan na akong hindi nabisita, ayoko na muna siya makita...pero miss ko na siya..." dagdag pa niya.
Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya,na kahit galit siya kay Tita Ruth,mahal na mahal pa rin niya iyon. Kung hindi lang siya gumawa ng kahit anong ikakakulong niya,sana ay narito siya,sana ay maayos pa kami,maayos sila ni Joy, maayos ang lahat.
I stood up, nagtataka siyang tumingin sakin. For now, i want to visit her. To see her.
"S-saan tayo pupunta ate?" tanong ni Joy sakin.
"Presinto." sagot ko at kinuha ang bag ko,
Sumakay na kami sa sasakyan ko at tahimik lang kaming dalawa. Hindi siya nag-sasalita. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya,per nararamdaman kong nahihirapan siya.
Hindi rin malayo ang Camp Aguinaldo kaya nakarating rin kami agad. Dito nailipat si Tita Ruth noong isang taon,dahil sa patong-patong na case. Mabuti at walang death penalty dahil hindi pa ito na aaprubahan sa Senado. Dahil kung na-aprubahan na ito,siguro ay wala na siya.
Nakaupo lang kami sa table habang hinihintay si Tita Ruth, tahimik pa rin kaming dalawa ni Joy.
"Joy!" sigaw ni Tita Ruth ng makita kami, yayakapin sana ni Tita Ruth si Joy ng umatras ito papunta sa likod ko. "A-akina?" tawag niya sakin. I smiled at her. "Ikaw naba iyan? Ang ganda at ang l-laki mo na..." nangangarag ang boses niya habang sinasabi sakin ang mga salita iyon. "K-kamusta kana?" tanong nito at umupo na kami.

BINABASA MO ANG
Ako Nalang Sana [ON-GOING]
FanfictionAkina Gomez and Simmone Francisco meet each other for a reason. Simmone is a playboy in their university but when Akina started studying in University of Sto.Thomas ,Simmone change his life.