Isang buwan na simula nung maospital si Papa at hindi pa rin siya nagigising. Malaking pag-aalala namin dahil kung asthma ang sakit niya eh magigising agad siya kahit isang linggo pa lang ang nakakalipas.
Pagkauwi ko galing school ay nagpalit lang ako ng damit bago dumiretso sa Hospital.
Nang makarating ako sa ospital,Nakita kong naka bukas ng kaunti ang pinto ni Papa,sinilip ko iyon at nakita ko si Tita Ruth may kausap na matandang lalaki.
"Hindi pa rin siya nagigising Atty. Isang buwan na ang nakakalipas." sabi nito.
"Ipagdadasal ko nalang siya...."
Pumasok na ako kaya napatingin sila sakin.
"This is Akina,Her daughter." pagpapakilala sakin ni Tita Ruth sa Atty ni Papa.
"May i speak to you for a while?" sabi sakin nung Atty kaya tumango lang ako.
Nasa Cafeteria kami ng Hospital. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin. Pero kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Hello I'm Attorney Fred Lorsi. Attorney ako ng Papa mo." sabi nito bago sumimsim ng kape. " It's sad to say na hindi pa rin siya nagigising."
"Ano po ba ang pag-uusapan natin?" deretsang sabi ko sa kaniya.
"Hindi ko labis na maisip na sa tagal ng Papa mo sa kalabuyo niya ngayon eh mang yayari pa ito." naguguluhan na sabi ko sa kaniya.
"Mahirap na paniwalaan pero mukhang plinano itong pangyayari." mahinang sabi niya sakin. Kaya napahigop ako ng kape.
"Ano po ang ibig mong sabihin?" naguguluhan pa rin ako sa sinasabi ni Attorney.
"Nagkaroon ng away yung Daddy at Si Ruth. Dahil nga dapat legal wife pa rin ang nakalagay sa mga mana ng Daddy mo. Pinipilit niya na siya ang ilagay pero bawal sa hukuman iyon dahil kabit nga lang siya.." nakikinig lang ako sa sinasabi niya.
"Kaya naman nung araw bago maospital ang daddy mo tumatawag siya sakin na kahit sa ibang mana raw eh ilagay ang pangalan ni Ruth at ang anak niyang si Joy.." inayos niya ang sarili niya.
"Ngunit hindi ko ito pinayagan dahil bawal nga..."
"So Attorney, There's a posible na si Tita Ruth ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Daddy?" tumango ito sakin.
Mas lalo akong naguluhan dahil bakit gagawin yon ni Tita Ruth samin? Bakit niya gagawin iyon kay Daddy. Bakit ngayon lang? Sana noon pa diba kung pera talaga ang habol niya.
Hindi ko alam ang nangyayari....Gulong-gulo na ako.Gusto kong mapag-isa,Gusto kong lumayo.
Umalis agad ako sa harapan ni Attorney ng makatanggap ako ng tawag kay Joy.
Naghahabol hininga na ang Papa ko at flat line na ito. Natataranta na akong tumawag ng nurse para ma revive ang Papa ko ngunit huli na ang lahat. Wala na ito. Wala na yung Papa ko.
Inasikaso agad namin yung burol niya at iba pang kailangan. Naki-usap ako sa Mama ko na siya ang mag-ayos ng burol ni Papa at pumayag naman ito.
"Bakit kasi hindi mo pag-asikasuhin yang kabit na yan! Sitting Pretty at paiyak-iyak pa!" inis na sabi ni Mama habang napirma ng papeles.
Hindi ko ito pinansin at binigay lang sa kaniya ang mga kailangan niyang pirmahan.
Ilang minuto lang ay dumating na rin agad si Attorney at kakausapin si Mama in Private kaya't naiwan ako rito sa tabi ni Papa.
Tiningnan ko ang salamin kung saan siya nakahiga. May kung ano sa mukha niya na hindi maipaliwanag. Parang meron siyang gustong sabihin sa huling hininga niya ngunit hindi niya nasabi.

BINABASA MO ANG
Ako Nalang Sana [ON-GOING]
FanfictionAkina Gomez and Simmone Francisco meet each other for a reason. Simmone is a playboy in their university but when Akina started studying in University of Sto.Thomas ,Simmone change his life.