Kabanata 2

26 10 0
                                    

Nagising ako sa gising ni Joy. Gusto niya daw magpunta kami sa park na malapit samin kaya naman ay kahit na inaantok pa ako eh sumama na rin ako. Hindi na ako nagpalit pa naka pajama lang ako na satin red at tsinelas lang. Nag-ayos lang ako ng buhok ko. Napaka-aga naman kasing mag-aya neto ni Joy.

Flashback.....

"Dahil dyan bukas pupunta tayo sa park kahit anong oras mo gusto,gisingin mo lang ako!" sabi ko kaya at hinawakan ito sa ulo.

"Promise ate?" sabi nito sakin at tumango lang ako.

So ayon! Kasalanan ko pala! Sinabi ko na kahit anong oras niya ako gisingin para pumunta sa park. Hayae na!

Habang naglalakad kami at sinama kona rin ang aso kong si Berry! Shit Tzu siya ang ganda niya pa. 2years old na sakin si Berry ayon ang regalo sakin ni Daddy noong birthday ko. Nasa park na kami at hindi na alam ni Joy kung ano ang uunahin niyang sakyan. Kung ang swing ba o seesaw. Inilibot ko ang paningin ko sa park hindi pa naman masyadong madami ang mga bata roon. Umupo na muna ako sa isang bench habang hawak ang leash ni Berry. Inaantok pa talaga ako. Nagising ako ng biglang nakaalpas sakin si Berry kaya agad akong tumakbo kasunod nito si Joy na bumaba pa ng seesaw para makihabol sakin. Nahuli naman agad ni Joy si berry dahil madalas sa kaniya ito nasama. Umuwi na kami ni Joy dahil tumawag si Mama na mag-aasikaso na daw kami agad ng requirements sa UST. Nakaka dalawang linggo pa nga lang kami ng bakasyon at hindi ko pa na-eenjoy! Tapos mag-aayos agad ng requirements...Nang biglang tumawag si Mama.

[Magkita nalang tayo sa UST.] Sabi nito sakin at binaba na agad.

Pinasundo niya ako sa mga body guard niya at nang makarating na ako sa UST ay hindi ko aakalain na sobrang laki pala talaga nito. Mas malaki pa sa inaakala ko. Ang gagara pa ng mga kotse na andito. Halatang mayayaman talaga sila. Kaya naman ay nagpunta na kami ni Mama sa Registrar at agad na fill-up ng form at nagbayad agad si Mama ng tuition ko. Mabalis lang din kami at kumain muna kami.

"Hindi ko alam na ganon na pala ka close ng kabit ng papa mo." sabi ni Mama habang nakain kami. Kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ruth is kind." i said.

"But still a mistress." simpleng sabi nito.

Hindi na ako kumibo ulit at kumain nalang ako. Wala akong gana makipag-away kay Mama because of Ruth.

"Here's the bill Ma'am." sabay abot kay Mama.

"Here's my card." sabi niya sa waiter at tumingin ulit sakin. "Once na mag start na ang klase niyo,I bought you a condo  and car na din." sabi nito at saktong balik ng waiter sa card ni Mama.

"Let's go! I need to work hard for you para hindi ka naghihirap." she simply said at alam kong may mga laman ang sinasabi niya.

I ignore this kind of bullshit. Umupo nalang ako at saka nag lagay ng earphones. Para kapag nagsalita si Mama ay hindi ko maririnig. I have kuya pero nasa Canada he's a Doctor.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng biglang hinigit ni Mama ang earphones ko.

"What kind of earphone is this? Mygod Akina!" inagaw ko pabalik yung earphone.

"Bibili ako bago wala lang ako..Padating na pala online." agad akong tumalikod sa kaniya.

"Anong wala kang pera Akina? Ni hindi kita nakitaan na may bago sa katawan mo puro luma na! Ikaw paba nagbabayad ng gastusan sa bahay ng tatay mo at ng kabit niya?" sabi nito.

"Ano ba ma! Kada naglalagay ka ng pera sa bank account ko nagdodonate ako sa simbahan. Sa mga bata na naroon!" sabi ko sa kaniya.

"Huwag mo na pagtakpan yung kabit ng tatay mo Akina!" sigaw nito sa kotse.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon