"Ang cute nila matulog oh." minulat ko yung mata ko at lahat sila nakatingin lang sakin ng lumingon ako sa kabilang side ko nagulat ako sa katabi ko. Agad akong bumangon sa gulat.
"Bagay kayo Aki!" irit ni Kassandra. Kaya nagising yung Kuya niya pero wala rin.
"Anong oras naba?" biglang tanong ni Simmone kahit nakapikit pa.
"Grabe ka Pare!" lumapit si Ken at Philip sa kama at agad na binatukan nila si Simmone.
"Gago!" agad na bumangon si Cy sa kama at kinapa yung sarili niya.
Wow! Parang akala niya nirape kopa siya ha! In his dreams!
"Wow Kuya! Parang agrabyado kapa na tumabi ka kay Akina ah!" natatawang sabi ni Kassandra.
"Shit sorry!" sabay labas niya sa room namin kaya naman sumunod din sila Philip at Ken.
Nagkwentuhan kaming mga girls dito habang nagkakape dahil may creamer at kape na rin dito.
"Bakit iba apilido mo Kas kay Simmone?" tanong ko habang nakain ng biscuit.
"Ahhh...Magkaiba kami ng Mama. Pero close rin sila ni Mommy. Yung mommy naman ni Kuya nasa ibang bansa may pamilya na rin na iba pero nagbibigay parin ng sustento sa kaniya. Lalo na kay Daddy! Lahat ng gusto niyo binibigay niya. Hindi naman kami spoiled pero basta ang hirap." sabi ni Kas kaya humigop ng kape.
"Dati ayaw pa ni Mommy kay kuya pero dahil sakin naging close sila. Kasi alam mo yon,Gusto ko maranasan kung paano mag-alaga yung mga Kuya sa mga kapatid nila. Naiinggit nga ko sa ibang kaklase ko noon na sinusundo ng mga kuya nila sa school..." tigil niya sabay higop ulit ng kape. "Buti nalang talaga naging close kami ni Kuya na kahit half-brother ko lang siya lahat ng atensyon niya nasakin.." pinipigilan niya yung luha ko dahil sa tuwa.
May mga ganon pala talaga no? Akala ko kasi kapag magkaiba ng nanay or tatay eh hindi nila pipiliin na makasundo yung kapatid nila. Pero itong si Kassandra,iba! Nakakatuwa rin naman kasi ganon din ako kay Joy na kahit magkaiba kami ng nanay yung turingan namin is buong magkapatid talaga. Kaso nga lang si Kuya... Ayaw niya kay Joy,dahil isang pagkakamali daw iyon ni Papa...Iniisip niya na kapag nagustuhan niya si Joy as kapatid namin eh ginusto niya na rin daw na nagkamali si Papa dahil nung oras na lugmok na lugmok si Mama sinakripisyo ni Kuya ang exam niya for Doctoral para sa Mommy ko,Siguro kung inuna ni Kuya ang dreams niya over my mom siguro wala na kami ngayon kung nasaan kami. Walang nag-papaaral sakin. Walang nag aasikaso sakin.
May mali rin naman akong desisyon eh,Ayon ay yung sumama ako kay Papa. Siguro bata pa ako noon kaya hindi kopa masyadong maisip yung mga bagay-bagay na ganon. Na mas pinili ko talikuran ang sarili kong Mama para sa pagkakamali ng papa ko at sa freedom ko. Im so very selfish that time!
"Akina..." yug-yog sakin ni Maxine.
"Ay sorry may naisip lang." nang maliwanagan ako.
Nagtatanong sila kung ano ang pwedeng gawin namin pagkatapos nito. Isa-isa kaming naligo dahil may pupuntahan raw kami. Ako ang pinauna nilang maligo dahil alam ni Maxine na matagal akong kumilos.
Im wearing tank top and mom jeans paired with white converse. Naglagay lang ako ng light make-up at nagcurled ako ng hair sa dulo.
Habang nag-aayos ako may kumatok sa pinto kaya binuksan ko iyon. Nakita ko na ready na ang mga boys kaya pumasok sila.
Si Maxine nalang ang hindi pa naliligo at bihis na rin si Kassandra. Nag aayos nalang din. Niligpit ko na yung mga gamit ko at nilagay sa pouch na dala ko. Lumabas muna ako sa veranda para magpahangi kahit malamig sa room namin.
Nakatingin lang ako doon sa view. Nang may narinig akong nagbukas ng sliding door.
"Sorry Kirstein..." rinig kong sabi niya sa likod ko bago tumabi sakin.
BINABASA MO ANG
Ako Nalang Sana [ON-GOING]
FanficAkina Gomez and Simmone Francisco meet each other for a reason. Simmone is a playboy in their university but when Akina started studying in University of Sto.Thomas ,Simmone change his life.