Kabanata 13

3 2 0
                                    

"One...Two..Three.. Smile kayo ah!" sabi ko bago i-click ang camera.

Couple silang nagpapapicture dito, may kapalitan ako si Gaile pero nagbreaktime muna siya kaya ako daw muna. Wala rin naman akong ginagawa kaya pumayag na rin ako.

"Miss isa pa nga." request pa niya kaya kinuhaan ko ulit sila.

May sumunod pang magkakaibigan bago ako matapos dahil wala ng sumunod. Maya-maya ay may dumating habang inaayos ko yung camera.

"Ilan po kayo?" tanong ko habang inaayos yung mga photo paper.

"Tatlo po kami,Magiging apat kapag kasama ka.." sabi nito kaya umangat ang tingin ko.

Sila Summer,Desiree at Samantha. Pwede outsider since foundation week naman.

"Akala ko hindi na kayo pupunta!" singhal ko.

"Duh. Buti nga at maaga nagpadismiss mga prof namin eh." sabi ni Desiree.

"Buti nga at halfday kami." singit naman ni Summer.

Inaya ko kasi sila nung nagpaplano palang kami. At titingnan daw nila schedule nila. At ayon nandito sila. May dala pa silang jollibee dahil hindi pa daw nakain at dumiretso daw sila agad dito.

Buti at dumating na rin yung naka assign dito kaya kumain kami sa canteen.

"Wala bang pogi dito?" tanong ni Summer habang naghahanap sa paligid ng pwede niyang harutin.

"Pogi nanaman. May mapapangasawa kana nga!" pang-aasar ni Samantha.

"Tsss, Myghod! Don't even go there." maarteng sabi niya at saka kumain ng chicken joy.

Nagkwentuhan kami habang kumakain at may na-ispotan na nga si Summer doon sa bandang gilid namin dahil nakatingin iyon sa kaniya. Palibhasa dayo kaya ganon ang mga tao dito sa UST. Lalo na at naka uniform siya ng pang Ateneo. Sila Samantha at Desiree naman ay naka pang FEU na uniform. Ako, dahil nga foundation week eh naka highwaist pants at polo shirt na white dahil nga Nursing ang course ko.

"Is that Simmone?" turo ni Summer sa likod ko kaya napatingin ako at bumalik rin sa kinakain ko.

"LQ yarn!?"

Hindi ko nga pala sinasabi sa kanila yung narinig ko dahil ang alam ni Simmone ay wala akong narinig.

"Hi Simmone!" bati ni Summer.

Naramdaman ko umupo siya sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Hi babe. Nakain kana pala,Hindi ka kasi nasagot sa mga reply ko."

"Dumating na kasi sila Summer kanina. Nasa bag yung cellphone ko." sabi ko habang nakain.

Umalis saglit si Simmone at bumalik rin na may dalang tray. Bumili ng sarili niyang pagkain.

"Aki,. Pagkatapos nito papicture tayo sa booth niyo." pag-aaya ni Samantha.

"Oo,sige!" sagot ko at tinapos na yung pagkain ko.

"May problema ba tayo?" biglang sabi ni Simmone sakin. At nakita kong napatingin rin yung tatlo samin.

"Aki libot muna kami rito ha," pagpaalam ni Desiree at saka ako tumango.

"Wala naman." sabi ko at saka uminom sa coke ko.

"Kasi napapansin ko,This past few days hindi ka masyadong nagsasalita. May problema kaba? Tayo?" paulit-ulit niyang tanong.

"Wala naman..." i denied again.

What the fuck!

Paano ko ba sasabihin ito sa kaniya? Paano ko sasabihin na Oo may problema ako! pero walang nalabas sa bibig kundi ang ' Wala '.

Ako Nalang Sana [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon