NIKA'S POV
Pagkapasok ko sa apartment namin, agad akong humilata sa bed.
At nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.
Para silang mga gripong naiwanang naka bukas. Tuloy tuloy lang na umaagos.
Bakit feeling ko may malalim na dahilan kung bakit hindi pumasok si Christian? Feeling ko may dahilan kung bakit nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.
Feeling ko may malaki akong kasalanan sa kanya.
Nasasaktan din ako.
Masakit din.
Noong tumalikod siya at naglakad palayo feeling ko biglang nadurog yung puso ko.
Gusto ko siya pigilan pero parang napako na yung mga paa ko.
Pero wala naman akong ginagawang masama. Lumabas lang naman ako kasama si Denver. Mali ba yun?
Bakit ganito?
Hindi pa nga kami officially pero bakit nagkakasakitan na kami?
Mas lalo lang tuloy akong natatakot na sagutin siya. Baka pag naging officially na kami na, baka mas kaka-ibang sakit pa ang maramdaman ko.
8pm palang pala.
Gusto ko ng matulog at kalimutan ang mga nangyari ngayong araw pero sadyang makulit ang mga mata ko dahil ayaw pa nilang pumikit.
Tumayo ako at pumunta sa labas ng bahay.
Kailangan ko ng hangin.
Kailangan kong maka-hinga ng maayos.
Kailangan kong mag-isip.
Naka tokong shorts ako at tshirt naman ako pero feeling ko ang lamig lamig kahit na nag-iinit yung mga mata ko.
Basang basa na rin 'tong hawak kong handkerchief dahil sa kakapunas ng sipon at luha ko.
Ano bang nangyayari sa 'kin?
Naglakad lakad ako at huminga.
Inhale
Exhale
Sana umuwi na agad si mommy.
Feeling ko siya lang ang kailangan ko sa mga ganitong oras.
Feeling ko siya lang ang mkakapag-tahan sa 'kin.
Sa sobrang paglalakad ko, hindi ko na alam kung saan ako nakarating.
Hindi ko inaasahan kung saan ako dinala ng mga paa ko.
Bakit dito pa?
Sa sobrang pagka-lunod ko sa mga iniisip ko, hindi ko inakala na dito ako makakarating.
Lumapit ako sa gate nila at nag-doorbell.
"Ay kayo pala ma'am pasok po kayo. Nandoon po si sir sa kwarto niya. Dumating po yun dito na namamaga ang mga mata. Nag-away po ba kayo?" Bungad sa 'kin ng guard nila.
"Hindi po. Sige po, mauna na 'ko."
Dumeretso ako sa loob ng bahay nila at nakasalubong ko ang isa nilang kasambahay.
"Nako ma'am si sir ayaw po kumain. Dinalhan ko po siya sa taas ng pagkain kaso itinaboy niya lang po. Mukhang kailangan po talaga kayo."
Mas lalo akong kinabahan. Ano bang nagawa ko sa kanya?
Nginitian ko lang yung kasambahay nila at dumeretso na 'ko sa tapat ng kwarto niya.
Kakatok ba ko?
BINABASA MO ANG
Love At First Sight
RomanceNika is just an ordinary teen until one day her grandfather decided to arrange her to a marriage with someone she doesn't know. As time goes by she fell inlove with him but there is one problem that made her leave the guy even though she loves him s...
