Chapter 17 - Sweet

111 8 0
                                    

A/N: Here's the continuation after ni Nika mag walk out. Enjoy! :)

NIKA'S POV

Kinuha ko yung handkerchief sa bag ko at pinunasan ang mga luha ko. I need to be strong. Kahit anong sabihin ni Christian, kailangan ready ako. Dapat ipakita ko lang na wala lang sakin. Kailangan pag labas ko dito sa restroom, okay lang ako.

"Nikaaa? Nikaaaa?" Rinig ko ang boses niya mula dito.

Lumabas na ako ng restroom at nakita kong nag-aantay siya doon.

"Okay ka lang?" Sana nga okay lang ako...

"Hu-uh? Oo naman ba-bakit?" Sagot ko na medyo nauutal pa. Ang hirap pala magsalita ng maayos kapag galing sa iyak. Lalo na kapag kaharap mo ang dahilan.

"Sure ka?"

"Oo naman." I said and faked a smile.

"Sige. Tara na." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. At naglakad na kami.

I want to pull my hand from him pero ayaw kong magtaka siya. Di ba nga kailangan act normal? Kaya pinabayaan ko na lang na magka hawak kami ng kamay. And baka eto na rin ang huling hawak ko sa kamay niya. Dahil baka pag umamin na siya mamaya, baka sa susunod na araw ibang kamay na ang hawak niya. Ouch.

"Oh? Saan kayo galing?" Tanong ni Angelique pagka-balik namin sa court.

"Sa cr lang." Sagot ko at agad naman kinalaki ng mata ni Anna.

"Anong ginawa niyo sa cr ha?"

"Siya lang nag cr, inaantay ko lang siya." Mabilis na sagot ni Christian  para ma avoid ang maduming utak ni Anna.

After ng ilang presentations, nag announce na yung principal namin na pwede na kami mag exhange gifts sa room.

Habang paakyat kami sa room, biglang nagsalita si Christian.

"Nika Sorry."

Ayan na.

I don't know what to say.

"Uy dalian nyo! May surprise daw si Ma'am Rita!" Sigaw ni Claire (classmate din namin) sa amin.

Hay, thank you Claire! Life savior!

Kaya naman agad akong nagmadali maglakad papasok sa classroom namin.

Wala 'kong pake kung iniwan ko man siya doon. Feeling ko kasi hindi pa ko ready sa sasabihin niya.

After namin mag exchange gifts, syempre kainan na! Hahaha mawawala ba yun?

Nagkukwentuhan kami nila Angelique and Anna nang biglang may nag lapag ng plate sa harapan ko.

"Kumain ka muna." Sabi niya.

"Tara na anna kain na din tayo!" Sabi ni Angelique sabay hatak kay Anna. Nawalan tuloy ako ng mga katabi.

Pagka-alis nung dalawa, umupo na siya sa tabi ko.

"Kumain ka na." Sabi niya with a concern look.

"Thank you." Sabi ko sabay subo ng carbonara.

Ang saraaaap!

"Ang dungis mo." Sabay punas niya sa dumi sa gilid ng labi ko.

Feeling ko tumigil yung paghinga ko lalo na nung nagkakatitigan kami.

"Tha-thank you." Ughhh bakit nauutal ako?

Agad akong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

Pero napansin ko hindi pa kumakain yung katabi ko.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ko sa kanya.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon