Chapter 36 - Triple Kill

39 4 0
                                    

*beep* *beep*

Bumaba na agad ako ng kwarto at nagpaalam kay mommy.

"Have fun okay? Wag kang hihiwalay kay Elijah. Sana magkabati na kayo nila Angelique at Anna." Sabi ni mommy habang inaayos ang kaka-curl ko lang na buhok.

"Yes, ma. Thank you." Sabi ko at nag kiss na kay mommy at dumeretso na sa labas.

I'm wearing a maroon dress na naka off shoulder at above the knee ang haba. Ang pinartner ko naman ay 2-inches black heels.

"Your dress is too short." Bungad agad sa 'kin ni Elijah nang pagkaupo ko sa passenger seat.

"Just for tonight, mister."

"Whatever." Sungit naman nito!

"By the way, ang pogi mo!" Sabi ko at nginitian siya.

Ngumiti lang siya at umiling.

"Sungit mo!" Sabi ko at pabirong sinuntok siya sa balikat.

"Don't punch me Nika. I'm driving."

Sa buong byahe namin ang iniisip ko lang ay kung anong pwedeng mangayari mamaya. Paano kung isnobin ako nila Angelique at Anna kapag nilapitan ko sila? Paano kung hindi na talaga nila ako mapatawad? Paano kung sinadyang kinalimutan na nila yung bestfriend nilang iniwan sila? Paano kung wala ng pag-asang mapatawad nila 'ko? At paano kung nandoon si---

"You're overthinking." Nagulat ako nang biglang nagsalita si Elijah.

I took a deep breath and smiled.

"Kinakabahan ako." I said honestly.

"It's normal to get nervous, Nika. You're going to meet your bestfriends that you left five years ago. We don't know what would be their reaction. But let's just hope for the best, okay? No matter what will happen, I got you."

I smiled at him, "Yes, thanks."

Pagkarating namin sa binigay na address ni Karol, hindi naman kami nahirapan na mahanap yung bahay nila dahil nang marinig namin ang malakas na music alam naming doon na ang bahay nila.

Pagpasok namin sa bahay nila Karol, agad dumaloy ang kaba sa 'kin.

"Hold my hand if you're still nervous."

So before we enter hindi na 'ko nagdalawang isip na hawakan ang kamay ni Elijah.

He just smiled at me.

Agad sumalubong samin ang lakas ng music at nagkalat ang mga nagpaparty pati na rin ang mga waiter na nagseserve ng kanya kanyang drinks.

Sa di kalayuan, nakita ko ang iilang mga classmate namin noong first year highschool. Pero karamihan ay hindi ko na mamukhaan. Lumingalinga pa 'ko at nakita ko si Karol na may mga kausap at wait---- is that--- oh my! Nasa gilid niya si Edward habang nasa bewang ni Karol ang right arm ni Edward. Wow sa five years na lumipas hindi ko inakala na magiging silang dalawa!

Napatingin sa way ko si Karol at napangiti siya. May sinabi siya sa ilang mga kausap niya at naglakad na silang dalawa ni Edward papunta sa 'kin. 

Sinalubong ko siya ng yakap.

"Happy birthday!" Sabi ko at binigay sa kanya ang simple gift ko.

"Oh, thank you! Nag-abala ka pa."

"Grabe Nika laki na ng pinagago mo ah?" Sabi ni Edward na ngayo'y nakalagay parin sa bewang ni Karol ang right arm niya. So kailangan maging sweet sila sa harap ko? Hmp! Bigla tuloy ako na bitter!

"Hindi naman. Kayo din naman. Hindi ko inakala na magkakatuluyan pala kayong dalawa." Sabi ko at tumawa.

"Kahit naman ako. Eto naman kasi si Edward eh. It took him a year to finally have the courage to ask me to be his girlfriend."

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon