Chapter 39 - Friendship

28 6 0
                                    

Warning: This chapter contains foul words.


NIKA'S POV

"I told you you don't expect that things won't change. People change when they are hurt." Tumagos sa puso ko ang sinabi ni Elijah. Kausap ko siya ngayon over the phone. Nasa company kasi nila siya sa America ngayon kaya naman hanggang tawag lang kaming dalawa. Na kwento ko kasi sa kanya yung nangyaring encounter ko kay Christian. And I wasn't able to control my emotions at nag break down ako.

Nagpaalam na ko sa kanya at binaba ang tawag. I'm on my way sa church ngayon because it's Sunday. 

Pagdating ko sa church pumasok na 'ko sa loob. This is my first time here. Sinabi lang sa 'kin ni Ate Caroline na staff sa restaurant na maganda daw magsimba dito. I traveled one and a half hour just to get here. I believe na kapag first time mo sa isang church at nag wish ka, matutupad yung wish mo. Sa ngayon, isa lang naman ang winiwish ko.

Nagsimula na ang misa at natuwa ako dahil maganda nga mag-misa ang pari dito. Talaga namang hindi ka aantukin kapag nakinig ka sa kanya.

Pagkatapos ng misa, naglibot libot muna ako sa paligid ng simbahan. Marami kasing binebentang iba't ibang pagkain. 

Palabas na sana ako ng simbahan nang may makita akong familiar na mga mukha.

Lumapit ako at na confirm kong sila nga 'yon.

Lord, eto na po yung hiniling ko sa inyo! Napaka galing niyo talaga! Lord, please be with me.

Humugot ako ng malalim ng hininga at dumeretso na sa kanila.

"San ba kasi tayo kakain?" 

"Sabi kasi sa inyo sa Mang Inasal na lang tayo eh."

Nang napatingin sila sa 'kin bigla silang napatigil.

"Anna....Angelique..."

Napatingin din sa 'kin yung iba nilang mga kasama. 

"Ah oo sige tara Mang Inasal na lang." Biglang sinabi ni Angelique at tinalikuran ako at naglakad palayo. Sinundan naman siya ng iba pa nilang mga kasama habang si Anna ay naiwan. Sandali niya akong tinignan  pero tumalikod na rin siya.

Pero bago pa siya makapaglakad palayo, hinawan ko siya sa braso para pigilan.

"Anna, please."

Tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at tumingin sa 'kin. Agad ko namang binitawan ang braso niya.

Tatalikod sana siya ulit nang magsalita ulit ako, "Anna nagmamakaawa ako. Please, kahit sandali lang."

"Bakit pa Nika?" Biglang pumatak ang luha ko na agad ko namang pinunasan.

"I'll expleain everything, I promise."

Pumunta kami sa isang pinakamalapit na fast food chain at doon nag-usap.

Kinwento ko lahat sa kanya simula nung tinawagan ako ni lolo Allen na gusto niya 'kong maka-usap hanggang sa pag-stay ko sa America ng five years.

"Five years Nika. Five years kaming namuhay nang wala ka. Five years simula nang iwan mo kami nang wala manlang pasabi. Akala namin okay lang ang lahat. Akala namin tinamad ka lang pumasok. Akala namin umalis ka lang. Akala namin may pinuntahan ka lang. Yung one week na hindi ka namin  nakikita mangiyak ngiyak na kami kasi tangina Nika hindi na namin alam kung saan ka namin hahanapin. Pati si tita sinubukan naming tawagan pero wala kaming napala. Hanggang sa naka-usap namin si Christian. Nakipag break ka na daw. And ofcourse nagulat kami. Paano nangyaring ganon ganon mo na lang iiwan yung taong mahal mo? We felt like we are a fucking trash! Ganon kadali mo na lang kaming iniwan! We tried to search for you. Tangina Nika we were worried big time. Hindi namin alam kung na rape ka na ba o ano. Hanggang sa dumaan ang mga buwan at nasanay na lang kaming wala ka. Dumaan ang taon na wala ka na sa araw araw naming pamumuhay. Hindi mo alam kung ilang beses kami umiyak ni Angelique. Hindi mo alam kung gaano kami napagod kakahanap sa 'yo. Hindi mo alam kung g aano kami nasaktan. Nika, bestfriend ka namin. Pero hindi namin inakala na ganon kadali lang pala kaming iwan ng bestfriend namin."

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon