Chapter 12 - Foundation Week

134 10 2
                                    

NIKA'S POV

Naging mabilis ang mga araw para sa 'min lalo na sa 'kin. Halos araw-araw kasi kaming late na nakaka-uwi dahil pinaghahandaan namin yung wedding booth. Actually, malapit na namin matapos. Dinadagdagan na lang ng designs.

At naghahanda na rin ako para sa pagsali sa Mr. And Ms. St. Clare. Oo, pumayag na 'ko. Kahit ayaw ko, wala na 'kong nagawa. Naalala ko pa ang dahilan kung bakit ako napa-payag. 

Gabi na no'n. Nasa apartment kami ni Christian. Paano siya napunta sa apartment namin? Si mama ang may pakana. Gagabihin daw kasi siya ng uwi kaya kailangan ko ng kasama sa apartment namin. At sinabihan ni mama si Christian na samahan ako. At no choice na din ako. Alanganang itaboy ko? Ang sama ko naman kung ganun.

"Hay gusto ko ng donut!" Bulong ko na may kasamang buntong hininga habang nanonood kami ni Christian dito sa sala.

"Anong gagawin mo sa donut?"

"Malamang kakainin." Pagsusungit ko. Ang talino niya kasi magtanong eh. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nag crave sa donut.

"Fudgee bar gusto mo? Carbs din naman 'yon."

"Ayaw ko. Gusto ko donut." Do I sound like a kid asking for a candy? Oh, I don't care.

"Anong donut? Gabi na kaya."

"Eeeeeh nagke-crave talaga ako sa donut eh!----Aaaah! Yung Jco Donuts!" Sigaw ko nang maalala ko kung gaano kasarap ang Jco Donuts. (A/N: I'm not promoting Jco Donuts. Talagang masarap lang talaga sya haha xx)

"Jco Donuts? Sa SM pa yun eh!" Ofcourse! Duh as if meron nun sa tabi-tabi di ba? Ghad!

"Eh nagka-crave nga ko eh!" Pagmamaktol ko.

"Gusto mo ng Jco Donuts?" Paulit ulit? -_-

"Oonga! Haynako."

"Sige. Pupunta ako sa SM para lang bumili ng Jco Donuts mo----pero sa isang kondisyon!" Anything! Just for my Jco Donuts!

"Sige! Kahit ano! Ibili mo lang ako!"

Ngumiti-ngiti pa siya na parang nag-iisip isip tsaka sumagot.

"Pumayag ka munang sumali tayo sa Mr. And Ms. St. Clare."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pero nanaig parin ang sinisigaw ng tiyan ko.

"Oo na!" Sagot ko.

"Gumawa pa siya ng contract na nagsasabing pumayag na 'ko na sumali sa Mr. And Ms. St. Clare. At kapag hindi ako tumupad, magpu-push up ako ng 50 times. Nilagay niya rin doon na kapag nanalo kami, bibilhan niya 'ko ng two dozens of Jco Donuts.

At ganon nga ang nangyari. Pumunta siya sa SM para bumili ng donuts. After 30 minutes of waiting, umuwi siyang may dalang 1 dozen ng Jco Donuts. Kulang na lang kumislap ang mga mata ko pagka-kita ko sa box ng Jco Donuts. At buong gabi yun lang ang kinain ko. Buti na lang at nandyan si Christian para bilhan ako.  To think na sariling pera niya ang ginamit niya pambili. At doon na rin natulog sa sala si Christian habang ako naman ay nasa room. 11pm na rin kasi nang dumating si mama.

"Nika! Dalian mo!" Sigaw sa 'kin ni ma'am Rita.

Dala-dala ko ang basket of fruits para sa offering.

Pagkatapos ng mass, tinapos na namin ang wedding booth. Halos lahat ng ibang levels tapos na sa kani-kanilang booth.

Pagkatapos ay nag practice naman kami para sa Mr. And Ms. St. Clar. Kahit papaano maayos na ang paglakad ko habang suot ang 3-inches na heels. Noong una pa nga ay gusto ko na mag-quit at gawin na lang ang 50 push ups dahil hirap na hirap ako sa paglalakad. Halos nasasapak at natatapak-tapakan ko na nga si Christian habang inaalalayan niya ko sa paglalakad habang suot yung heels. Eh sana kung isang beses lang ako magsusuot ng ganito kataas na heels! 

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon