Chapter 5 - New Guy

220 11 3
                                    

Nika's POV

Nandito ako ngayon sa mall para mag grocery. Inutusan kasi ako ni mommy na mag grocery e. Mga isang plastic lang siguro yung bibilhin ko kaya, kaya ko naman dalhin. Mga toiletries lang yung pinabili sakin. Mga soap, shampoo, toothpaste etc. Hindi kasi makalabas si mama ngayon dahil busy sya sa work. Kaya ako na nag prisinta na mag grocery. Time alone na din.

Pag katapos ko mag grocery dumeretso na ko sa Starbucks. Nauuhaw na din kasi ako. Syempre humingi ako ng extrang pera kay mommy. Para may pang merienda ako. Kaya gusto ko rin naggo-grocery eh. Nakalibre ako ng merienda. Haha. Hindi na ko tumambay sa Starbucks kasi gusto ko na rin makauwi kasi pagabi na rin.

Ako na rin siguro mag luluto ng ulam mamayang dinner. Medyo gabi na din kasi makakauwi si mama. So gusto ko pag uwi ni mama magdidinner na lang sya then pwede na syang magpahinga. Magpapakasweet muna ako ngayon. Hahajoke! Pero seryoso, nakaka-awa na din si mama minsan. Yung uuwi sya na pagod tapos magluluto pa sya ng dinner. Kaya minsan naguuwi na lang sya ng cooked dinner. Gusto ko syang i-surprise ngayon tapos--

"Aw shit" Di natuloy ako pag iisip ko ng may makbangga sakin.

"Yung starbucks ko! Ughh" Pano kasi nahulog nung nabangga nya ko -,-

"Owshit! I'm sorry miss" Tapos kinuha nya yung panyo sa panyo nya tapos pinunasan nya yung natapunan sa damit ko. 

Bigla naman ako napatingin sa mukha nya. Ang puti nya, tapos ang tangos ng ilong nya lalo na yung mata nya kitang kita mo yung pagka color brown.

"Ah miss"

"Ah?Ha?Eh?"

"Haha you're cute" CUTE? AKO BA? MAY IBA PA BA SYANG KAUSAP? 

Napatingin ako sa likod ko para tingnan kung may kausap syang iba. Pero WALA! At bumalik ang tingin ko sa kanya.

"Yes. It's you."

"Huh?" Omg!!!

"I said you're cute" Foreigner ba to? Hindi yata to nagtatagalog. Mukhang mapapasubok ako dito ah -,-

"Ha? Ah eh thanks"

"Haha. Uhm I'm sorry by the way"

"It's okay."

Paalis na sana ko dahil gusto ko ng umuwi! Badtrip!

"Wait!" Sabay pigil nya sa kamay ko.

"My mom said that I should not talk to strangers" 

Bigla naman syang ngumiti ng nakakaloko. I'm serious! Ughh

"I'm Renz." Sabay lahad nya ng kamay nya.

Tiningnan ko muna yung kamay at mga ilang segundo, tinanggap ko na rin.

"Nika"

Binawi ko na rin agad yung kamay ko. Baka hindi ako makapag pigil at hindi ko na bitawan yung kamay nya e. Ang lambot kase! Parang mas malambot pa yata kamay nya sakin e! Nakakahiya -,-

"And now, I'm no longer a stranger. Uhm. Papalitan ko na lang yung coffee mo" Sabay ngiti nya. Nagtatagalog naman pala e! May accent lang. Oo nga pala! Starbucks pa naman yun!

"Ah no okay lang." Kahit sa loob ko, hindi :3

"No! C'mon! Don't be shy" sabay hila nyasa kamay ko. Saan ako dadalhin neto? Hindi na ko nakapalag dahil sobrang higpit ng hawak nya sa kamay ko. Hindi na rin ako naka ayaw.

"Let's go" Sabay hila nya sakin papasok ng Starbucks. Disidido talaga syang bumawi.

"Umupo ka muna." At dumeretso na sya sa counter. At umupo na ko. Napatingin naman ako sa wrist watch ko 4:30pm. Okay pa to. Wag lang ako abutin ng 6.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon