NIKA'S POV
Gumising ako ng maaga para mag prepare sa school.
Kahit na hindi ako makatulog ng maayos dahil sa pagbabasa ng kung ano anong stories.
Ngayong araw na kami magkikita ni Denver a.k.a Mr. Umbrella.
Kung tatawagin niya 'kong Ms. Rain, Mr Umbrella naman ang itatawag ko sa kanya.
Nakalipas ang isang araw na hindi kami nagkausap ni Christian.
After ng incident na 'yon, nag antay ako ng call o message na galing sa kanya pero wala akong na receive.
Kumalat din sa facebook ang picture niya kasama yung mga babae. Yung iba naka-yakap sa kanya, yung iba matino pero karamihan ay yung naka akbay siya sa mga babae. Meron pa ngang isang magka holding hands silang dalawa pero halata namang pinilit lang nung babae na pagdikitin yung kamay nila. Ganoon ba sila kadesperado?
Maaga akong umalis sa bahay. 6:30 pa lang nasa school na 'ko. Dahil alam kong tuwing 7:45 dumadating sa bahay si Christian para sunduin ako kaya inunahan ko na siya. Ayoko muna siyang makita. Gusto kong simulan ng maayos ang araw na 'to.
Naka-tambay lang ako dito sa bleachers nang biglang may nagtakip ng mga mata ko.
Halatang pang-lalaki yung kamay dahil magaspang ito.
Alam kong hindi 'to kamay ni Christian dahil pasmado 'yon.
"Sino 'to?"
"Guess who." Boses niya pa lang, kilala ko na. Na-miss ko siya!!!
"Renz."
Tinanggal niya na yung kamay niya sa mata ko at hinarap ako.
Agad ko siyang niyakap.
"Hindi naman halatang na-miss mo ko no?" Pang-aasar niya.
"Siguro hindi mo ko na-miss no? Kainis ka!" Sabi ko sabay pabirong hinampas siya.
"Syempre na-miss kita no! Kasama ko nga sila Angelique and Anna last time. Pero they said na you were with Christian." Nakakatuwa na kahit papaano medyo deretso na talaga siya magtagalog.
Nakalimutan kong i-kwento na kaya matagal na nawala si Renz ay dahil kinailangan siya sa Canada. Nagka-sakit daw kasi ang lola niya at siya ang hinahanap nito dahil paborito siyang apo kaya naman wala siyang nagawa at agad lumipad papuntang Canada.
Nagkwentuhan lang kaming dalawa tungkol sa pag-stay niya sa Canada.
"I'm really happy that my granny really looked for me. She even exclaimed when she saw me."
"Ayaw pa nga niya 'ko pauwiin. I told her that I still have many things to do here. But I made sure naman na before I left her, better na yung pakiramdam niya."
Nang marinig namin ang bell dumeretso na kami para sa flag ceremony.
Marami ding natuwa dahil sa pagbabalik ni Renz.
At talaga namang hindi siya nakalimot sa mga pasalubong dahil lahat ng classmates namin ay binigyan niya ng pasalubong.
Noong Saturday pa pala siya naka-uwi. Sinundo siya nila Anna and Angelique. Hindi na daw nila 'ko sinama dahil may lakad daw ako noon kasama ni Christian. Hays, kung alam lang nila kung anong nangyari sa 'lakad' naming dalawa.
Pagka-akyat ng classroom, wala pa rin yung katabi ko.
Hindi siguro 'yon papasok. Ano kayang nangyari doon?
Hays, nevermind. Nakalimutan niya nga 'ko tapos nagagawa ko parin siyang isipin ngayon.
Hindi nga 'ko naka-tulog ng maayos dahil kaka-isip kung anong nangyari after siya dumugin ng mga babae.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight
RomansaNika is just an ordinary teen until one day her grandfather decided to arrange her to a marriage with someone she doesn't know. As time goes by she fell inlove with him but there is one problem that made her leave the guy even though she loves him s...