Chapter 48 - Thank You

33 5 0
                                    

NIKA'S POV

Sumunod ako kay Christian habang nagmamadaling sumakay ng kotse.

"It's okay Nika if you don't---"

"No, it's okay. Sasama ako."

Kitang kita ko ang mga patak ng pawis sa noo ni Christian habang nagmamadaling mag drive. Halatang kinakabahan at nag-aalala siya. Nakaramdam ako ng konting kirot sa bandang kaliwang dibdib ko. Ang isipin kung gaano nag-aalala si Christian kay Selena ay parang nagpaparamdam sa 'kin ng konting sakit.

Pero hindi na mahalaga 'yun. Ang mahalaga ngayon ay ang mapuntahan namin si Selena at malaman kung maayos ba ang lagay niya.

Tinext ko na rin si Sir Agustin at sinabing hindi ako makakapasok dahil may emergency. Agad naman siyang nag reply at sinabing okay lang he even told me na sabihin ko daw sa kanya if okay lang ako.

Pagkarating namin sa parking lot ng ospital, agad na tumakbo si Christian kahit hindi pa ako nakakababa.

"Nika, paki lock na lang please. I'll wait for you inside." Sabi nito at agad na tumakbo papasok ng ospital. Ganun ba siya ka-grabe mag-alala kay Selena na kailangan niya pang tumakbo at iwan akong mag-isa dito? Bakit kanina napaka gentleman niya? Bakit ngayon pag dating kay Selena, iniiwan niya na lang ako?

Habang naglalakad papasok, hindi ko namalayang may iilang luha na palang tumulo sa pisngi ko na agad ko ring pinunasan.

"Nika!"

Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni Christian sa balikat ko.

"Why are you---"

"Uhh si Selena kamusta? Nasaan siya?"

"Ah eh nandoon siya tara!" 

Naglakad na kami patungo sa room na tinuro niya.

Pagpasok namin ay nakita ko agad si Selena na nasa higaan at walang malay. 

"Tita." Nakipag beso si Christian sa isang babaeng mukhang nasa late 50s na naka upo sa upuan katabi ng kama ni Selena.

"Si Nika nga po pala, girlfriend ko."

"Goodafternoon po."

Ngumiti lang siya sa 'kin at ngitinitian ko rin siya.

"Uhh Christian, pwede ba tayo mag usap saglit?"

"Sige po."

Tumayo yung babae at dumeretso sa labas.

"Nika, sandali lang."

Tumango ako at sumuod na siya doon sa babae.

Tinitigan ko si Selena. Halatang halata ang pamumutla niya. Mukhang ilang buwan na siyang nandito sa ospital. Hindi ko mapigilang hindi maawa sa kanya. Kitang kita sa kanya na pagod na pagod na siya. Kung hindi ba 'ko nagbalik ay magkakatuluyan sila ni Christian? Siguro kung hindi ako nagbalik ay masaya silang nagsasama ngayon. Siguro tuluyan ng mawawala ang nararamdaman sa 'kin ni Christian. Siguro kung hindi ako nagbalik hindi makakahanap ng reason si Christian para makipag break kay Selena. At siguro ay wala dito si Selena.

Why do I feel like this is all my fault?

"Selena?" Nagulat ako nang bigla siyang dumilat.

Tinitigan niya 'ko sandali at nagtanong.

"Where's my mom?"

"Nasa labas siya. Kausap si Christian. Gusto mo bang tawagin ko?"

"Oh. No no. It's okay."

Tumango ako at medyo na-awkwardan.

"Uhh, Nika."

"Yes?" Nginitian ko siya at gumanti rin siya ng ngiti. Yung ngiti na nakakatagos sa puso.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon