Chapter 23 - Mr. Umbrella

65 5 2
                                    

NIKA'S POV

After ng game nila Christian, inantay ko siya sandali para magpalit ng damit. Magce-celebrate daw kami dahil nanalo sila. Syempre kasama ang buong team nila.

Sila Angelique at Anna naman ngiting ngiti dahil nakita daw nilang nagtopless sila 'Liam' at 'Denver'. Jusko kahit natalo yung team nila okay lang sa dalawa dahil nakita naman daw silang naka topless. Baliw talaga 'yong mga yun!

"Saan punta niyo?" Tanong ni Angelique habang ngiting ngiti pa rin.

"Hindi ko alam eh. Magcecelebrate daw."

"Uy!" Nagulat ako nang biglang sumingit sa likod ko si Christian.

Nakipag apir siya kila Angelique and Anna.

Ang sarap sa feeling na close sila sa isa't isa. Yung tipong may tiwala yung dalawang bestfriend ko sa magiging boyfriend ko.... kung magiging boyfriend ko man siya. Kung sasagutin ko man siya.... kung kaya niya parin ako suyuin... kung tatagal siya hanggang sa sagutin ko siya.

Napagdesisyunan nilang sa malapit na ice cream parlor na lang kami kumain.

Saktong sakto dahil mainit.

"Baby palagay naman sa likod ko 'to." Sabi niya sabay bigay niya sa 'kin ng face towel na sinabayan naman ng hiyawan ng mga ka-team mate niya.

Minasamaan ko siya ng tingin pero isang ngisi lang ang binigay niya sa 'kin. Napaka pilyo talaga ng lalaking 'to!

Hindi naman ako pwedeng magalit na lang basta basta sa kanya o kaya pigilan siya. Dahil ang alam parin ng mga tao sa paligid namin ay totoong kami. Ang alam nila ay totoong mag girlfriend and boyfriend kami. Pero syempre except kila Angelique and Anna. Syempre bestfriend ko sila kaya hindi ko kayang magtago ng sikreto sa kanila.

Pagkatapos namin kumain ng ice cream, nagsi-uwian na sila. Pati sila Angelique and Anna dahil hinahanap na daw sila sa kanila.

Ang bilis ng oras, 5pm na agad.

Ngayon kaming dalawa na lang ni Christian ang magkasama.

"Hindi ka pa ba uuwi? Pagod ka diba?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa park.

"Okay lang ako basta ikaw kasama ko."

Hindi ko naman napigilang hindi ngumiti. Myghad kinikilig ako!

Pagkadating namin sa park biglang may mga lumapit na babae sa amin. Mga nasa 10-15 yata sila.

"Kuya! Kuya! Pa-picture naman kami!" Sigaw nila. At isa isa na silang nagpa picture.

Yung iba naman halos natulak na 'ko nang hindi nila napapansin siguro dahil dala ng pagka kilig nila.

Halos madapa na 'ko ng matulak ako ng isang babae.

At yung isa pang babae natapakan pa yung paa ko.

Nakaka inis na sila ah!!!!

Ang hirap naman nito! Feeling ko na-iichapwera ako.

Yung iba sa kanila medyo familiar sa 'kin dahil sila yung mga maiingay na nagchi-cheer kanina sa laro nila.

Pero medyo nakaka-inis dahil sobra sila kung maka dikit kay Christian!

Kung makapulupot ng kamay nila kay Christian akala mo mawawala si Christian eh.

Yung iba pa pinilit na ilagay yung kamay ni Christian sa balikat nila. Si Christian naman napapatawa na lang at ngumingisi habang naka akbay sa kung sino sinong babae!

So ganto pala siya? Kapag marami ng babae ang lumapit sa kanya, nakakalimutan na niyang nandito ako.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ng isang babae.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon