Chapter 9 - "I'm sorry."

167 10 0
                                    

A/N: Continuation of chapter 8 :)

NIKA'S POV

"Ikaw? Magseselos? Wag mo nga kong lokohin Christian!"

"Ano? Hindi kita niloloko!"

"Nagseselos ka? Pero may kalandian kang iba? Ha? Sinong niloko mo?"

"Kalandian?"

"Oh anong tawag mo dun sa palagi kayong magkasama ng babae mo ha? Ang lakas ng loob mong sabihan ako ng malandi! dahil may boyfriend ako tapos sasama ako sa iba. Eh ikaw nga 'tong lumalandi sa iba!" Totoo naman di ba? Now, I think he really deserve a slap. Oh, na advance ko na pala.

"Akala mo ba hindi ko kaya nakita kaninang umaga? Ha?" What? Bakit ako? Anong kaninang umaga?

"Anong kaninang umaga?"

"Nakita kong niyakap mo yung amboy na yun!" Medyo napalakas pa yung boses niya. Wow siya pa may ganang mag taas ng boses.

"Oh ano naman ngayon? Ikaw ang unang nakipag landian diyan! Pagkatapos mo 'kong talikuran kahapon! I was about to say sorry dahil sa sampal ko sa 'yo. Pero nung nakita kong nakikipag landian ka habang may 'girlfriend' ka, I figured out that you deserve to be slapped. And now you're asking me na layuan ko si Renz? You're so selfish Christian! Habang nakikipag landian ka, gusto mong lumayo ako sa kaibigan ko? Kaibigan kong nandyan sa 'kin. Wow just wow. I can't believe you."

Tumalikod na 'ko at naglakad palayo.

Pero hindi ko inaasahan nang biglang may tumulong luha. At nasundan pa ng ilang. This is so wrong! Why am I crying? Because of him? No! He's not worth it!

At bakit?

Bakit ganito ang epekto niya sa 'kin?

Bakit nasasaktan ako?

Oo nga pala! Nagpapanggap nga lang pala kami! Bakit nga ba sineseryoso ko 'to? Eh lahat ng 'to hindi totoo! Lahat ng 'to wala lang! Ang tanga tanga mo Nika! Ughhh!

Agad kong pinunasan ang mga luha ko habang tumatakbo palayo at sumakay ng tricycle.

Pati si manong tricycle driver parang naguguluhan dahil sa panigurado mugto ang mga mata ko at namumula ang ilong ko. Haynako!

Pagkarating ko sa bahay, hirap na hirap pa ko sa pag susi ng pinto dahil sa panginginig ng kamay ko. Hindi ko parin mapigilan ang pag hikbi.

Dumeretso ako sa kwarto ko. Kung saan ko na lang nilapag yung bag ko at nag dive ako papunta sa kama ko nang hindi pa nagpapalit ng damit.

Tsaka naman tuluyang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Bwisit ka Christian! Pasakit ka talaga sa buhay ko! Ughhh!"

"Sana hindi na lang ako lumipat dito sa Manila! Mas tahimik pa ang buhay ko sa Nueva Ecija e!"

"Ugghhh! Bwisit! Bwisit talaga!"

Para akong tanga na nagwawala dito sa kwarto. Kung kaya ko lang, baka na itaob ko na 'tong kama ko!

 *Kinabukasan*

Para akong lantang gulay bumangon. Tss buti na lang at Friday ngayon! Walang pasok bukas! Haayy kung pwede lang wag na pumasok ngayon e. Kaso Friday ngayon at 'Quiz Day' din. At mukhang wala akong maisasagot sa quiz dahil hindi naman ako nagbalak buksan ang notebook para magbasa ng notes ko. Wala ako sa mood ngayon. Wag niyo na tanungin kung bakit. tss.

Tamad akong pumasok ng cr para maligo . Nagbihis then bumaba na para magbreakfast.

Ang tahimik yata. Asan si mommy?

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon