Chapter 7 - Cold

174 10 3
                                    

A/N: Short update guys! :)

Nika's POV

3 days na ang nakakalipas since nung nagkasagutan kami ni Christian. 3 days na din kaming hindi masyadong nagpapansinan. I mean, nagpapansinan kapag kailangan lang. Yung hatid-sundo ganun parin. Pero kakausapin niya lang ako kapag uuwi na kami. Pag sinusundo niya ako, kung dati nag aantay siya mismo sa labas ng bahay namin tapos pag bubuksan niya 'ko ng pintuan ng sasakyan. Ngayon, nasa loob lang siya ng sasakyan at aantayin niya na lang ako pumasok. Kadalasan din naka headset lang siya. Sa 3 days na yan, hindi rin kami sabay na nagla-lunch. Oo naninibago ako. Sobra. Nagi-guilty nga ako sa mga sinabi ko sa kanya noon lalo na yung pag sampal ko sa kanya. Alam kong sobrang nagulat siya doon. Kasi feeling ko ang lakas ng pagkakasampal ko sa kanya. Sa totoo lang, first time ko lang din maka sampal. Kaya sobra talagang nagi-guilty ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Kanina ka pa tulala diyan ah." Sabi ni Angelique.

"Ano bang dapat kong gawin?" Wala sa sarili kong tanong.

"Nagtatanga-tangahan ka ba o sadyang tanga ka na talaga?" 

"Ano ba Anna! Seryoso ako!"

"Seryoso din ako. Kapag nakasakit ka, anong gagawin mo?"

"Mag sosorry."

"Ayun!" Sabay nilang sabi.

"Hindi ko kaya."

"ANO?" Duet ba sila? -,-

"I mean, oo nasaktan ko siya. Pero siya din naman e."

"Nasaktan mo yung tao. Sinampal mo siya baka nakakalimutan mo."

"Oo nga naman. Kahit ako pag sinampal ako, sobrang magagalit din ako. Buti nga naalala niyang babae ka at hindi ka ginantihan." Pag sang ayon ni Angelique.

"Siguro, mag so-sorry ako. Pero hindi muna ngayon."

"Aba kelan? Pag pasko na? Next year?" -Anna

"Wag mo ng patagalin. Ikaw din ang mahihirapan." -Angelique

"Oo promise hindi ko na patatagalin. Pero hindi na muna siguro ngayon."

Nang marinig naming mag ring yung bell, umakyat na kami sa classroom.

Oo nga pala, 3 araw na din na hindi sakin tumatabi sakin. Si Renz ang lagi kong kasama pero syempre kasama ko sila Anna and Angelique. Bali ang katabi ko ngayon ay si Angelique sa left tapos si Renz sa right. Absent nga pala yun ngayon. May family reunion daw kasi sila. 

Medyo naging boring ang mga raw ko dahil nga hindi kami nagpapansinan ni Christian. Medyo nakakapanibago ay I mean sobrang nakakapanibago. Ibang iba. Oo andyan si Renz. Kinukulit niya din ako. Pero iba parin yung presence ni Christian. Minsan kapag nagkukwentuhan o kaya nagkukulitan kami ni Renz nakikita ko si Christian na napapatingin samin. Minsan kapag nagkakatinginan kami, parang wala lang. Parang ang cold lang ng expression niya. Parang wala lang sa kanya kahit na hindi kami nagpapansinan. Parang wala naman siyang pakeelam. Oo aaminin ko, namimiss ko yung presence niya. Namimiss ko yung kakulitan niya habang sabay kami na umuuwi. Pati yung minsan pag nagsusungit siya. Minsan nga din napapaisip ako kung siya rin din ba namimiss ako? Siya rin din ba iniisip na sana okay na lang kami? May part sakin na nagsisisi sa mga nasabi ko sa kanya. Pero atleast naman diba nasabi ko na rin yung mga iniisip ko, yung mga nararamdaman ko.

Naging mabilis ang takbo ng oras para sa 'kin. Aaminin ko rin, these past few days hindi ako makapag focus. Kahit na pilitin ko, mahirap talaga.

"Uy Nika! Tara na! Di ka pa uuwi?" Tanong ni Anna. Nasa pintuan na kasi sila Angelique palabas.

"Uhh hindi na sige mauna na kayo. May gagawin pa ko."

"Ah uh o sige." Sagot niya na parang nag aalinlangan.

Nagsilabasan na lahat ng mga kaklase ko at ako na lang yung nandito. 4pm pa lang naman. Mga past 5 na siguro ako uuwi. Pumwesto lang ako dun may bintana. Kailangan ko ng air. Gusto ko rin makapag isip isip.

Sino naman iisipin ko? Si Christian nanaman? Lagi naman siya e! Lagi na lang! Kahit sa pagtulog ko siya iniisip ko! Hanggang sa pag gising ko, siya parin! Ayaw ako tigilan nito. Hindi ko na alam! Feeling ko ramdam ko parin yung pisngi niya dito sa palad ko. Feeling ko kanina lang nangyari yung sinampal ko siya. Sobrang nakokonsensya na ko! Bukas! Bukas mag so sorry na ko sa kanya. Hindi ko na yata kakayanin kapag hindi pa kami makapag usap.

Nagulat ako ng may narinig akong mga naglalakad sa hallway parang nagtatawanan. Sa ganitong oras kasi, iilan na lang yung mga nag papaiwan dito. Yung iba gumagawa ng projects.

Pumunta ako sa pintuan sa sumilip.

Pero hindi ko inaasahan yung nakita ko.

Kaya ba wala lang sa kanya na hindi kami nagpapansinan kasi may iba siyang pinapansin? Ang kapal naman ng mukha niyang sabihan ako ng malandi dahil 'daw' sa pagsama ko sa ibang lalaki. Eh ano to? Ano tong nakikita ko? Eh siya nga tong nakikipag landian diyan e! Yung babae yata yan yung taga kabilang section. May nalalaman pang pahampas hampas kay Christian. Tapos gustong gusto naman niya! Nagpapalandi naman siya. 

Padabog akong lumabas at sinara yung pintuan. Sa pag sara ng pintuan medyo napalakas ito kaya naman napatingin sila sakin. Halata sa mukha nung babae yung gulat. Oh ano? Hindi niya ba inasahan na makikita ko sila dito na naglalandian? Aba may hiya pa pala siya? Kasi kung may hiya siya, hindi siya sasama sa lalaki kung alam mong may girlfriend na! Bakit ba naman kasi ang daming malandi! At ito namang si Christian yung expression niya parang cold lang. Parang wala lang. So wala lang 'to? Wala lang tong nahuli ko siyang nakikipag landian sa iba? So pag siya ang lalandi, okay lang? Tapos kapag ako, magagalit siya?

Dahil sa gulat, hindi ko na napigilan at may lumabas na lang bigla sa bibig ko.

"Christian pwede ba tayong mag-usap?"

WTF did I just say? No! I shouldn't talk to him! Siya tong nakikipag landian e! Siya tong hindi kinoconsider na may girlfriend pa siya! Siya tong hindi nag iisip na may girlfriend siyang pwedeng magse-- no, no. Nevermind. I wasn't jealous.

"Uhm, Christian. Uuwi na ko ah." Yeah! You go to hell!

"No, no. Please wait for me. May usapan tayo diba? Sandali lang 'to." What? Anong usapan yun? Ano? Napili niya na ba yang babaeng yan? Makikipag break na ba siya? O itatago lang nila? Ano mag ta timing ba tong malanding lalaking to?

"Okay. Antayin kita sa baba." At bumaba na siya sa stairs. Hello! Girlfriend here!

"Ano bang pag uusapan natin?" Ano? Pag ibang babae kausap niya, malambing siya tapos pag ako galit siya? Leche naman oh!

"Ah uh uh uhmm..." Ano? Ano nga palang sasabihin ko?

"May sasabihin ka ba?"

"Ano kase...."

"You know what, ipagpabukas mo na lang if ever may sasabihin ka talaga. May iba pa kasi akong gagawin." Tapos tumalikod na siya at naglaho na. Sana maglaho na talaga siya! Sana wag na talaga siyang bumalik!

Nakaka asar talaga! Ughhhh! At ano yung gagawin niya? Ano yung gagawin nilang dalawa? Ano maglalandian ulit sila? Aba ang kapal talaga! Siya nga tong nakaka limot na may girlfriend siya e! Tapos ako yung sinisigaw sigawan niya diyan nung nakaraan! Ang kapal talaga ng mukha niya! Ako na nga tong hindi magkanda ugaga kung mag so sorry ba ko sa kanya tapos siya naman nakikipag landian sa iba. Parang wala lang sa kanya yung pag aaway namin nung nakaraan.

Nakaka irita na! Sa sobrang cold niya, ang sarap niya buhusan ng kumukulong tubig! Ughhh!

--

End Of Chapter 7! :)

A/N: Like what I said, short update lang. Guys ha, kapag naka 20+ reads yung latest update ko, tsaka ako nag uupdate ulit. Yun lang! Sana i-check niyo din yung ibang stories ko sa work ko. Thanks! :)

FOLLOW ME ON TWITTER: @HeeeeyAngelique

-FrvrDreamerG


Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon