Chapter 46 - Daddy

42 4 0
                                    

NIKA'S POV

Pagkagising ko, nag ayos na agad ako para bumalik ng Manila. May gulo pa 'kong haharapin doon.

Nagdrive na 'ko deretso sa Manila nang kinakabahan. Para bang may mangyayari ngayong araw na hindi ko magugustuhan.

Hindi ko na kasi ma-contact si mommy kagabi pagkatapos niyang sabihin na nandoon daw ang "daddy" ko. I was confused dahil ang alam ko ay wala naman akong daddy. Earlier she called me again. She asked me if uuwi na daw ba 'ko. I asked her about the daddy thing that she told me yesterday pero ang sinabi niya ay umuwi na lang daw ako.

Habang palapit ng palapit ako sa bahay nakakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.

Nang marating ko ang tapat ng bahay namin, humugot ako nang malalim na hininga at bumaba ng kotse.

Palapit pa lang ako sa gate nang matanaw ko na si mommy na nag aantay sa 'kin sa gate habang nakangiti.

May naramdaman akong kakaiba dahil hindi naman ako ganitong inaabangan ni mommy.

Lumapit ako sa kanya. Yumakap at humalik sa pisngi.

"Hi anak."

Ngumit ako sa kanya at nagtanong, "Ma ano po 'yung sinasabi mo kagabi?"

Kinuha ni mommy ang magkabilang palad ko at hinawakan habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

"I know you're not yet ready for this, anak. But I think today it's the right time. I promise, maiintindihan ko kung ano man ang mararamdaman mo. I just want you to feel that you're not alone dahil marami kaming nagmamahal sa 'yo."

Hinatak ako ni mommy papasok nang bahay. Nagulat ako nang may makita akong lalaking nakaupo na sofa namin. 

"Nika, meet your daddy."

Halos hindi ako makahinga. Hindi ako makapaniwala.

Tumayo ang lalaking kaninang naka upo sa sofa namin at tumingin sa 'kin.

Siya ba ang tatay ko?

Ang walang hiya kong tatay?

Lumapit siya sa 'kin at biglang yumakap.

"Nika.....anak..."

Biglang tumulo ang mga luha ko. 

Gusto ko siyang itulak at sigawan. Gusto kong isumbat sa kanya ang 19 years kong pamumuhay nang wala siya. Gusto ko siya itulak palayo samin. Pero hindi ako makagalaw. Ayaw sumunod ng katawan ko sa sinisigaw ng isip ko. 

Kumirot ang puso ko nang magsalita siyang muli.

"Sorry, anak..... I'm so sorry...."

"Pinagsisisihan ko na ang lahat. I'm so sorry.... sana mapatawad mo ako."

Humugot ako ng lakas at bumitiw sa pagkakayakap niya.

"Anak? Ako anak mo? Excuse me? Nagkakamali ka yata nang pinasukang bahay."

Tatalikod na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Nika, anak. I'm so sorry."

"Wow sorry? Excuse me sir? Sorry for what?"

Naramdaman kong biglang napahawak sa balikat ko si mommy.

"Sorry dahil pinagtaguan ko kayo ng mama mo. I was too afraid that time. Hindi ko inakalang mabubuntis ko ang mama mo. Bata pa lang kami noon. Natakot ako dahil wala pa 'kong maipagmamalaki. Natakot ako sa lolo mo dahil lagi niya akong pinagmamalaki noon at siguradong magagalit siya sa 'kin. Hindi ko alam ang gagawin ko noon kaya lumayo ako. I'm sorry anak....."

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon