Chapter 45 - Truth

45 3 0
                                    

NIKA'S POV

Dumeretso akong pumasok sa room ko at sinarado ang pinto.

Pinabayaan 'kong tumulo ang luha ko. Sana huli na 'to. Sana ito na 'yung huling beses na iiyak ako ng dahil sa kanya. Nakakapagod din palang umiyak. Ang umiyak ng paulit ulit nang dahil sa iisang tao.

*tok *tok

Agad kong pinunasan ang luha ko. Baka room service 'yon. Nakakahiya naman kung makikita niyang umiiyak ako baka kung ano pa isipin niya.

Pag bukas ko ng pinto, nagulat ako dahil hindi pala room service ang kumatok.

Isasara ko na sana 'yung pinto nang pigilan niya ako.

"Nika please.... let's talk."

"Ano pa ba Christian? Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat na nakikita mo na 'kong nasasaktan ngayon?"

"TANGINA NAMAN!" Napansin niyang napapikit ako sa gulat dahil sa biglang pagmumura niya.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mag mura. But please let me explain my side first? Let me tell you the real reason? Please, Nika." Hinawakan niya ang magkabila kong palad at hinaplos-haplos niya ito na para bang pinapakalma niya 'ko.

Tumango ako at nagsimula na siyang magsalita.

"Oo, I admit it. Noong pag uwi mo pinagplanuhan kong mag higanti sa 'yo. Dahil noong mga oras na 'yon galit na galit parin ako sa 'yo dahil sa ginawa mo sa 'kin five years ago. Lalo pa 'kong nagalit dahil hindi ka manlang lumapit sa 'kin para mag explain. Dumaan ang mga linggo at sinabi kong itutuloy ko na ang paghihiganti sa 'yo. I wanted you to fall so hard for me that you can't get up. I want you to be drown in love. Then I will leave you afterwards. Dahil ganoon din ang nangyari sa 'kin noon. Kung kelan inlove na inlove na 'ko sa 'yo tsaka mo naman ako biglang iniwan. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Sobra, Nika. Sobrang sakit. 'Yung feeling na para akong nasa gitna ng dagat at bigla na lang mabubutas 'yung salbabida ko. Kaya hirap na hirap ako. Hirap na hirap akong huminga. Hanggang sa na realize kong dapat ay hindi lang ako dumepende sa salbabidang 'yon. Hanggang sa may dumating na bago. Hindi man katulad ng naunang salbabida pero nagawa parin ako nitong isalba. Pero hirap parin ako dahil nasanay ako sa unang salbabida. Mas gusto ko 'yung nauna eh. At 'yun si Selena Nika. Nung iniwan mo 'ko dumating siya sa buhay ko. He helped me to get over you. Pero anong magagawa ko ayaw mag move on nitong puso ko. Ikaw at ikaw parin ang hinahanap nito. Until one day nag confess sa 'kin si Selena. She told me that she loves me. I decided to be honest and I told her that I'm still deeply inlove with you. Noong una natanggap niya kaso dumating yung time na nasasaktan ko na pala siya. After a year napansin kong lumayo siya sa 'kin. Naging pabor naman sa 'kin 'yun dahil kung patuloy siyang nasa tabi ko baka lalo ko lang siyang masaktan. After a year nagulat ako sa isang balita...." Napa-iling siya at napa punas sa luhang lumandas sa mata niya at nagpatuloy sa pagkwento.

"Her mom called me. Meron daw siyang cancer sa kidney because of too much alcohol. I blamed myself dahil noong mga panahong sumusobra siya sa alak ay yung mga panahong na brokenhearted siya nang dahil sa 'kin. Her mom talked to me. She begged to stay beside Selena. Sinabi niyang hindi parin daw nakakaget over sa 'kin si Selena. Stage 4 na 'yung cancer niya ng mga oras na 'yun. Her mom begged me to pretend that I love her daughter. May tanan na ang buhay ni Selena nang mga oras na 'yon. At dahil alam ko namang ako ang may kasalanan, niligawan ko si Selena. Nagpanggap akong mahal ko siya. Dahil gusto ko bago man siya magpaalam ay masaya siya. Na kahit papaano ay napasaya ko siya. Nagulat kami dahil hindi nagkatotoo ang sinabi nang doctor na 2-3 months na lang ang itatagal ni Selena dahil hanggang ngayon ay umabot siya nang 8 months. Pero noong nalaman ko ang dahilan kung bakit mo ko iniwan noon, hindi ko na itinuloy ang binabalak kong paghihiganti dahil nalaman kong katulad ko, nasaktan ka rin pala. At ang masakit mas mahirap ang dinanas mo. And that day I decided not to continue my revenge. Ang gusto ko na lang ay ang magkabalikan tayong dalawa. That's all Nika. Sana maintindihan mo kung bakit kahit na sinabi kong ikaw parin ang mahal ko ay kami parin ni Selena. I can't just leave her. It might kill her. Baka kapag nakipag break ako sa kanya ay bigla na lang siyang atakihin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.... Hindi ko na alam..." Tuluyang tumulo ang mga luha niya habang pinupunasan niya ito.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko. Hindi ko inakalang sa likod ng magandang mukha at katawan ni Selena ay may dinadanas siyang ganoong sakit. At hindi ko rin alam na may gantong kahirap na pinagdadaanan si Christian. Napakahirap sa part niya ang sisihin ang sarili niya nang dahil sa nangyari si Christian. 

Nakakatitig lang ako sa ceiling. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Should I let go of him? Kahit na masakit siguro ay kakayanin ko na lang dahil mas mahirap ang makitang mamatay ang isang tao.

"Anong plano mo?" I asked him.

"I don't know."

Napayuko siya at umiling iling.

"Pero isa lang ang alam ko....Nika, I don't want you to walk away from me again. Kung noon wala akong nagawa nang iwan mo ako, ngayon Nika ipaglalaban na kita. Nika, ayokong mawala ka nanaman sa 'kin. Ngayong bumalik ka, I don't want to let go of you again."

Tumulo ang luha ko at napayakap ako sa kanya.

"Hindi ko alam na may pinagdadaanan kang ganito pero sana maging matatag ka. Alam kong malaks ka Christian. Alam kong kakayanin mo lahat ng 'yan." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian siya.

"Sorry for everything, Nika. I promise I'll make it up to you."

"It's okay. I understand."

Ngumiti siya sa 'kin at nagsalita ako.

"Bumalik ka na kay Selena.... Baka hinahanap ka na niya."

"I'm sorry Nika-----"

"Yes, I know Christian. Naiintindihan ko naman 'yun. No matter what happen, no matter what your decision will be, I will be here for you."

Niyakap niya 'ko at bumulong.

"I love you, Nika."

Alam kong hindi tama.... hindi pa tama na sumagot sa kanya kaya nginitian ko na lang siya.

Inantay kong makalabas siya ng kwarto at sinara ko na ang pinto.

Hindi parin nag sisink in ang lahat ng sinabi sa 'kin ni Christian. Alam kong totoo ang lahat ng sinabi niya. I can see in his eyes that he's telling the truth.

Naaawa rin ako kay Selena. Hindi ko inakalang may malaki pala siyang pinagdadaanan.

Ang love story namin ni Christian ay isang napakalaking kaso ng wrong timing.

Noon una ay nang dahil sa away ng dalawang kumpanya. Ngayon naman ay dahil kay Selena. Feeling ko tuloy ayaw talaga kaming ipagkasundo ng pagkakataon. Para bang lagi na lang may sagabal. Ganoon ba kahirap samin ang matamo ang kasiyahan?

Bahala na. Kung ano man ang mangyari si Lord na ang bahala. Alam kong magiging okay din ang lahat.

Humiga na 'ko sa bed. 

Pipikit na sana ako nang marinig kong tumunong ang phone ko.

Inabot ko ito sa side table at nakitang si mommy ang tumatawag.

"Hello, ma?"

"Anak......"

"Po?"

"You have to go home as early as possible...."

"Po? Bakit ma?"

My heart skipped a beat nang marinig ko ang sinabi ni mommy. Para bang biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko.

"Your dad is here."

----

A/N: This is not edited so sorry for my typo/s and grammatical error/s. Btw, this story will end after a few chapters. Please continue supporting. Thank you so much! 


Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon