Chapter 43 - Girlfriend

29 4 0
                                    

NIKA'S POV


Kinabukasan ay hinatid niya 'ko pauwi sa bahay namin. I didn't offer him na pumasok sa bahay. I don't think it's the right time lalo na't hindi pa alam ni mommy na nagkita na kami ni Christian.

Umalis din agad siya at pumasok na 'ko sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa bahay bumungad agad sa 'kin si mommy na naka upo sa sofa.

"Ma," lumapit ako sa kanya at nag mano.

"Where have you been?"

"Ma... nag--"

"Don't you ever lie to me Nika. Totoo bang natulog ka sa condo ng isang lalaki?" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni mommy. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Opo ma. I---"

"My God Nika! Hindi kita pinalaking ganyan! Totoo bang galing ka sa club kagabi? Then you met a guy at dinala ka sa condo niya? Then what happened huh? I called you then you shut me off telling me you'll explain at home? Bakit Nika? Tell me!" Hingal na hingal si mommy at pilit hinahabol ang hininga.

Agad namang tumulo ang luha ko. Hindi ko inexpect na iisipin ni mommy na ganun akong babae.

"Ma, it's not what you think. I---"

"Then tell me Nika! Tell me!" Hindi ko alam kung saan niya ba nakuha 'yang kwento na 'yan. 

"Saan mo po ba nakuha lahat ng 'yan ma?"

"It's not important anymore. What's important here is your explanation." Damang dama ko yung galit sa bawat salitang binibitawan ni mommy. Para bang may nagawa akong kasalanan na kahit kailan ay hindi niya 'ko mapapatawad.

"Please calm down ma." Humugot ako ng hininga at nag explain.

"I went to a club ma but that was two days ago. My friends and I had reunion kaya po ako nasa club. That was two days ago. Then later that day I bumped to Christian. I was tipsy that time then he told me that he will bring me home. Hinatid niya po ako dito sa bahay then that's it. Kahapon pumasok ako sa work. Then after ng duty ko, nakita ko po si Christian sa labas ng restaurant. He was waiting for me. Then we talked. He asked for explanation. Kung anong totoong nangyari five years ago when I left him. Then nag-usap kami. I told him everything. Habang nag uusap po kami biglang umulan. He said na mag stay muna po kami sa condo niya. Doon po 'ko nagpalipas ng gabi dahil hindi tumigil ang ulan. Hinatid niya po ako kanina. That's all ma." Pilit kong iniintindi ang mukha ni mommy. Sa haba ng inexplain ko mukhang naguguluhan parin siya.

"That's all? No lies?"

"You know I'll never lie to you ma."

Nakahinga siya ng maluwag nang marinig niya ang sinabi 'ko.

"God Nika! I thought may ginawa kang hindi maganda!" Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. Niyakap ko din siya at napangiti dahil akala ko ay may nagawa akong masama.

"I know what you're thinking ma. God knows hindi ko 'yun magagawa. Not now."

"I shouldn't have believed that!"

"What do you mean ma?"

"A stranger texted me earlier and told me na ayun nga nakipag make out ka daw with some stranger na nakilala mo sa club. You can't blame me dahil nag-alala talaga ako. Hindi ka pa nagpaliwanag kagabi dahil basta mo na lang sinabi na mag-eexplain ka na lang pag uwi mo. Kaya naman mas lalo akong kinabahan."

"It's okay ma. Kung sino man 'yung stranger na 'yon bayaan mo na."

Tinanong din ako ni mommy about kay Christian. Hindi niya kasi alam na nandito parin si Christian. I told him na nagkausap na kaming dalawa. She asked me if we're okay. Well, I think we are.

Pagdating ng hapon nag ready na 'ko dahil may duty pa 'ko sa restaurant today.

Pagpasok ko ng restaurant nagulat ako dahil may babaeng humarang sa 'kin.

Isang pamilyar na babae.

"Nika, right?"

"Uh, yes. Why?"

"Can we talk?" Bigla akong kinabahan pero hindi ko alam kung bakit.

"Uhm, may I know your name?" It may sound rude but I have to be sure. Hindi ako basta basta nakikipag usap sa hindi ko kilala. Dahil baka budol budol pala yan mahirap na.

Lalong kumabog ang puso ko nang marinig ko ang pangalan niya.

"Selena. I'm Selena." She flashed a beautiful smile at me showing her perfectly aligned teeth.

I smiled back at her and pulled a chair to sit.

"I won't be plastic here. I know that Christian went here yesterday. I also know that he brought you to his condo. And.... he also brought you home two days ago, right?" Lalo akong kinabahan dahil hindi ko inakalang alam niya ang lahat ng nangyari sa amin ni Christian.

"I want to remind you that I'm his girlfriend." Kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata niya habang binibigkas ang salitang girlfriend.

"I will be honest with you. Babae rin ako. Ayokong may nakikitang babaeng nasasaktan. Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagbalik pa sa buhay mo si Christian? Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka parin niya nilalapitan eh hindi ba't galit nga siya sa 'yo dahil sa ginawa mo sa kanya five years ago?" And that hit me. Bakit nga ba ako nilalapitan parin ni Christian?

Halos madurog ang puso ko ng marinig ko ang sinabi niya.

"He's here for revenge. Yes, revenge Nika. I think alam mo naman that Christian was devastated when you left him. I was beside him throughout the years na umiiyak siya, nagpapakalasing, yung mga oras na nasasaktan siya. Ako ang nandoon. Alam ko kung gaano siya nasaktan. He even thought na habang siya ay nasasaktan ikaw naman ay nasa ibang bansa habang may kasamang ibang lalaki. Habang ikaw ay may kalandiang iba, si Christian ikaw at ikaw parin ang iniisip. Until he finally decided to move on. WITH MY HELP. Niligawan niya ako and ofcourse sino ba naman ako para tumanggi sa isang Christian Brigaza? After a month, sinagot ko siya. Hindi pa kami tumatagal ng isang buwan pero nagbalik ka. At isa lang ang pumasok sa isip niya. 'Yun ay ang maghiganti sa 'yo. Hindi ko siya pinigilan dahil nakita ko noon kung gaano siya nasaktan. He wants you to feel the pain he felt a few years ago. Gusto niya masira ka rin kung gaano mo siya sinira noon. Not until nalaman kong hinatid ka niya pauwi at dinala ka niya sa condo niya. That was too much. Alam kong pinapaniwala ka niyang mahal ka niya. Alam kong pinapaniwala ka niyang ikaw parin ang mahal niya. At bago ka pa mahulog sa kanya, sinasabi ko na sa'yo Nika ang lahat ng ginagawa niya ay para lamang sa paghihiganti niya. Hindi ko alam kung hindi mo talaga alam na may girlfriend na siya o sadyang nagbubulag-bulagan ka lang. Ako. Ako na ang mahal niya Nika. Hindi na ikaw. I know this will hurt you. Pero mas magandang malaman mo na 'to ng mas maaga para hindi ka pa masyadong masaktan. Babae rin ako Nika. Concern lang ako sa 'yo."

Uminom siya ng onti sa coffee na nasa harap niya at tumayo.

"Goodbye Nika. It's nice to meet you." Nakipagkamay siya sa'kin at nagsalita bago umalis.

"Again, I'm Selena. Christian's girlfriend."

---

A/N: This chapter is not edited. I may not edit the following chapters too so please understand some of my typos and grammatical errors. Thank you! x



Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon