Chapter 37 - Hired

35 2 0
                                    

NIKA'S POV

A week after ng party ni Karol, naging busy muna ako sa paghahanap ng pwedeng pagtrabahuhan. Oo I admit, nasaktan ako sa mga nangyari noong nakaraang linggo. Pero hindi yun sapat na dahilan para mag give up ako. Ngayong kababalik ko lang sa Pilipinas tsaka pa ba 'ko susuko? Nag iipon lang ako ng lakas ng loob at dadating din yung time na kaya ko na silang harapin. Masaktan man ako, ang mahalaga nag try akong lapitan sila para humingi ng tawad.

Papunta ako ngayon sa isang restaurant para sa interview. Buti na lang at after three days natawagan agad nila ako para sa isang interview. 

"Excuse me po?" Sabi ko sa guard na nagbabantay sa harap ng restaurant. Hindi pa kasi sila bukas pero ang sabi sa 'kin papapasukin naman daw ako basta sabihin ko lang na mag-iinterview ako.

"Ano po 'yun?"

"Interview po kay Sir Agustin?"

"Ah okay, ikaw ba si Nikaela Perez?"

"Opo. "

"Sige, deretso ka lang dun tapos sa kanan makikita mo yung office niya."

Pagkatapos ako bigyan ng instructions ni manong guard dumeretso na agad ako sa office "daw" ni Sir Agustin.

Hindi ko pa talaga siya kilala dahil iba ang pinagpasahan ko ng resume nung nakaraan. Siguro yung boss talaga nila ang mag-iinterview sa 'kin ngayon.

Kumatok ako ng tatlong beses at may narinig akong sumagot.

"Come in."

Hindi na 'ko nagdalawang isip na buksan ang door.

Pagkapasok ko bumungad sa 'kin ang lalaking-- oops let me rephrase it---- ang isang napaka gwapong lalaki. Okay as in ang pogi niya!

He is wearing a suit. I didn't know God made a man so damn perfect like him. His jaws are perfectly made, his lips is thin and pinkish, his expressive eyes, and his damn deep voice!

"Have a sit. Miss Perez, right?"

Halos masamid ako ng marinig kong binanggit niya ang surname ko. Oh My God Nika, behave!

"A-ah ye-yes, sir."

"Don't be nervous haha! I'll just ask you some questions." When I heard his chuckle I just wanna scream. Damn it! Kinikilig ako!

He asked me the usual questions kung ano ang common questions sa mga nag-iinterview. Hindi naman ako ganon masyado nahirapan dahil when I was in America na-train na 'ko about sa mga interviews. I chose hotel and restaurant management when I was in senior high school kaya naman nasagot ko ng maayos ang mga tanong niya.

Sa bawat tanong niya, sinisigurado kong bawat salitang binibigkas ko ay appropriate at hindi nakaka hiya. Kailangan kong magpa impress para makuha ako!

After an hour, natapos din ang interview.

"So we will just call you as soon as we decided to hire you. Thank you, Miss Perez."

"Okay, thank you sir---- Agustin."

"Seven Agustin." He said and flashed a smile that almost took away my breath.

"Okay, thanks Sir Seven Agustin."

Paglabas ko ng office niya, halos mapunit na yung labi ko kaka-ngiti. Ang pogi niya as in! He looks early twenties. Sana tawagan niya na agad ako. Sana ngayon na? Haha! Kung ganon ba naman ang makakasama ko sa trabaho edi hindi lagi akong sisipagin pumasok.

------


Kinabukasan maaga akong gumising para mag ayos ng sarili. Plano ko sana kasing magpalamig muna sa mall ngayon. Time alone kumbaga.

Kinapa ko yung phone ko sa ilalim ng pillow ko para tignan kung may nag text ba. Pero pag open ko wala naman.

Patayo na sana 'ko para dumeretso sa banyo nang nag ring yung phone ko.

"Hello?"

"Can I talk to Miss Nikaela Perez, please?" Sabi ng isang hindi familiar na boses ng isang babae.

"Yes, it's me."

"Goodmorning Miss Perez, I just wanna let you know that you are hired to *tooot* restaurant. Mr. Agustin is expecting you today so he can discuss you everything you need to do."

Halos mapatalon ako sa tuwa nang marinig ko yung sinabi niya.

"Omg. Thanks! What time should I go there?"

"Just go to his office at 2pm."

Pagkatapos namin mag-usap ay agad akong tumili at tumalon. Shit! Hindi ko inexpect na today agad sila tatawag! I wasn't even expecting that they'll hire me because I don't have any experience yet.

"Bakit? Ano? Ano nangyari?" Nagulat ako nang biglang binuksan ni mommy yung pintuan ko at mukhang kinakabahan.

"Huh?" Tanong ko kay mommy.

"Jusko bakit ka sumisigaw?"

"Hahahaha! Mommy naman. Masaya lang ako." Hindi ko mapigilang hindi tumawa. Hahaha! My mom's face was priceless!

"Huh? Bakit? Ano meron?"

"Remember yung restaurant na pinag interview-han ko kahapon ma?"

"Oh bakit?"

"They just called me. Tanggap na daw ako!"

"Wow! Congrats, anak!" Sabi ni mommy at ni-hug ako.

Pagkatapos namin mag lunch ni mommy----at ako ang nagprepare ng lunch namin. Yes, I know how to cook. Nag prepare na 'ko agad para sa pagpunta sa meeting namin ni Mr. Pog--- Agustin pala. Hehe!

"Ma, I'll go na ha?" Sabi ko kay mommy at ni-kiss yung cheek niya.

"Sige anak, take care alright? Goodluck!"

Paglabas ng subdivision, agad akong pumara ng taxi at dumeretso na sa restaurant.

"Miss, Perez?" Salubong sa 'kin ng guard.

"Yes po, kuya."

"Deretso na lang po kayo ma'am sa office ni Sir Agustin." Nginitian ko si kuya bago pumasok at dumeretso office ni Mr. Agustin.

Kumatok muna ako at narinig ko ang malamig niyang boses, "Come in."

"Goodafternoon sir." 

"Take a sit. I'll be discussing to you the things you have to do and not to do here." Seryosong sabi ni Mr. Agustin. 

Sinabi niya sa 'kin ang lahat ng ginagawa at hindi dapat gawin ng isang waitress. Aaminin kong hindi ganon kadali pero alam kong kakayanin ko. Nagkaroon na kasi kami ng training sa America noon kaya medyo may alam na 'ko. And I need to be optimistic dahil kung laging negative ang laman ng utak ko, hindi ko ma-eenjoy ang work ko.

Pinakita niya din sa 'kin yung buong restaurant at sinabi niyang bukas na daw ako mag-start. I'm so excited!

Nagpaalam na sa 'kin si Sir Agustin dahil marami pa daw siyang aasikasuhin at dumeretso na siya sa kanyang office.

Nagulat ako nang lapitan ako ng isang staff.

"Ang swerte mo."

"H-ha?"

"Ikaw lang ang tanging employee na ni-tour ni sir dito. Kadalasan pinapa-utos niya na 'yon sa ibang staff eh."

"Ah ganon?" Medyo na awkward-an ako sa sinabi niya. So anong ibig sabihin niya don? Does that means something?

Nagulat ako nang bigla niyang sinabing....

"Hindi kaya may gusto sa' yo si Sir?"

-----

Not edited. x





Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon