Chapter 42 - Paintings

29 5 0
                                    

NIKA'S POV


I watch him as he prepares his own made soup.

Dito kami umuwi sa condo niya after namin mag-usap sa park kanina. Umulan kasi kaya agad kaming nagmadaling umuwi. Malakas ang buhos ng ulan kaya sinabi niyang dito muna ako mag stay sa condo niya. Hindi na rin ako tumanggi dahil baka may mangyari pang masama kung pipilitin ko umuwi. Naiwan ko rin kasi sa restaurant yung sasakyan ko.

Tumawag ako kay mommy at sinabing hindi ako makaka-uwi. I told her na mag eexplain ako mamaya pag uwi ko.

"Are you cold?" Tanong niya at pinatay ang stove.

"No. I'm fine."

Sa five years kong hindi nakasama si Christian hindi ko inakalang marunong na pala siyang magluto.

Naglagay siya ng soup sa bowl at pinatong sa harap ko.

"Eat."

Tinitigan ko lang siya nang magsalita ulit siya.

"I said eat, Nika."

"You?"

"What do you mean me?"

"Hindi ka ba kakain?"

"Makita lang kitang kumakain okay na 'ko."

Pinigilan kong hindi ngumiti kaya agad akong sumubo ng soup.

"Ouch! Shit!" Dahil sa pagmamadali ko napaso pa 'ko! Damn Nika!

"Careful." Sabi niya at napangisi.

I feel so embarrassed. Damn!

Naiilang ako dahil nakatitig siya sa 'kin. Bawat subo ko ay napapangisi siya.

"Stop staring."

"Why?" Tanong niya habang ngumingiti ng nakakaloko.

"Naiilang ako."

Susubo sana ulit ako kaso nakatitig parin siya sa 'kin kaya binitawan ko yung hawak kong spoon.

"I told you stop---"

"You can't blame me Nika if I can't stop myself from staring. After five years ngayon na lang kita ulit natitigan ng ganito kalapit. Pwede bang pabayaan mo na lang akong titigan ka?"

Napatingin ako nang hawakan niya yung kamay kong nakapatong sa right thigh ko pero agad kong inalis yung kamay ko kaya inalis niya din yung kamay niya.

"I'll just shower. Call me when you need anything."

Tumalikod na siya at naglakad papunta sa kwarto niya.

Finally naka hinga rin ako ng maayos. Ewan ko ba tuwing malapit siya sa 'kin feeling ko nagiging limited na lang yung hangin. Para bang tuwing nandyan siya hirap na hirap akong huminga.

Natapos ko na yung kinakain kong soup kaya naman dumeretso na 'ko sa sink para hugasan 'to.

After ko maghugas wala akong magawa kaya naman dumeretso ako sa sala niya.

Napansin ko ang mga paintings na naka post sa sala niya. 

Nakakuha ng attention ko ang isang painting kung saan yung lalaki ay nakaluhod habang hawak niya ang isang kamay ng babaeng paalis. Para bang pinipigilan nitong umalis yung babae. Kinurot ang puso ko ng mabasa ko ang nakasulat sa taas nito. "I tried. She left."

Ang isa pang painting ay isang babaeng nakatalikod habang ang lalaki naman ay nasa likod nito na para bang sinusundan niya 'yung babae.

Ang huling painting ay nakatalikod ang lalaki habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan may full moon.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon