NIKA'S POV
"Nika! Dalian mo!" Sigaw sa 'kin ni mama.
Kung bakit ba kasi kailangan pang magpa-parlor eh! Ang hirap tuloy i galaw nitong buhok ko.
Pumasok na kami sa loob ng tricycle at dumeretso sa school.
Nayon na 'ko unang sasali sa isang pageant. Sobrang kinakabahan ako dahil hindi ko parin nakaka-usap si Christian simula kahapon nang hindi siya sumipot sa practice.
Subukan niya lang ako iwan sa ere kakalbuhin ko siya!
5pm na nang makarating kami sa school. Isang oras na lang at magsisimula na. Ang dami na ding tao. Akala ko wala masyadong manunuod dahil gabi ang event. Pero maling mali ako. Dahil punong puno ang court. Naka prepare na din ang stage. Naka-on ang spotlight, at ang lakas ng music.
Nandito kami ngayon sa backstage at naka bihis ng pare parehas naming tshirt para sa introduction naming sayaw.
"Nasaan na si Christian?" Tanong ni mama.
Isa pa 'yong isang yun! Panigurado mapapahiya ako nito kapag wala siya! Ako lang walang partner nako!
"Hindi ko alam ma. Kahapon pa yun hindi umattend ng practice." Sabi ko na medyo naiirita.
"Baka naman naghahanda siya para ngayon."
"Naghahanda? Kahapon pa siya naghahanda. Tapos mukhang male-late pa siya. Kita mo ma! 30 minutes na lang magsisimula na tapos wala pa din siya! Paano kapag hindi siya dumating? Paano kapag hindi niya ko sinipot? Tapos---"
"Sinong hindi sisipot?"
My heart beats fast when I hear his voice.
Akala ko hindi na siya dadating.
"Ikaw. Akala ko hindi ka na dadating." Sagot ko at hinarap siya.Binigyan niya lang ako ng mapang-asar na ngiti at dumeretso kay mama.
"Hi Tita!" Sabi niya at nag beso kay mama.
Di manlang ako pinansin ganun?
Bahala siya sa buhay niya hindi ko rin siya papansinin!
Pagkatapos niya hindi sumipot sa practice kahapon tapos ngayon hindi niya ko papansinin!
Bwiset!
Tumayo ako at dumeretso muna sa cr.
Nilagpasan ko siya at nagderederetso ng lakad.
Nang marinig kong sabihin ng emcee na magsisimula na in 10 minutes, lumabas na 'ko at pumunta sa backstage.
Nakita kong nakatayo na dun lahat ng contestants katabi yung mga ka-partner nila.
Tumabi ako kay Christian. Nakita kong napatingin siya sa 'kin pero wala siyang sinabi.
So, hindi kami magpapansinan ganun?
Kinabahan na 'ko nang magsalita na yung emcee. "Let's now welcome the candidates for Mr. and Ms. St. Clare 2014!"
Dumeretso na kami sa stage at sumayaw.
Grabe dami ng tao. Puno ang bleachers. Mas lalo akong kinakabahan.
After naming sumayaw, dumeretso agad kami sa backstage to change our outfits.
Ang una ay ang fantasy part. I decided to dress like tinkerbell. I just find her outfit cute.
The next is, the casual wear. Simple dress lang ang sinuot ko. Yung below the knee. Sleeveless din siya. And I'm wearing a 2-inches heels. Hindi ko naman kailangan nung super taas na heels dahil matangkad na naman ako.
BINABASA MO ANG
Love At First Sight
RomanceNika is just an ordinary teen until one day her grandfather decided to arrange her to a marriage with someone she doesn't know. As time goes by she fell inlove with him but there is one problem that made her leave the guy even though she loves him s...