A/N: This chapter is dedicated to Karol Caina! Belated happy birthday! Mwa =)
NIKA'S POV
"Wag kang magulo!"
"Sumama ka na lang samin!"
"Saan nyo ba ako dadalhin? Ha?!" Sigaw ko sa kanila.
"Basta! Ang likot mo naman eh!"
Kapag ako naka wala sa pagkaka-hawak nila, pag-uumpugin ko talaga 'tong dalawang 'to!
Paano ba naman kasi kaninang tanghali nanonood lang ako ng tv sa apartment namin nang biglang pumasok ang dalawa 'kong magaling na bestfriend. Tumabi sa 'kin sa upuan at biglang tinakpan ng handkerchief ang mga mata 'ko. At paglabas ng bahay, sinakay sa sasakyan. Kung hindi ko lang nakita ang mukha nila kanina pagpasok sa apartment namin malamang napagkamalan ko na silang mga kidnappers!
I have no idea kung saan nila ako dadalhin.
Mamaya pag tanggal nila ng blindfold sa 'kin bigla akong ihulog sa ilog! Mapapatay ko talaga sila! Hindi pa naman ako marunong lumangoy nako!
"Wag kang malikot malapit na tayo!" Sigaw ni Angelique. Halatang naiirita na dahil kanina pa 'ko nagpupumiglas. Eh sino ba kasi may pakana nito?
"Tadaaaa!" Sigaw nila Angelique and Anna sabay tanggal ng handkerchief sa mata ko.
What?
Bakit nasa park kami?
Park? Tapos naka shorts and tshirt lang ako?
"Anong meron dito?" Tanong ko sa dalawa.
"Basta! Dyan ka lang. Bubye!" Sabi ni Anna sabay takbo nilang dalawa.
"Hoy! Sandali!" Balak ko sana silang sundan kaso malayo na sila. Ang bilis nila tumakbo! Kainis!
Pagkatingin ko sa likod ko. may naka lagay na blanket sa grass.
May magpipicnic yata?
Ano ba kasing gagawin ko dito?
"Surprise!"
O M G
Lumabas si Christian mula sa likod ng tree at may hawak na 2 dozens of Jco!
As in napa letter "O" talaga yung mouth ko.
"Oh! Eto na yung prize mo." Sabi niya at umupo sa blanket.
Siya nag-prepare nito?
"Oh ano? Tatayo ka na lang dyan? Kung gusto mong kumain ng 2 dozens of Jco, umupo ka na dito sa tabi ko."
Bigla naman akong napa-ngiti at tumabi sa kanya.
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya.
Sino bang hindi mapapa speechless nito. Bakit ba ang ma-effort niyang tao? Baka mamaya..... nevermind.
"Wala. Akala ko kasi kung saan ako dadalhin nung dalawa." Sabi ko na medyo natawa.
"Haha ka-sabwat ko sila para i-surprise ka."
"Dami mong alam. May pa surprise surprise ka pang nalalaman."
"Dahil special ka sa 'kin, deserve mo ang surprise! Diba nga usapan natin 'tong 2 dozens of Jco?"
Special ka sa 'kin.
"Oonga! Akala ko hindi mo tutuparin. Akala ko kaya joke lang yun."
"Sus. Basta ako, pag sinabi ko ginagawa ko."
"Sige. Sabi mo e. Pwede ng buksan?" Sabi ko habang naka tingin sa box ng Jco.
Bakit ba na-miss ko kumain niyan no!

BINABASA MO ANG
Love At First Sight
RomanceNika is just an ordinary teen until one day her grandfather decided to arrange her to a marriage with someone she doesn't know. As time goes by she fell inlove with him but there is one problem that made her leave the guy even though she loves him s...