NIKA'S POV
Nakita ko agad siya na nakangiting nag-aantay sa 'kin sa park.
Kahit na sobrang hirap sa 'kin na ngumiti, nginitian ko parin siya.
Wala siyang kamalay-malay kung anong mangyayari sa araw na 'to at sa magiging pag-uusap namin.
Lahat ng sasabihin ko sa kanya ay na practice ko na kaninang umaga. Kahit na alam ko sa sarili ko kung gaano kahirap, at kung gaano kasakit, kakayanin ko pa ring gawin.
Lumapit ako sa kanya at agad niya 'kong niyakap.
SANA KAYANIN KO. SANA!
*inhale* *exhale*
"Na miss mo ko no?" Biro niya sabay kinurot yung ilong ko.
Oo Christian. Sobra sobra. At alam kong mami-miss kita ng sobra.
Nginitian ko na lang siya ulit.
Kapag nagsimula na 'kong magsalita alam kong derederetso na yung sasabihin ko. Ayaw ko ng magpaligoy ligoy. Alam ko namang sa huli parehas lang kaming masasaktan. Kahit naman anong gawin ko alam kong wala na 'kong magagawa. Siguro nga part lang ng buhay namin ang makilala ang isa't isa. Pero kung seswertihin, sana maging kami pa rin sa huli. Pero siguro 1% lang ang pag-asa na 'yon dahil in reality, kapag iniwan mo ang isang tao mahirap na silang balikan. Dahil ang sakit na na-idulot mo sa kanila ay hindi ganon kadali makalimutan.
Humugot ako ng napakalalim na hininga at nagsimula ng magsalita.
"Christian, I'm sorry but I think we have to end this----"
"Huh? Anong pinagsasasabi mo?" Halata sa mukha niya ang pagkakagulat pero pinipilit niya paring ngumiti.
"I'm sorry Christian, feeling ko kasi nasasakal na ko. I think I fell out of love. Ayoko ng ipagpatuloy 'to. Masasaktan lang kita."
"ANO? TANGINA NAMAN NIKA! ANO BANG PINAGSASASABI MO? TANGINA NAMAN!"
"I'm breaking up with you. Sorry, Christian."
"TANGINA NAMAN NIKA! KAKASABI MO LANG SA 'KIN KAGABI NA MAHAL MO KO DIBA? DIBA? ANO GANON KA BILIS KA NA LANG MA FALL OUT OF LOVE SAKIN? ANO YUN, PAG GISING MO KANINANG UMAGA TSAKA MO LANG NA REALIZE NA HINDI MO NA 'KO MAHAL? ANONG KALOKOHAN 'YON? BAKIT NIKA, SABIHIN MO NGA SA 'KIN, MAY IBANG LALAKI BA? SINO? TANGINA! SINO?"
"WALANG IBANG LALAKI OKAY? WALA! SARILING DECISION KO 'TO! AYOKO NA! NASASAKAL NA 'KO! NA REALIZE KO NA HINDI KO NA EENJOY ANG PAGIGING TEENAGER KO KUNG MAY BOYFRIEND AKONG LAGING NAKA-ALIGID SA 'KIN! AYOKO NA CHRISTIAN! GUSTO KO MUNANG MA ENJOY ANG PAGIGING TEENAGER KO!"
"TANGINA ANG GANDA NAMAN NG REASON MO! GANON BA? NIKA NAMAN! MASYADO KA BANG NASASAKAL? OSIGE HINDI NA! HINDI NA KITA BABANTAYAN, HINDI NA KITA PAGBABAWALAN, HINDI NA KO MAGIGING STRIKTO SA 'YO! WAG MO LANG AKONG IWAN NIKA...... MAHAL NA MAHAL KITA.... HINDI KO KAYA...." Hinawakan niya 'ko sa magkabilang balikat ko habang nagmamaka-awa at nagsimula nading tumulo ang mga luha niya.
Kung pwede ko lang sana bawiin ang mga nasabi ko, babawiin ko!
Lord, help me! Please!
"I'M SORRY CHRISTIAN PERO I THINK IT'S BEST KUNG MAGBE-BREAK MUNA TAYO."
"HINDI NAMAN KAILANGAN 'YON NIKA EH. KUNG NASASAKAL NA KITA, HINDI NA KO MAGIGING MAHIGPIT SAYO. ANO PA BA? STUDIES? KUNG MAG AARAL KA SIGE BIBIGYAN KITA NG SPACE AT HINDI MUNA KITA GUGULUHIN AT KUNG GUSTO MO GUMALA KASAMA MGA KAIBIGAN MO SIGE PAPAYAGAN KITA AT HINDI AKO SASAMA SA YO PARA MAKAPAG ENJOY KA AT KUNG------"
"HINDI NGA GANON CHRISTIAN! LET'S JUST BREAKUP! SORRY!"
I WAS ABOUT TO TURN MY BACK WHEN HE HELD TIGHT OF MY HAND.
"Nika naman.... mahal kita..... sobra-sobra..... diba...diba ikaw din? Mahal mo din ako diba? Nika naman! Hindi breakup ang solusyon dito. Pwede naman nating pagusapan 'to diba? Mahal na mahal kita Nika.... wag ganito please..."
Napaharap ako sa kanya dahil bigla siyang lumuhod.
Ang hirap naman nito! Napaka hirap! Mabuti na lang at nakikisama ang mga mata ko at hindi sila naglabas ng luha dahil ayaw kong makita ni Christian na nasasaktan ako ng sobra sobra.
"Nagmamaka-awa ako Nika....wag mo lang akong iwan....bibigyan kita ng space kung gusto mo pero wag naman yung makikipag break ka sa 'kin please? Nika..... mahal na mahal kita..."
Humugot ako ng malalim ang hininga at binigkas ang mga salitang mas lalong dumurog sa puso ko.
"Can't you understand? Ayaw ko na! Ayaw ko na Christian alin ba doon ang hindi mo mainitindihan? Hindi na kita mahal! Why can't you just let me go and give me peace? Kahit mag maka-awa ka pa wala ng makakapag bago ng decision ko. Let's just breakup.......and let me go."
Hinatak ko ang kamay ko at maglalakad na sana paalis nang magsalita siya.
"Kapag nagpatuloy ka sa paglalakad mo at umalis ka, siguraduhin mong aalis ka na rin sa buhay ko. Kapag iniwan mo ko, wala ka ng babalikan. Pinapangako ko Nika, kapag iniwan mo ko dito at umalis ka, wala ka ng Christian na babalikan. Let go? Ayan ba ang gusto mo? Sige Nika, maglakad ka palayo at papalayain na kita at hinding hindi na kita babalikan at guguluhin. One step away from me, and I will let you go."
Feeling ko dinurog ang puso ko. Mas durog pa sa pagkakadurog nito kanina. Para siyang garlic na pilit dinudurog at pinaghihiwalay.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng magalakad.......
palayo sa kanya.
Sana dumating yung araw na mapapatawad niya din ako. Sana dumating yung araw na wala na siyang hinanakit sa 'kin.
Sana magalit na lang siya sa 'kin. Para mas madali para sa kanya ang makalimutan ako. Kahit na alam ko sa sarili ko na kahit kailan hinding hindi ko siya makakalimutan dahil siya ang ka-una-unahang lalaking minahal ko sa buong buhay ko. Minahal niya 'ko ng sobra sobra. SIya ang nagparamdam sa 'kin kung gaano kasarap gumising araw araw na alam mong may taong nag-aantay sa 'yo para sabihan ka kung gaano ka niya kamahal. Siya yung nag-alaga sa 'kin nung mga panahong wala si mommy at feeling ko nag-iisa ako. Siya ang tanging lalaking minahal ko ng ganito.
Kinailangan kong magsinungaling sa kanya dahil alam kong hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Ayaw ko rin namang iwan siya nang walang huling pasabi dahil isa siyang Brigaza at kung malalaman niya man na umalis ako ng bansa, baka gumawa siya ng way para sundan ako. Mas maganda na yung magalit na lang siya sa 'kin para makalimutan niya na 'ko. Dahil kahit anong gawin namin, magka-away ang pamilya namin at hinding hindi kami papayagang dalawa.
Sana balang araw malaman niya ang dahilan kung bakit ko 'to ginawa. Sana balang araw maintindihan niya din ako. At sana balang araw....... mapatawad na niya 'ko.
Alam ko kung gaano siya galit na galit sa 'kin dahil ganoon ko lang siya kadaling iniwan. Pero hindi! Kahit kailan hindi naging madali 'yon para sa 'kin! Kelan pa naging madali ang iwan ang taong mahal mo?
Iniwan ko siya hindi dahil 'yon ang gusto ko. Kundi dahil 'yon ang nararapat kong gawin.
Wala akong choice! I'm just a teenager! Wala akong ibang magagawa kung hindi sundin ang sinasabi ng mga nakakatanda sa 'kin.
We both know how much we love each other but at this point, we had to let go.
Letting someone go, doesn't mean you don't love them. It's just a way of accepting that it's not yet the right time for the both of you.
I'm sorry Christian. God know how much I love you. This maybe the end of our love story, but I know God will make us understand why it didn't work.
----
A/N: I will probably update every week! I hope you guys are still with me supporting this story. All the love x
Twitter: HeeeeyAngelique
Vote! Comment! & Share!

BINABASA MO ANG
Love At First Sight
Roman d'amourNika is just an ordinary teen until one day her grandfather decided to arrange her to a marriage with someone she doesn't know. As time goes by she fell inlove with him but there is one problem that made her leave the guy even though she loves him s...