Chapter 41 - I Don't Care

51 4 0
                                    

NIKA'S POV

Kinabukasan, pinilit kong gumising kahit napakasakit ng ulo ko. This is what I hate when I drink. Yung hangover. Buti na lang at mamayang 4pm pa ang duty ko sa restaurant.

Hindi ko na rin masyadong matandaan ang mga nangyari kagabi. Basta ang alam ko out of nowhere bigla niya 'kong hinatak at inuwi. Hindi ko nga lang alam kung totoo bang hinalikan niya ako. Ang masaklap ay naiwan ko yung kotse ko doon sa club. Buti na lang at nasa 'kin yung phone, wallet at susi ko. Tinawagan ako nila Anna kaninang umaga dahil nagulat daw sila dahil bigla akong nawala sa club. Sinabi ko naman ang totoo. Except doon sa hinalikan ako ni Christian. Hindi ako sigurado kung totoo bang nangyari 'yon o gawa gawa lang ng imahinasyon ko. They even asked me if we are back together. Ofcourse humindi ako. Dahil kahit na single ako, alam kong may girlfriend siya.

12pm pa lang kaya naligo na 'ko dahil kailangan kong kunin yung kotse ko sa club at dederetso na lang ako sa mall para kumain at makabili ng gamot para sa sakit ng ulo.

Wala si mommy sa bahay kaya pumara na 'ko ng taxi at dumeretso doon sa club at kinuha yung sasakyan ko.

It's already 1pm. Meron na lang akong 3 hours bago mag duty.

Pagkarating sa mall, agad akong dumeretso sa isang fast food chain at kumain.

Maaga pa naman kaya nag ikot ikot muna ako.

I'm still thinking about what happened yesterday. Parang hindi kapanipaniwala. Why would he care about me? Diba meron na siyang girlfriend? And why would he tell me na tandaan kung para kanino lang ako? At pagmamay-ari nga ba 'ko nino? Wtf? Ang gulo niya. And ano naman sa kanya ngayon kung hinawakan ako ng ganon nung lalaking kasayaw ko kagabi. As if he cares. Ang alam ko ay sobra ang galit niya sa 'kin.

Pagkalabas ko ng isang store, nakita ko siya.

Damn, siya nanaman!

Wait, may kasama siya?

Ah yeah. Yung girlfriend niya, right?

Ofcourse couples go to malls to date. Ugh.

Nakita kong naggaling sila sa isang silver shop. Pagkalabas ay sinuotan niya ng necklace yung girlfriend niya. Hinawakan ng babae yung kamay niya at nag thank you.

What's so special about that?

Siguro ay monthsary or anniversary or whateversary nila kaya may ganyan. Or siguro dahil mayaman siya, he buys his girlfriend whatever she wants. Kahit wala namang okasyon. Kitang kita ko ang pagkislap ng mata ng babae. She do really loves him, huh? Whatever wala paring forever!!!

Napansin kong masyado na kong nakatitig sa kanila kaya tumalikod na 'ko at sa ibang way dumaan.

Saan naman ako pupunta ngayon? Bigla tuloy akong nawalan ng gana!

Dumerederetso lang ako sa pag akyat sa escalator hanggang sa marating ko ang highest floor kung nasaan nandon ang cinema.

Bigla akong natakam ng makita ko yung popcorn.

Bibili na sana ako nang, damn!

Nakita ko silang sabay na lumabas ng elevator. Damn it! Sinusundan ba nila ako? Oh no, Nika wag kang assuming. Ofcourse couples watch movies together. Ghad! Bakit hindi ko ba naisip na posibleng dito sila puputa? Kainis!

Bigla tuloy akong nawalan ng gana kumain ng popcorn.

May pa punas punas pa 'yong babae sa noo ni Christian. Duh! Nasa mall kayo! May aircon oh! Walang pawis yan!

Haynako!

Mas lalo lang akong mababadtrip kung tititigan ko sila kaya sa iba na lang ako pupunta!

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon