Chapter 49 - Family

38 4 0
                                    

NIKA'S POV

Pagdating namin sa room ay kasunod ang mga nurse habang nililipat siya ng kama.

Agad na nilapitan ni mommy at hinawakan ang kamay.

"Ma'am aalis na po kami. Tawagin niyo na lang po kami kung may problema."

"Okay salamat."

Pag alis ng mga nurse ay agad na bumuhos ang luha niya.

"Paul!!! Maraming salamat sa Diyos at maayos ka na. Please, gumising ka na. Hindi ba't may plano ka pa? Ang anak mo, si Nika nandito na. Inaantay na namin yung lulutuin mo para sa dinner natin. Nakuha nrin niya 'yung necklace na binili mo sa kanya. Kita mo ba? Bagay na bagay sa kanya." Tinuro ako ni mommy habang hawak hawak parin ang kamay niya.

Hindi ko mapigilang hindi maluha. Kanina lang umiiyak si mommy dahil sa lungkot. Ngayon naman ay umiiyak siya sahil sa saya. 

"Okay ka naman diba? Gumising ka na! Miss na miss na kita. Yung mga pinanngako mo sa 'kin nung teenager pa lang tayo diba't ngayon natin 'yun tutuparin? Kasama ang anak natin. Paul, matutupad natin yun kasama si Nika. Hindi ba't noon ang usapan natin ay kapag nagka anak tayo ang gusto mong itawag niya sa 'yo ay daddy? Eto na Paul, bumangon ka na diyan." Patuloy na umiiyak si mommy habang tinitignan siyang walang kamalay malay. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ng sinabing bumangon na siya. 

Samantalang ako tahimik na nakatayo lang sa likod ni mommy. Hindi ko alam kung anong dapat kong i-react. I was rude to him few days ago. Ito pa lang ang pangalawang beses ko siyang nakita. Ang una naming pagkikita ay hindi naging maganda. At ngayong pangalawa ko siyang nakita, ay hindi rin maganda. Noon ay puro poot at galit ang nararamdaman ko. Pero bakit nang titigan ko siya ngayong nakahiga na walang kamalay malay ay naaawa ako. Gusto ko na lang siya gumising para maging okay na ang lahat. After all, handa na akong patawarin siya. Hindi ko nga lang alam kung paano. 

Nakatulog ako sa sofa sa tapat ng kama. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang marinig kong nagsasalita si mommy.

"Ang sabi ng doctor ay kung wala daw'ng magiging problema, makakalabas ka na in 5 to 7 days. Kailangan mo lang daw magpahinga."

Pag mulat ko ay makita ko ang kamay niyang nakapatong sa braso ni mommy habang ang isang kamay ni mommy ay naka intertwine sa kamay niya.

Sabay silang napatingin sa 'kin nang makabangon ako.

"Anak, gising na ang daddy mo."

Napatingin ako sa kanya. I feel so awkward.

"Anak, nakatulog ka ba ng maayos?" Kahit na halatang nahihirapan siyang magsalita, klarong klaro parin sa isip ko ang bawat salitang binitawan niya.

Tumango lang ako and I gave him a blank expression.

"Ma, lalabas lang po ako." Tumayo na 'ko at dumeretso sa labas.

I feel so suffocated. Hindi ako makahinga sa loob.

Napatingin ako sa phone kong lowbatt na. Simula nang makarating ako sa ospital kahapon ay naging abala na 'ko kay mommy. Nakalimutan kong iniwan ko nga pala si Christian kahapon nang hindi nagpapaalam. 

Dumertso ako sa isang convenience store sa tabi ng ospital at doon nag charge habang umiinom ng hot chocolate. After a few minutes ay nag on na yung phone ko. Bumungad sa 'kin ang sandamakmak sa message at missed calls ni Christian.

Christian:

Where are you? Akala ko ay aantayin mo ko dito sa parking?

Christian:

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon