Chapter 47 - Ospital

31 4 0
                                        

NIKA'S POV

"Nika, may naghahanap sa 'yo." 

Pang sampung katok na yata ni mommy 'yan ngayong araw. Kanina niya pa kinakatok ang pintuan dito sa room ko para kumain. Anong magagawa ko kung wala akong gana kumain. Sadyang nakakawalang gana tuwing naaalala ko yung nangyari kagabi. 

Tumayo ako sa kama na may tuyong luha sa pisngi. Dumeretso ako sa c.r para maligo. Napansin kong namamaga ang mga mata ko but I didn't mind. Expected ko ng mamamaga ang mata ko dahil ayaw tumigil ng luha ko simula kagabi hanggang kaninang umaga.

Nagbihis na 'ko at dumeretso sa baba. Siguro ay sila Angelique at Anna 'yun. Baka gusto ulit nilang gumala. 'Yun din naman ang gusto ko dahil gusto ko munang magliwaliw.

Pagdating ko sa sala nagulat ako dahil hindi pala sila Angelique at Anna ang naghahanap sa 'kin.

"Goodmorning." Tumayo siya at ngumiti sa 'kin.

Nginitian ko lang siya at dumeretso sa kusina.  Napatigil si mommy sa paghuhugas at humarap sa 'kin.

"Goodmorning anak." Niyakap ako ni mommy ng mahigpit. Yung yakap na alam kong may ibig sabihin.

"Goodmorning ma."

"Naka-usap ko na si Christian, anak. Napakagaling talaga ng tadhana at nagtagpo parin kayo." Ngumiti siya at di ko na rin napigilang hindi ngumiti.

"May lakad ata kayo?"

"Hindi ko po alam ma. Wala naman po siyang sinabi sa 'kin."

Bumalik ako sa sala.

Napansin ako ni Christian at napatingin sa 'kin. Nginitian ko siya at umupo sa tabi niya.

"Bakit ka napadalaw? At paano mo nalaman ang bahay namin?"

"Na-miss na kita eh. Pwede bang lumabas tayo ngayon?"

"Hmmm...." Sabi ko at nagkukunyareng nagdadalawang isip.

"Please?"

"Hmmm... Sige na nga. Magpapalit muna ako."

Tatayo na sana ako nang pigilan niya 'ko.

"Wag na. Okay na yan."

Naka denim shorts at maroon shirt lang ako pero tingin ko pwede na rin naman 'to.

"Okay. Mag shoes lang ako."

Pagkatapos kong magsapatos, kinuha ko na 'yung bag ko at dumeretso na sa sala.

Nakita kong nag-uusap sila mommy at Christian.

Sabay silang tumayo nang makalapit na 'ko sa kanila.

"Tita, alis na po kami. Maraming salamat po."

"Walang anuman hijo. Mag-iingat kayo ha?"

Nagkiss na 'ko kay mommy at dumeretso na kami sa labas.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong niya habang nagdadrive.

"Mamayang 2 pa naman."

"Oh pwede bang wag ka muna pumasok?"

"Ha? Eh hindi---"

"Please? I'll talk to your manager."

"It's not that easy, Christian."

"Let me talk to your----"

"No, Christian. Pumasok ako sa trabahong ito. I'm professional hindi ako basta basta pwedeng hindi papasok. I can wait for my rest day."

Natahimik siya at hindi na sumagot. Alam ko namang gusto niya 'kong makasama nayong araw pero hindi naman pwedeng basta basta na lang akong hindi papasok sa trabaho ko.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon