Chapter 22 - Basketball

92 5 0
                                    

NIKA'S POV

Saturday ngayon at bored na bored na 'ko dito sa bahay!

After one week na panliligaw sa 'kin ni Christian, masasabi kong sobrang laki talaga ng pagbabago. Lalo na ng epekto sa 'kin.

Kung dati, tuwing may mga sweet actions siyang pinapakita lagi kong naiisip na lahat yun part lang ng pagpapanggap. Pero ngayon, feeling ko totoo na talaga lahat ng pinapakita niya.

Araw-araw niya rin ako sinasabihan ng I love you.

Simula umaga, pagkagising ko may text na agad siya. At hindi mawawala doon ang I love you. At tuwing gabi bago ako matulog may text din siya para mag good night at hindi pa rin mawawala doon ang I love you.

At masasabi kong may halaga na ngayon yung phone ko. Dati halos one week kong di na gagamit yung phone ko at na-iiwan ko lang na walang charge dahil hindi ko naman yun lagi ginagamit at wala naman akong ka-text.

Pero ngayon, halos hindi ko na mabitawan yung phone ko. Dahil bawat minuto nagva-vibrate siya. Kung hindi kami magkasama, lagi naman kaming magka-text. Natututo na din akong mag load. Dahil dati, pinapasahan lang ako ni mommy ng load.

At isa pa.

May endearment na din siyang tinatawag sa 'kin.

Medyo corny pero kinikilig ako.

Marami ng gumagamit ng endearment na 'to. Pero iba pala yung feeling kapag sa 'yo na tinatawag.

"Goodmorning baby! Don't forget to smile! :) Eat ka na ng breakfast ah? See you later. I love you!"

"Osige na baby. Sleep ka na. Goodnight! Sweetdreams! Bukas pag gising mo mahal pa rin kita. I love you!"

Ilan yan sa mga tinetext niya sa 'kin.

Tuwing ginagamit niya yung endearment na baby may kung anong mga nagwawala sa tiyan ko. Para bang may nag paparty doon.

Wala akong gagawin ngayong araw kaya nakatunganga lang ako.

May laro ng basketball sila Christian ngayon.

At ayaw niya kong isama!!! Nakaka inis!!!

Gusto ko lang naman manood eh.

Ang sinabi niya lang ay, "Baby, puro lalaki kami doon. Ayokong may ibang tumitingin sayo. Tsaka baka habang naglalaro ako may ibang dumikit at pumorma sayo. Baby di ako makakapag pigil at baka maka sapak ako. Wag kang mag alala, after ng game namin, dederetso ako sa inyo. Okay?"

At ano pa bang magagawa ko? Nakaka inis talaga!

Ang sabi niya 2pm daw laro nila at baka 4pm na matapos yun dahil marami daw may gustong makalaban sila.

1pm pa lang at kating kati na yung paa ko lumabas. Nakakatamad naman lumabas mag isa. Para namang masyado akong alone haha!

Mag movie marathon na nga lang ako!

Kinuha ko yung If I Stay na copy namin at in-on ang dvd player.

Pangalawang beses ko na 'tong papanoorin. Super ganda kasi ng story!

Mia and Adam is such a perfect couple.

Their relationship is such a relationship goal.

I really cried when I watched it for the first time.

Feeling ko kasi ako si Mia. And feeling ko nangyayari din sa 'kin yung nangyari sa kanya. Kaya naman ganon na lang yung impact ng story sa 'kin.

Ganon naman talaga ako kapag nanonood ng movie or nagbabasa ng story. Minsan iniisip ko what if ako yung nandoon sa situation ng girl. Anong gagawin ko? What if magka love story din ako kagaya ng sa kanila?

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon