Chapter 38 - Pain

27 5 0
                                    

NIKA'S POV


After two weeks of working, nag-enjoy naman ako. Maganda naman makitungo ang mga staff lalong lalo na si Sir Seven Agustin. Ang close niya sa mga staff. Hindi siya yung tipo ng ibang mga boss na masungit. May isang staff lang akong hindi close and medyo kinaiinisan. She's Clouie. Ang sungit niya kasi. Minsan nahuhuli ko pa siyang tinatarayan ako. Nung una, nginingitian ko pa siya at pinakikisamahan. Pero nang napansin kong wala pagbabago, hindi na 'ko nag try na mag approach sa kanya. I wasn't born to please anyone. Kung ayaw niya sa 'kin, it's okay. Hindi ko rin naman siya gusto.

"Hindi ka pa mag-out?" Tanong sa 'kin ni Belle. Isa siya sa mga staff dito.

"Gabi na oh!" Dagdag niya.

"Ah sige mauna ka na, tatapusin ko lang 'to."

"Okay. Una na 'ko ah? Bye!"

Tinapos ko ng punasan yung huling table na nililinisan ko. I checked the time, oh 10:40pm na pala. 10pm kasi nagsasara 'tong store. Pero dahil sa closing ako naka assign ngayon ako yung naglinis ng tables.

Dumeretso na 'ko sa stock room at nagpalit ng tshirt. Napansin kong ako na lang pala ang staff dito. Si kuyang guard sa labas inaantay na lang ako para masara na niya yung buong restaurant.

"Oh Nika, ingat sa pag uwi ah?" Sabi ni Kuya Luigi a.k.a kuyang guard.

"Salamat kuya Luigi! Kayo din po!"

Lumabas na 'ko at nag abang ng taxi. Pag gantong oras talaga mahirap na makahanap ng taxi.

Naglakad lakad muna ako dahil kung magsi-stay ako sa kinatatayuan ko baka bukas pa 'ko maka-uwi.

Pero 30 minutes na 'kong naglalakad at wala parin akong nakikita. Masakit na rin ang legs ko at nanunuyot na ang lalamunan ko. Kahit siguro maka kita man lang ako nang club para maka inom ng juice.

Naglakad lakad pa 'ko onti nang may natanaw akong parang club. Dahil maraming tao ang naglalabas-masok doon at ang lakas ng music.

Lumapit ako at na-confirm kong club nga 'yon.

I don't have choice dahil nanunuyot na talaga ang lalamunan ko. Kailangan kong maka inom ng juice. 

Pumasok ako as club at agad bumungad sa 'kin ang dami ng tao sa dancefloor. Sobrang lakas ng music kaya naman yung mga nag-uusap ay nagsisigawan sa tenga.

Agad akong dumeretso sa counter at umupo sa isang stool. May iilang tao na napapatingin sa 'kin dahil hindi naman pang club 'tong suot ko. Ofcourse ang kadalasang suot ng mga babae ay above the knee na mga dress o di kaya naman ay shorts. Samantalang naka black slacks ako at white tshirt.

"What's your order ma'am?" Tanong sa 'kin ng barista.

"Do you have apple juice?" 

"Yes ma'am. Plain apple juice or with mix of gin?"

"Just the plain." Sabi ko at tumalikod na yung barista. Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong club. Nakakatawa lang dahil may nakita akong dalawang lalaking natumba dahil siguro sa kalasingan.

"Here's your apple juice ma'am." Sabi ng barista kaya agad akong humarap at nag abot ng bayad. Ininom ko na agad yung apple juice dahil nauuhaw na talaga ako. 

Umupo lang ako sa stool ng five minutes para ipahinga yung legs ko at tumayo na rin ako para lumabas dahil mag 12 na ng madaling araw.

Paalis na sana ako ng isang familiar na mukha akong nakita.

Isang napaka familiar na mukha.

Tinitigan ko lang siya.

Akala ko ba may girlfriend siya?

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon