THOMAS’ POV
I need to move. I need to see Ara. I need to say sorry to her. I need to say I want her. I need to say I’ll take of her. I need to say I won’t hurt her again. I need to say I love her. Ang tanga mo Thomas. Ang tanga mo! Of all people na pwedeng mong saktan, bakit yung taong mahal na mahal ka? Yung taong mahal na mahal mo. Bakit di mo pinaglaban? Bakit bumitiw ka? (tumulo ang luha)
ABI: Thomas. Girls. (umiiyak) I know na naguiguilty tayo dahil sa mga narinig natin. *sobs* Pero we need to look for Ara. Kailangan niya tayo.
KIM: Pa *sobs* no kung *sobs* a-yaw nya tayong makita *sobs* I’m sorry Ate. Kasala-*sobs* nan ko. Kung *sobs*
MIKA: (umiiyak habang napaupo) A-ko. *sobs* Kung naki *sobs* nig sana a *sobs* ko.
ABI: (pinunasan ang luha) Girls wag niyong sisihin ang sarili niyo. We just need to make up for everything. Yung mga pagkukulang natin sa kanya. Wala lalo tayong mararating kung hindi natin siya kakausapin. Kung hindi natin siya hahanapin.
Tama si Ate Aby. Tama na kailangan namin bumawi. Pero bakit ganon? Ang bigat sa pakiramdam. Mapapatawad nya ba ko? Bibigyan niya pa kaya ako ng chance para bumawi? Gustong gusto ko gumalaw. Pero yung puso ko takot na takot. Natatakot sa lahat ng mangyayari. Na baka wala na. Bakit pakiramdam ko mawawala na siya sa akin?
ABI: Thomas. Hahanapin mo din ba si Ara?
Nabablanko ako. Ano ba Thomas? Ang sama ng pakiramdam ko sa lahat ng nangyayari. Si Ara.
ABI: Thomas. (hinawakan sa braso si Thomas)
THOMAS: Po Ate Abi?
ABI: Sasama ka ba sa amin paghanap kay Ara?
THOMAS: A-no po. (pinunasan ang luha) Hahanapin ko din po sya. Pero maganda kung hiwa hiwalay na lang po tayo para masmabilis.
ABI: O sige. Saka na lang tayo mag-usap kapag nakita na natin si Ara.
THOMAS: Sige po una na ko.
ABI: Sige.
Pagkalabas ni Thomas may nakasalubong siyang bata sa gate.
BATA: Taga-dito po ba kayo?
THOMAS: Ha eh. Hindi. Ate Abi.
ABI: Anong meron dito?
BATA: (may inabot na sulat) Galing po dun sa babae. Para daw po sa nakatira dito. Sige po.
ABI: Kay Ara galing. (binuksan) Pumasok ka muna ulit Thomas. Baka malaman natin kung san sya pumunta. Girls! Baba muna.
Binasa ni Abi ang sulat.
Lady Spikers :),
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung mga sasabihin ko sa inyo. Tatlong taon tayo naging magkakasama sa loob ng isang bahay at lubos akong nagpapasalamat sa tatlong taong binigay sa akin ng La Salle at ni Lord. Hindi ko alam kung paano iexplain pero sobrang saya. Sobra talaga. Kayo na second family ko eh.
Motherf. Salamat. Salamat dahil naramdaman ko talaga ang mahalin bilang isang anak ng dahil sa’yo. Naging pangalwang nanay na kita. Sobrang sarap talaga ng mga luto mo. Sobrang sarap na merong kumakandong at yumayakap sa akin kapag may games. Nagpapalakas at pumupuri sa akin sa mga nagawa ko at naachieve ko. Sobrang mamimiss ko yun. Sorry kung napatalo ko yung game ha. Hindi ko talaga sinasadya. Gusto ko sana maging memorable yung last year mo eh. Yung maging sobrang saya ka para masuklian lahat ng mga nagawa mo para sa akin. Pero siguro nagkulang ako. Hindi pa siguro ako nakapagpractice ng ganon kagaling. Sorry motherf. Sorry talaga. Pero alam kong malayo ang mararating mo. BMDC di ba? Sorry talaga motherf.
Bullies! Hihi. Hindi ako nagkaroon ng mga kapatid na babae pero kapag kasama ko kayo parang naramdaman ko na nagkaroon ako ng madaming kapatid. First time ko magpillow fight, first time kong magkaraoke, first time kong mag group study at marami ko pang first time kayo yung nakasama ko. Ang saya pala magkaroon ng bestfriends. Bukod kasi kay Bang sa inyo lang din ako nagiging mukhang luka. Haha. Natuto din ako mambully. Haha. Pero sorry girls ha. Alam ko yung magbebestfriends nagsasabihan dapat ng sikreto kaso ako naglihim. Natakot lang kasi akong mawala kayo. Medyo sira sira kasi talaga ako eh. Dapat sinabi ko sa inyo lahat. Nalaman niyo pa tuloy ng di kagandahan. Kung bibigyan lang talaga ako ulit ng isang pagkakataon para itama lahat siguro sasabihin ko na sa inyo. Kahit siguro magalit kayo okay lang. At least di ko nasira yung friendship natin. Ako kasi eh. Luka at kalahati. Hihi. Wafs! Mamimiss ko kayo ng sobra. Alam kong galit pa din kayo sa akin. Pero sana balang araw mawala na din yun. Miks. Sorry kung di ko kaagad napansin ha? Medyo manhid din kasi ako eh. Mahal na mahal din kita. Sana kahit don makabawi ako sa lahat ng sakit na naidulot ko. O Kahit mabawasan lang ng konti. Kim. Sorry kung dinala mo ng matagal yung pagsisinungaling ko. Dapat sinabi ko na ng maaga. Hindi ka siguro nasasaktan ng ganito. Sorry talaga Wafs. Sorry. Alam kong ang daming goal ang binuo natin magkakasama pero ako binalewala ko lahat yon. Sorry.
Ates! Salamat ha! Ngayon lang ako nagkaroon ng mga super sweet na mga ate. Yung magkwekwento sa akin ng mga karanasan nila para matuto ako. Promise! Andami ko talagang natutunan sa inyo. Sorry kasi naglihim yung bunso niyong kapatid ha. Sorry. Sa mga nakakabata ko namang mga kapatid. Dapat ako yung magiging magandang ehemplo sa inyo. Pasensya na kayo kung di masyadong maganda yung nakita nyo sa akin. Aalis na nga lang ako ganito pa. Pero wag kayong mag-alala mababait yang mga bago niyong magiging mothers. Bullies pakabait ha. Hihi.
Sorry kung makikisabi lang din ako sa inyo pero pasabi na lang din kay Rex. Ayoko kasing makita pang magalit ang mommy nya. Medyo ang laki din talaga ng kasalanan ko eh.
Rex. Salamat! Salamat sa buong pusong pagmamahal mo sa akin. Perfect kang maging boyfriend lagi mong tatandaan yan. Walang pagkukulang sa’yo. Ako lang talaga yung sira. May mahal lang talaga akong iba. Sorry sorry. Hindi ko alam kung paano magsosorry para mapatawad mo. Nagbakasakali kasi akong magugustuhan kita dahil sobra ka talagang magmahal. Pero ako sinara ko lang talaga yung puso ko sa isang tao. Alam kong may masmagmamahal sa’yo. Okay lang na magalit ka sa akin. Sa akin na lang. Pero sana wag kang magbabago sa mga taong nasa paligid mo. Alam kong makakakita ka ng masmaganda, masmabait, at lalong lalo na yung hindi ka sasaktan na katulad ko. Sana pagdumating yung araw na yon mapatawad mo ko kahit konti.
Sorry girls. Sorry. Hindi ko alam kung paano magsosorry. Alam kong pagnakita niyo ko masasaktan ko lang kayo kaya minabuti ko na lang isulat. Hindi ko alam kung paano. Pero sana kahit konti maaalala niyo pa din ako. Lalayo na lang ako para humupa ng konti ang galit niyo. Sorry girls. Kung bibigyan ulit ako ng pagkakataon na makita ulit at maging kaibigan ulit kayo pangako sa susunod di ko na sisirain yung tiwala niyo. Masmagiging malakas na ko. Pero sa ngayon sorry kung mahina pa ko. Na hindi ko kayo kayang harapin. Ayoko kasing makita na nasasaktan kayo gawa ko. Sorry girls. Sorry.
-ARA
Nanginginig ang tuhod ni Thomas. Humawak sya sa pader habang pinipilit maglakad paglabas. Naglabasan din ang Lady Spikers para magbaka sakaling nasa labas pa siya. Pero wala na si Ara.
Ring ring ring…
THOMAS: He-llo
JERON: Uy bro asan ka. Kanina ka pang umaga umalis ah. Nga pala may sulat dito sa gate natin.
Nabitawan ni Thomas yung phone nya.
No Ara. Please. Please wag kang mawawala sa akin. Wag kang aalis. Sorry. Sorry.
Update! Sorry kung mabagal. Ang hirap gumawa ng kasunod. Haha. Sa lahat po ng readers and nagcomment sa last Flashback.... Sobrang Thank you! Sana patuloy nyo pa rin tong isupport! :)) Lab lab. :*
BINABASA MO ANG
Forgotten You (Ara Galang and Thomas Torres Fanfic)
FanfictionHOW I WISH I CAN HEAR YOU CALLING ME AGAIN... HOW I WISH I CAN SEE YOU FOLLOWING ME AGAIN... HOW I WISH I CAN FEEL YOUR CARE FOR ME AGAIN... HOW I WISH I CAN TASTE YOUR DELICIOUS COOKINGS AGAIN... HOW I WISH... YOU COULD SAY THE WORDS "I LOVE YOU" A...